047

292 16 0
                                    


[Hayi's] 

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?" sunod sunod na tango ang isinagot ko kay papa habang inaayos yung iba ko pang mga dadalhin. Pinilit kong isuksok 'tong black converse ko dahil may sentimental value kasi saakin kaya hindi ko pwedeng iwanan.

"Hindi ka na ba mapipigilan?" napabutong hininga nalang ako.

"Hindi na pa! Buong-buo na yung  desisyon ko diba?" ngumiti ako ng mapait habang zinizipper ko yung ikatlong bagahe na dadalhin ko pa Korea. Tinulungan naman ako ni Papa na magbuhat ng gamit papunta sa sasakyan. Iniisip ko palang na walang papa at Haru sa loob ng ilang taon naiiyak na ko. Pero sa tingin ko eto yung best way eh, alam kong hindi dapat tinatakasan yung mga problema kaso masisi niyo ba 'ko? Sobrang sakit na, parang ikamamatay ko kapag di pa ko lumayo. 

"Pa, una na ko baka naiinip na yung grab saka baka mahuli ako sa flight" nginitian niya muna ako at niyakap ng mahigpit "Mag iingat ka, palagiang kang tumawag kapag may free time ka anak ha? Wag kang mag papalipas at wag mo kaming masiyadong alalahanin ni Haru dito" hindi ko na kinaya at kusa nalang tumulo ang luha ko. Ito ang unang beses na mahihiwalay ako sa kanila ng matagal.

"Papa thank you kasi hinayaan mo akong mag desisyon para sa sarili ko. Sorry din dahil hindi ko matutupad yung pangarap mo na na maging isang CPA katulad ni mama. Sorry papa kung multimedia arts talaga yung gusto ko. Sana maging proud kayo saakin" hagulgol ko at siya namang punas ni Papa ng luha ko. Mamimiss ko si Papa, mamimiss ko si Haru, sila Jinny lalo na si Sia at lalo naman si Hanbinㅡ....

"Aalis na ko Pa, ingat kayo dito palagi.  Iloveyou!" Ngumiti ako at pinasadahan ko ng tingin ang bahay namin dahil mamimiss ko 'to. Dahil sabi nga nila, there's no place like home. Tumalikod na ako at naglakad papalabas ng bahay ㅡ "Nak may nakalimutan ka!" habol naman saakin ni Papa yung Canon 600D na pinag ipunan at binili ko nang patago nung highschool, nalaman din ni Papa kaya kinumpis niya yan dahil makakaabala lang daw sa pag aaral ko. "Salamat dito Pa! Una na ko" tumango naman siya at naglakad na pabalik sa bahay. Isinukbit ko naman sa leeg ko yung DSLR na cam at sumakay na sa grab. Bumuntong hininga ako ng buksan ko yung mga message na galing sa mga kaibigan ko nag alala nga talaga sila saakin. Mag pipicture nalang ako ng konti kapag nasa airport na ko tapos papatayin ko nalang tong phone ko para walang bumagabag sa isip ko habang nasa biyahe.  Wala ng atrasan 'to.  Sana maging okay na lahat kapag nandoon na ko.   



 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now