48: find her

413 10 2
                                    

Ace's pov

Ano ba talaga yung dahilan? Hindi ko kayang mawala silang magina ko. Hahanapin ko sya dahil ayokong mawala sya, ayokong mawala uli sya kagaya noon.

Nandito ako sa kotse. Hinahanap ko kasi si nadia dahil hindi sya umuwi simula kahapon. Halos lahat na kami ay naghahanap sa kanya. 24hrs na ang nakalipas ng mawala sya pero di pa rin namin mahanap.

"Pano yan ace, San natin hahanapin yun? E magdadalawang araw na syang wala kasama si Dwayne" natatarantang ani ni Darren. Hanggang ngayon ay di pa rin nawawala ang kaba at taranta na nararamdaman ko dahil Kay nadia. Baka kasi di talaga sya umalis, baka may nangyari na dun.

"Oo nga boss" ani ni Kurt. Lahat sila ayan ang sabi sakin, hindi nila mahanap si nadia. Walang masyadong kaibigan si nadia kundi si Darren lang, kaya nahihirapan kami.
"May alam ka pa bang pwedeng puntahan ni nadia? "

Ani ni Kurt Kay Darren. At tinitignan ko lang sila sa salamin na nasa taas ko.

"I think, sa mommy nya. Try natin! " ani ni Darren. At muli ko nanamang binilisan ang drive dahil sabik na kong makita sya.

"Boss hinay hinay lang, baka maaccidente tayo" Kurt's said

"Wala akong pake! Ayos na sakin ang mamatay, wag lang ang magina ko" ani ko habang diretso lang ang tingin. At galit nareaksyon ko, hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipakikita ko dahil sa sobrang sabik kong makita ang magina ko.

Lalo Nat mayat Maya ang iyak ni darzel at hinahanap si nadia.

Darren's pov

Nang makarating kami sa bahay nila nadia. Pumasok na agad ako sa gate. Pero pinakalma muna namin saglit si ace dahil hindi sya pwedeng pumasok sa loob na ganyan ang itsura nya. Baka di pa sya magustuhan nila tita.

"Good evening po tita, Tito" ani ko at nagbles. Nakahelera kami sa sofa nila ace, At nakatayo.

"Sit" anyaya ng mommy ni nadia. Atsaka kami umupo, katabi ko ay si Kurt at ace. Napapagitnaan ako.

"Naparito ka Darren? May kasama ka pa?"

"Boyfriend mo Darren? Haha! Di ko alam na nagboboyfriend ka pala"

Ani ni Tito at tinuro si Kurt. Medyo nahiya ako kaya napatingin ako Kay Kurt, at nginitian nya lang ako. Kinikilig ako.

"Umm.. Di po Tito, si nadia po nanjan? " simula ko. Dahil gusto ko ng makita ang bestfriend ko, lalo na ang poging si Dwayne.

Sobrang nagaalala na talaga kami Kay nadia dahil mahigit magdadalawang araw na syang wala. At maghapon pa kaming naghahanap sa kanya.

"Ha? Hindi nyo kasama ang anak namin? "

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now