052

348 23 10
                                    


[Hanbin's] 

"Ako nalang sa likod." hikab hikab kong presinta habang pasakay sa van na pi-pick up saamin papunta sa entertainment. Hilong hilo ko sa antok dahil nag karaoke si Ju-ne kagabi at bulabog sa buong dorm namin. Siya lang nag enjoy sa kagaguhan niya dahil lahat kami ngayon puyat.

"Daan muna tayo sa coffee shop" walang kalatoy latoy din na sabi ni Jiwon.  Si Donghyuk naman nasa tabi niya, naka earphones. Si Chanwoo naman, nakadantay kay Jinhwan hyung, pareho silang tulog. Si Yunhyeong, nagseselfie. Si Junhoe, nanalamin kala mo naman may mag babago pa sa kapal ng nguso niya.

"Hyung, sabi ko daan tayo saglit sa coffee shop" patuloy naman sa pag d-drive si Baymax-hyung, manager namin.  "Wag na Jiwon, dun nalang daw sa YG Cafeteria kumain. 15 minutes nalang start na yung meeting kaya tiis tiis muna nak. May kape namang i-seserve mamaya dun wag kang mag-aalala" tumango at pumikit nalang si gago para maka bawi ng antok kahit papaano.

Hilong hilo ako sa antok pero di ko malaman kung bakit di rin ako makatulog, siguro sa excitement? Ano kaya magiging takbo ng buhay namin once na na debut na kami? Di niyo ko masisi na mag isip ng kung ano ano dahil ako ang ginawang official leader ni Mr. Yang. Di naman namin kasi inakalang yung trip trip na performance namin nung foundation day nung college days namin eh mahahantong kami rito. Hanggang kalahatian lang ng 3rd year yung ipinasok namin tapos puro modules nalang at home school dahil nga kinuha kami ni Mr. Yang bilang mga official trainee niya sa kompanya niya dito sa Korea. Di ko naman alam na seryoso siya, kaya ayun minahal narin namin 'to. Nag training ng mahabang taon, nagkakapikunan lan kami minsan nila Jiwon dahil minsan walang displina lalo na sa paglilinis ng dorm, puro si Yunhyeong. Sa practice palagiang may nalalate. Pero tapos na lahat yun, eto na yung pinakahihintay namin. Hindi kami mag sasakripisyo ng pag-aaral at pangungulila sa magulang para lang sa wala.

"Hoy dito na tayo!" tinapik tapik ko na sila ng marating na namin ang YG Building. Nakita ko naman na mga nagsisi-inat na sila kaya na una na kong bumaba sa sasakyan.

"Chanwoo may panis na laway ka pa!" rinig na rinig ko rito hagikgik ni Jiwon. "Oh tingnan no may bakat ka pa ng pag tulog! ㅡ Ay hala Jinhwan hyung nilagyan ni Chanwoo ng mapa ng laway yung mangas ng damit mo hahahahahahahaha" gago talaga aish.

Nakalabas na sila lahat at nag aayos ayos ng sarili nila. Inayos ko narin yung cap ko at tinapik tapik yung dibdib ko bago simulang maglakad papasok sa loob ng YG building.

Pumasok na kami sa room kung saan magaganap yung meeting this is it. "Whoh" hinga ni Jinan hyung bago pumasok sa loob ng meeting room.

"Annyeonghaseyo" sabay sabay nilang tayo at nag bow saamin.

"Annyeonghaseyo" sabay sabay rin naming bati at nag bow. 

"Lets start?" paglapat na paglapat ng pwetan ko sa upuan ay siniko ako ng sunod sunod ni Donghyuk "Bakit?" nilingon ko siya at para siyang natatae.

"Tingnan mo!  Tingnan mo dali!" niyugyog yugyog niya pa ako.
"Mamaya na Dong,  ano ba kasi yun? Nakikinig ako" binalik ko nalang ulit yung atensyon ko sa Vice President ng entertainment na kasalukuyang pumuputak ngayon. De joke lang, nag di-discuss ng mga gagawin namin.

"Hyung hala! tingnan mo!" si Chanwoo naman ang bumubulong at sumisiko siko saakin. Di ko nalang pinansin dahil baka sabihin ni Mr. Yang hindi kami interested sa pinasok namin.

Ngumuso naman si Chanwoo at siniko ulit ako. "Hyung isang tingin lang dali!"

"Ano ba kasi yun?" iritang tanong ko. Tinuro niya yung babaeng nasa gilid ni Mr. Yang na may suot suot na headset. Tuktok lang ng ulo niya ang nakikita ko dahil may malaking laptop na humaharang sa mukha niya.

"Hyung" mahinang tawag ko sa manager namin. "Who's the one na may headset? yung katabi ni Mr. Yang" usisa ko. "Anak niya ba yun hyung?"  Umiling iling siya. "Magiging road manager niyo" aniya.

"Let me introduce your road manager, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon head manager niyo ang kasama niyo dahil marami din siyang handle na artist." sabi ni Mr. Yang habang naka prenteng nakaupo sa swivel chair. Nakita ko namang nag tanggal ng headset yung babaeng katabi ni Mr. Yang. So tama nga si Baymax hyung, siya nga ang road manager namin.

Damn! Tangina kaya pala! 

Kaya pala parang nakita ng multo si Chanwoo at Donghyuk kanina!! Dang. 
Mukha rin ako nakakita ng multo dahil sa itsura ko. Nakita ko namang nagkakatinginan din ang mga ka grupo ko. Kagaya ko, para rin silang nakakita ng multo.

"This is Lee Hayi iKON's official road manager" kitang kita ko rin ang pagkagulat sa mukha niya, kilala ko siya alam ko lahat ng emosyon niya.

Damn, finally after five years nakita ko na ulit siya. Gusto ko siya yakapin ng mahigpit, ang dami kong gusto sabihin.  Pero di ko magawa, hindi ito yung oras para sa nararamdaman ko. Nandito ako para sa pangarap ko, hindi para buhayin yung matagal ko ng ibinaon.


[Note : Baka magtaka kayo bakit nagtatagalog eh nasa Korea,  Tagalog lang ang kaya kong i-provide na lenggwahe okeh? Sensya na hehe tapos dapat matagal na tong update kaso di ko mabuksan yung account ko nung nakaraan, so ayun enjoy!]

Ps : Happy birthday to meeee.

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now