051

341 22 8
                                    

[Hayi's] 

"Where the hell are you Lee Hayi? 8 am ang call time para sa general meeting at wala ka pa kailangan ka na rito!"  Rinig kong bulyaw ni Katie sa kabilang linya.

"I'm sorry okay? Na traffic lang ako." sagot ko habang hinihintay mag pula ang traffic lights.  Narinig ko naman ang pagpalatak ng dila niya at mag buntong hininga niya.

"Hinatid ko si Apollo kaya ako malalate okay? Off ni Ana ngayon remember?" 

"Fine! Pasalamat ka kay Apollo dahil excuse ka. I have to go na, see you mamaya sa conference" 

Hinagis ko sa front seat yung phone ko. It's been five years simula kung lumipat ako dito. Marami naring nagbago, nakatapos ako ng 2 year course at nakahanap kaagad ako ng stable na trabaho. Nakabili na ko ng sariling bahay at kotse. Natutustusan at nabibigay ko naman lahat ng pangangailangan ni Apollo. My living angel, my everything.  Apollo is my main focus as of now, nawalan ako ng paki sa ibang walang kwentang bagay mula noong pinanganak ko siya. Mag isa kong tinaguyod ang anak ko, buntis akong pumapasok sa school at 1 year old naman si Apollo ng grumaduate ako.

Nabaon ako sa utang kay Katie dahil sakitin si Apollo palagi siyang hinihika, napakahina ng resistensya. Natatakot akong humingi ng tulong noon kay Papa dahil baka kapag nalaman niyang may anak ako kamuhian niya ko. Nakaramdam ako ng guilt dahil tinatago ko siya miski sa sarili kong ama. Nalaman din naman ni Papa na meron siyang apo noong bumisita sila ni Haru saakin dito, tatlong taon na noon si Apollo. Halo halo ang emosiyon ni Papa pero nagkaayos din naman kami. Naikwento ko naman sa kaniya lahat lahat, alam niyang si Hanbin ang ama ng anak ko. Nag promise naman si Papa na wala siyang pagsasabihihan na kahit sino, maging si Hanbin na ama nito. Oo, minsan aaminin ko namimiss ko talaga siya dahil kahit aminin ko man o sa hindi, siya parin. Kaya nga thankful ako dahil nakuha lahat ni Apollo ang features ng ama niya, kahit papaano parang nakikita ko parin siya.

Nakakamiss sila Jinny, sila Jiwon. Kamusta na kaya sila? Galit kaya sila saakin? nagtatampo? kinamuhian kaya nila ko dahil umalis ako at pinutol ko lahat ng koneksyon ko sa kanila? Damn ayan nanaman ang walang katapusang luha ko, ang make up ko masisira! 

"Goodmorning ma'am" bati saakin ng Guard rito sa building ng YGent, nakakatuwa nga dahil halos lahat ng staff ng entertainment na 'to eh pinoy.

Small world nga eh, si Mr. Yang ang may ari ng entertainment na to, yung principal namin before.

Nakita naman kaagad ako ni Katie at agad nakipag beso saakin. "Bakit ba may general meeting?" tanong ko. 

"May i-ddebut daw kasi na boygroup,  pag uusapan kung kelan at kung ano ang mga magiging activities then yung mga shooting date para sa MV nila" Boygroup? Wala naman akong nababalitaang naging trainee ha? 

"Ilan ang members?" usisa ko bago ko humigop ng kape. 


"Seven members" kinuha niya ang papel at pinakita saakin ang list ng names ng mga members.


B.I, BOBBY, JAY, CHAN, JU-NE, SONG, DK. 

Oh, mukhang interesting naman mga pangalan pa lang. Kapangalan pa ni Junhoe kupal yung isa.

"So kelan daw ma-memeet?"


"Later, mamaya sa meeting" tumangi tango ako at inayos ang sarili ko para sa meeting. 

Kailangan ko ng tapusin kaagad agad ang schedule ko ngayon dahil susunduin ko pa ang anak ko. Di na ako dalaga para mag chill chill lang.

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now