13:first fight

611 14 0
                                    

Criselda's pov

Kakatukin ko ba? Namiss ko agad sya e, epal kasi si ace e! Kahit kailan talaga.

"Ano yon? " sabi ni ace mula sa likod ko. Gising na sya? Ang aga naman? 4:30 pa lang gising na sya? At nakapangalis pa sya. San sya pupunta?

"Kakamustahin ko lang Sana si--"

Di nya ko pinatapos dahil wala syang pake sa sasabihin ko, dinaanan nya lang ako at pumasok sa loob ng master room, binagsakan pa ko ng pinto.

San kaya pupunta ang lalaking yun?

"Yaya! " sigaw ko, habang pababa ng hagdan.

"Yes mam? " mabilis na lapit sakin ni yaya, takot kasi kaya ganyan, hehe.

"May alam ka ba kung san pupunta si ace? " sabi ko at pagbaba ko dumiretso agad ako ng sofa at kinuha ko ang cp ko. Ramdam kong sinusundan ako ni yaya. Dapat lang no! Kinakausap ko sya e.

"E mam, kanina po kasi nung nagmamadali sya, sabi nya aalis daw sila ni mam. Nadia" sabi naman ni yaya, napaisip ako kung san pupunta iyong dalawa. Magmomall kaya? Hindi! 4:30 magmomall? E ano kaya!

"YAYA! " sigaw ni ace, kung maka sigaw naman sya.

"Yes sir? " lapit naman nung isa pa naming yaya, napatayo ako ng makita kong may dala silang maleta ni nadia. Si ace lang ang may dala nitong dalawang maleta, at si nadia naman ay maliit na shoulder bag lang.

"Dalhin mo to sa kotse" sabi ni ace, siraulong lalake, ambigat bigat nun ipapadala sa iisang babae lang.

"Ace! "

Tumingin silang sabay ni nadia sakin. Walang reaksyon ang muka ni nadia, mag asawa nga sila! Parehas walang ka emo-emoticon.

"San kayo pupunta? " tanong ko, hinarap ako ni ace ng nakapamulsa pa.

"Di ba magasawa na kami?"

"Oh? E ano naman? "

"Magsasarili na kami ng bahay" sabi nito. At wala pa din reaksyon ang muka nya. Anong balak nya sa buhay nya?
"Mahal, pumunta ka na sa kotse natin"

"No ace! Iiwan nyo ko dito? Atsaka kasal nyo di ba? " sabi ko, napatigil naman si nadia sa paglalakad ng marinig nya iyon.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now