27:inlove?

540 15 0
                                    

Nadia's pov

Ewan ko ba kung bakit gusto ko ng ice cream? Hays! Andami ko kasing gustong kainin, mangga, saging, lansones. Ewan ko!

Dinala ako ni ace dito sa mall, 4 months na kasi ang tyan ko, kaya medyo malobo na rin. dito daw kami kakain lahat ng gusto ko. May mga prutas naman dito kaya okay na sakin ditong gumala kahit nakakasawa na sa lugar na to.

"Ano bang unang gusto mong kainin? " simula ni ace, habang akbay akbay ako.

"I want.. Ice cream! Yung malaki! Pwede ba?" Pa cute kong sabi para maakit sya.

"Sure! Why not? " ani naman sakin ni ace at nginitian ako ng napakagwapong ngiti.

"Talaga? Yes! " masaya kong sabi at biglang nahagip ng Mata ko yung lansones, yun kase madalas ang pinaglilihian ko. Kaya bigla akong natahimik at napatigil.

"Hays! Eto talagang asawa ko" ani nya, at bigla akong hinatak papuntang bilihan ng fruits. At ibinili ako, napapatitig ako sa ginagawa nya para sakin.

Hindi kasi kapani paniwala di ba? Noon ay ayaw na ayaw nya Sakin, tapos ngayon makakaramdam ako ng ganito.

Binili nya ko ng limang kilong lansones, para daw di na sya mahirapang bumili ng pabalik balik kapag nauubos ito.

"Mamaya mo na kainin yung lansones a? Sa bahay mo na yan kainin, baka magkalat ka lang dito" simula ni ace habang kumakain ako. Napaka suplado nya talaga, Kala ko pa naman kasi dito, pag bumili ka ng fruits merong pagkakainan, wala pala.

"Sheez! Ayoko na nga!" Sabi ko, at inilayo ko yung ice cream na kinakain ko, malaki kasi binili nya sakin.

"Haha! Joke lang, kakainin mo ba dito? " Biro nya, at nataawa pa. Inaasar lang ako neto, lagi naman syang ganyan e. Trip ako.

"Wag na ayoko na" tampo ko, at bigla syang lumipat ng pwesto sa tabi ko, Nasa harap ko kasi sya kanina.

"papalambing ka lang e, mamaya na sa bahay" bulong nito sakin at hinalikan ako sa pisngi. Salisi talaga ang lalaking to.

"Palambing? Sumasalisi ka lang sakin e" hampas ko sa dibdib nya. Hindi ko alam kung maiinis ako o kikiligin sa ugali nya, lagi nya na lang ako inaasar kaya laging umiinit ulo ko sa kanya.

Ace's pov

Paguwi na paguwi namin ng bahay, ay tumakbo agad si nadia papuntang kusina.

"Mahal, magingat ka! " sigaw ko, dahil baka madapa pa sya maapektuhan pa yung bata.

Pagpasok ko ng bahay nakita ko agad si nadia na kumakain ng lansones, natutuwa akong makita syang ganyan.

Nakita nya akong naka sandal sa pader at pinapanood sya, ang taba taba na nya.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now