027

366 25 8
                                    


[Jaewon's] 

Di ako mapakali dito sa labas ng emergency room. Dinala kasi namin nung school nurse dito si Hayi dahil wala raw silang equipment dun sa school, bigla nalang kasi siyang hiningal kanina tapos nawalan ng malay kaya nataranta kaming dalhin siya rito.   Naglalakad lakad ako dito sa labas dahil sa sobrang kaba tangina kumakabog yung dibdib ko.

"Sir kayo po ba yung kasama ng patient sa ER? " tanong nung nurse habang nag dini-dispose yung syringe then nag hawak naman siya ng papel and pen.

"Ka ano-ano niyo po yung patient sir?" Tanong niya ulit. 

"Girlfriend ko po" sagot ko naman. I have decided to win her back.  Nag sasawa na kong makita siyang iyak ng iyak ng dahil lang sa pagiging one sided love niya kay Hanbin. Di ako tanga, kitang kita ko na mahal niya talaga yun. I want her to be mine again.  Wala na kong pake kung matagal niya kong pag hintayin, kahit pa gawain niya kong panakip butas as long as magkasama kami palagi ayos na yun sakin. Damn, I still love you, Lee Hayi.




━━━━━━━━━━━━━━━

Jung Jaewon
active now


Jaewon : San kana oy?!

Jaewon  : Iniinom mo ba yung gamot na nireseta sayo?

Jaewon : Wag kang maggagawi sa lugar na mailabok tsaka mausok. 

Jaewon : Wag kang masyadong ma stress saka mag pagod.

Lee Hayi : Oo na, daig mo pa si Papa hahahahahahahaha.  De joke lang, salamat Unobells! 💗

Jaewon : Wala kang galang.

LeeHayi : Bakit nanaman!? Inaano nanaman kita diyan?

Jaewon : Kinikilig ako, Ge baba ka na.

Jung Jaewon
Active about a minute ago.

[Hayi's] 

Simula nalaman ni One na may sakit ako sa puso, palagi na siyang ganyan napapraning.  Pamilya ko lang naman kasi nakakaalam na may sakit ako kahit si Hanbin hindi niya alam na may ganun akong sakit. Well, speaking of Hanbin one week na since nangyari yung alitan naming dalawa.  Pero never niya na kong kinausap pagkatapos nun,   baka nga hindi niya rin alam na naitakbo ako sa hospital pagkatapos ng alitan na yun eh. Pumapasok kami ng same room, pero never niya na kong tinabihan, tiningnan, kinausap o kahit tanguan man lang. Kasalanan ko rin naman eh, ako na nag desisyon na maging ganto kami, kailangan ko ng masanay.


"Nak andito na si Jaewon sa baba, aalis na raw kayo" nagmadali na kong bumaba dahil sa sigaw ni Papa. Bwisit naman kasi tong si Jaewon ginagawa akong kinder hinahatid sundo ako tss pabida lang 'to kay Papa e.

Oh kala ko ba aalis na kami? Tangina ga-bundok pa nga yung kanin ni One sa plato niya e, napakakapal ng mukha naki-almusal pa. Paghuhugasin ko to pagtapos naming kumain.


*dingdong*

"Darling labasin mo na nga muna yun bago ka kumain." Utos ni Papa habang kumukuha ng itlog at tuyo. 

"Dali na baka mamaya mahalaga yun, sige na"

"Sino yanㅡ"

"Kuya Hanbin!" sigaw ni Haru mula sa loob, parang bumabaliktad sikmura ko shit. Bakit parang namamaga yung mata niya?  Umiyak ba siya?

"Oh Bin ikaw pala yan! Tara na sabayan mo na kami ni Jaewon kumain dito dali" aya ni Papa sa kanya pero tinitigan niya lang ako ng malamig.  Ano nanaman ba?

"Hindi na Tito, dumaan lang talaga ko. May susundo na pala kay Hayi, daanan ko nalang si Jiwon. Bye Tito, Bye Haru" Hinalikan niya pa si Haru sa noo bago siya tuluyang umalis.

Parang hangin lang niya kong dinaan,  hanggang kelan ba tayo ganito?
Bahala ka na Kim Hanbin, napapagod na talaga ko.

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now