056

403 19 11
                                    


[Hayi's]

It's been a week since nung nag start ako maging "road manager" ng iKON. Di naman ako na inform na ang pagiging manager eh kasama nila araw at gabi. To make the story short, isang linggo na kong natutulog sa living room nila. Sa sahig to be exact. Binigyan lang ako ni "Bobby" ng comforter at unan dahil yun lang daw talaga ang mabibigay niya. Medyo naiilang pa akong tawagin sila sa mga stage name nila, pero para magpakita ng professionalism, nagsasanay na rin akong tawagin sila sa stage names nila. Mula naman nung nag simula ako maging manager nila, wala naman nangamusta kung ano ba nangyari saakin, kung okay lang ba ko, kung ano na ba ginagawa ko. Wala. Ano pa bang i-eexpect ko? Eh ako nga yung umalis, deserved ko naman yung ganitong trato nila sakin, yung hindi kaibigan ang tingin nila sakin, yung parang bago ako sa paningin nila, yung artist sila at road manager nila ko. Yun lang yun, wala ng iba pa.

"Manager-nim, paki init naman to. Hindi kasi namin nakain kanina dahil naglilinis pa kami ng steps" kinuha ko naman yung bowl na inabot saakin ni Chanwoo, naiitindihan ko naman sila kapag pala utos sila minsan. Bale, instant P.A pa ang dating ko rito.

Mag uumpisa na kasi yung mga promotions nila kaya ngayon, pati pagkain nakakaligtaan na nila, mahigpit na rin si HanbinㅡB.I pala, sa mga practice.

Binuksan ko na yung stove at nilagay ko na yung soup na pinapainit ni Chanwoo kanina, namimiss ko na yung batang yun, hindi na siya bata ngayon huhu nag binata na yung istura niya pero para saakin, bonjing pa din siya.

Nag walis walis at nagligpit ligpit muna ko ng kalat habang sinalang ko yung soup, hindi pa naman kumukulo eh. Nilinisan ko muna tong mga kalat para mamayang gabi yung schedule nalang nila tatapusinㅡ

"Wtf, Hayi kung kalan!!!ㅡ

Napabalikwas ako sa sigaw ni Yunhyeong tumakbo ako papuntang kusina para mapatay yung apoy na sumasakop doon sa kalahati ng kaldero. Nadampot ko yung isang damit, binasa ko at tarantang nilagay sa umuusok na kaldero.

Nung nakalma na ako, saka ko lang namalayang nalapnos yung balat ko malapit sa wrist, hindi ko to naramdaman kanina dahil sa sobrang kaba at taranta ko. 

"Hala!! Yung t-shirt na ipanloloob ni Hanbin bukasㅡ"

Nanlamig naman yung sistema ko ng lumabas si Hanbin ng kwarto ng narinig niya yung pangalan niya mula kay Junhoe. Nakakatakot. 

"NAPAKA TANGA NAMAN KASI!"

Napasinghap ako sa sinabi niya. Nanginginig ako habang tinitigan lang ako ng 6 pang tao na nandito, wala man lang imik. 

"PAPALITAN KO NALANG, HINDI KO NAMAN SINASADYA"

ngumisi lang siya "KAPAG NASUNOG TONG DORM NAMIN HINDI MO SINASADYA?! YUNG DAMIT KO, PARA BUKAS SA PROMOTION YUN. SAAN KA HAHANAP NOON NGAYONG DIS ORAS NG GABI!?"

"MAG ISIP KA DIN KASI HINDI YUNG  TANGA TANGA KA SA MGA GAWAIN, HINDI KO NGA ALAM BAKIT IKAW YUNG BINIGAY SAMIN KUNG TUTUUSIN KAYA NAMAN NAMIN NG WALA KA"

damn, ang sakit sakit. qouta na ko rito kay Hanbin, bakit ba hindi pa ko na sanay.

"Hayi noona, yung wrist mo" ani Donghyuk, siya lang ang nakapansin na may malaking paso ako sa bandang wrist.

Tumitig silang lahat sa palapulsuhan ko, maging si Hanbin. Ngumiti nalang ako sa kanila.

"Okay lang, malayo sa bituka 'to. Tsaka nga gaya ng sabi ng Leader niyo, tatanga tanga ako that's why" 

"Pero Hayi first degree burn na yan, ipa- check up mo" Thanks for the concern,  Jinan.

Nasa gitna kami ng pag uusap bigla naman nag ring to cellphone ko. Aish, dis oras ng gabi tawag?

Uno calling....... 

"Uno"

"Si Apollo"

"Anong nangyari!?" gumapang kaagad ang kaba sa sistema ko. Habang yung pito sa harapan ko, walang alam at nakatitig lamang sakin.

"Inatake nanaman ng hika. Nung kinalkal ko yung bag wala namang inhaler doon, kaya sa sobrang taranta ko tinakbo ko sa hospital."

"Okay, okay papunta na ko. I-chat mo nalang kung saan okay?"

"Okay, boss! Mag ingat ka. Hinahanap ka narin ng anak mo." 

Binaba ko na yung tawag at dali daling nagsuot ng coat. Ano nangyayari ngayong araw, bakit puro kamalasan?

"Aalis ka pa talaga ng dis oras ng gabi!?" nakapagod na makipagtalo, kim hanbin. "Baka nakakalimutan mong kailangang maaga tayo bukas sa set. Tapos nakuha mo pang lumandi ng dis oras ng gabi" wtf!? anong sinasabi nito? 

"Ikaw na rin ang nagsabi kanina diba, na hindi niyo naman ako kailangan. Tsaka para lang sa kaalaman mo, hindi ako lalandi." Huminga ako ng malalim, wala naman siyang pake kung malalaman niya.

"Pupuntahan ko yung anak ko"

Natigakan silang lahat sa sinabi ko, muntik pang malalaglag si Chanwoo sa upuan.

"Anak mo? May anak ka na pala huh, congrats sa inyo ni Jaewon"

Gusto ko siyang sampalin ngayon, gusto ko siyang saktan pero pagod na ko makipag talo. 

"Inaatake ng hika yung anak ko, wala na kong panahong makipagtalo sayo. Wag kang mag alala, ihahanap kita ng damit na ipapalit. Uuwi rin ako bukas dito para maaga kayo sa set niyo" 

Bumuga ko ng malalim bago ako magsalita. "Wag kang mag alala, lumaki ng maayos at mabuti yung anak mo.  Nagpapasalamat ako, hindi siya nag mana sayo"

Tumalikod na ako at akmang lalabas ng pinto ng may malakas na pwersa na humila sa braso ko.

"T-teka, s-sama ako"....

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now