008

412 29 4
                                    

Kim Hanbin
Active now

Hanbin : Hayi, labas tayo!

Hanbin : Miss na kita eh.

Hanbin : Dalhin mo narin yung assignment mo sa accounting, di ba sabi mo papaturo ka?

Hanbin : Hintayin kita sa convenient store na malapit sa inyo ha?

Lee Hayi : Sige, bihis lang ako. Hintayin mo ako ah.

[h a n b i n ' s]

Hinihintay ko si Hayi dito sa pinaka malapit na convenient store malapit sa subdivision namin, na sa iisang subdivision lang naman kasi ako, si hayi at si jiwon ayun nga lang, si Hayi ang pinaka dulong bahay saamin kaya kapag uwian eh mas ginagabi ako dahil hinahatid ko pa siya sa kanila, syempre bilin saakin ni Tito yun simula bata palang kami.

"Hanbin?" halos nanuyo lalamunan ko nung narinig ko yung boses ng tumawag sakin. "Jㅡjennie?" shit, ang ganda niya talaga. "Pupunta sana ko sa mall para bilihan yung kaibigan kong lalaki ng gift, birthday niya kasi bukas, pwede mo ba kong samahan. Hindi ko kasi alam kung ano yung mga things na pwedeng bilihin. Okay lang ba?" Damn, nakakatunaw yung mga ngiti niya. "Oo, sure. Saan ba tayo? "

Hindi naman siguro magagalit si Hayi kung hindi ko siya sisiputin ngayon, I tetext ko nalang siya mamaya. Moment ko na 'to kasama yung mahal ko.

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now