041

346 23 7
                                    

[Hayi's]

"Oh kanta mo yata 'to" agad ko nalang kinuha yung mic na nasa kamay ni Jiwon. Okay na siguro 'to, ilalabas ko nalang lahat sa kanta.


I see you beside me
Its only a dream
A vision of what used to be
The laughter, the sorrow
Pictures of times
Fading to memories

Akala ko kapag umamin ako mawawala na yung sakit pero hindi pala. Yung mga yakap na ako ang sumasalo kanina, si Jennie na ang sumasalo ngayon. Kung ano man yung sinabi at ginawa ni Hanbin kanina siguro awa niya nalang saakin yun dahil ayaw niyang makasakit ng tao.

How could I ever let you go
Is it too late to let you know

I've tried to run from your side
But each place I hide
It only reminds me of you
When I turn out all the lights
Even the night
It only reminds me of you

Dapat ko nang tanggapin na hanggang dito nalang talaga ko. Kung ang paglayo lang yung tanging paraan paraan para makalimutan ko kung ano mang nararamdaman ko sa kanya gagawin ko.

I needed my freedom
That's what I thought
But I was a fool to believe
My heart lied while you cried
Rivers of tears
But I was too blind to see

Everything we been through before
Now it means so much more, yeah

I've tried to run from your side
But each place I hide

It only reminds me of you
When I turn out all the lights
Even the nights
It only reminds me of you
Only you

"Magaling ka palang kumanta" sabi ni Jennie saakin, tumango nalang ako at nag paalam "Pasok na ko sa loob, masakit na mata ko inaatok na ko" kung gaano kabilis ang paglakad ko patungong villa ay ganun din ang bilis ng pagtulo ng luha ko.

Pagpasok ko ng villa ay agad ko namang nakita si Suhyun.

"Suhyun.." nakaramdam ako ng mainit na yakap galing sa kanya "Ang sakit sakit Suhyun!" Bawat paghikbi ko'y siya namang pag higpit ng mga yakap niya. "Shh tahan na, makakamove on ka din okay? Andito lang ako. Sila Jinhee, sila Jiwon. Di ka namin pababayaan" pagpapatahan nito saakin. "Hindi lang siya yung lalaki sa mundo, marami pa diyan hindi mo lang nakikita dahil masyado kang nabulag dyan sa bestfriend kuno mo" hinaplos haplos niya ang buhok ko hanggang sa makaramdam ako ng antok. 

             

           ━━━━━━━━━━━━━━━




[Hanbin's POV] 

"Love!" natauhan ako sa sigaw ni Jennie "Kanina ka pa tulala, may problema ka ba?" Oo, marami. "Ah, wala puyat lang siguro" kahit ang totoo si Hayi ang iniisip ko. Alam kong hindi siya inaantok kagabi, kitang kita ko sa mata niya.

"Alis na ko, mag behave ka rito ha?" paalala ni Jennie sakin. "Bawi nalang ako sa Manila pag uwi niyo" tumango tango naman ako. "Iloveyou" sabay hinalikan ako sa labi. "Iㅡiloveyou too.." hindi ko alam kung mahal ko ba si Jennie dahil sa nalaman ko kagabi mula kay Hayi. Gulong gulo na ko. 


Pagkaalis ni Jennie naglakad na ako pabalik sa Villa namin dahil alas sais palang ng umaga at wala pang gising sa mga kasama ko. Baka matulog nalang ulit ako.

Napahinto naman ako ng makita ko si Hayi na naglalakad lakad. Mukhang kagigising niya lang din dahil medyo maga pa yung mata niya. Nanlaki naman yung mata niya at akmang aalis nang makita niya ako.

"Hayi sandali!" tawag ko sa kanya. "Sorry nga pala kagabi" paghingi ko ng patawad dahil pagkatapos kong ring umamin sa kanya, si Jennie ang pinili kong samahan kesa siya. Masisi niyo ba ko? Girlfriend ko si Jennie.

"Ah yung kagabi ba? Wala yun alam ko namang naawa ka lang at ayaw mo akong saktan" ngumiti siya ng mapait. "Hindi yun yung ibig kong sabihin!" pagpprotesta ko. "Hindi naman ako tanga Hanbin, alam ko naman na hanggang kaibigan lang ako para sayo at napaka desperada ko na kung maniniwala ako sa sinabi mo kagabi" nasasaktan ko talaga siya simula pa dati. Bakit ang tanga ko at ngayon ko lang nakita. "Sige una na ko" tinalikutan niya ako at naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Oo aaminin ko, mahal ko si Jennie ㅡdati. Pero hindi ko naman akalaing dadating sa punto na kung kelan magiging girlfriend ko na siya tsaka ko nalamang nahuhulog na ko kay Hayi. Halos masiraan ako ng bait kapag magkasama sila ni Jaewon o kaya ni Kuya Haneul. Girlfriend ko si Jennie at hindi ko siya pwedeng hiwalayan ng wala namang sapat na dahilan. Paninindigan ko nalang kung ano yung sinimulan ko. Siguro tama nga si Hayi, kalimutan nalang namin pareho kung ano man yung sinabi at nararamdaman namin sa isat isa.

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now