036

357 27 3
                                    

[HAYI'S]

Tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko dahil sa pambubulabog ni Jiwon ngayong gabi. Di na ko nag abala pang mag ayos dahil si Jiwon lang naman 'yan, saka dis oras na ng gabi ano expected niya diba?

Oh kingina akala ko ba si Jiwon lang ang nandito!? Lahat sila nandito, si Junhoe parang binuhat pa nila sa kama at sapilitang dinala rito. Tulog na tulog.

"Bakit namamaga mata mo?" Tanong ni Jinny habang tinitingnan mabuti yung mata ko. Dapat pala nag eyeglasses ako tsk. "Umiyak ka ba?" Sinisilip silip ni Hanna yung mata ko.

"Oo, nanood kasi ako ng Kimi No Nawa kanina. Nadala lang ako hehe" Hindi ko namang pwedeng sabihing fuck oo umiyak ako kasi ang tanga tanga ko, ang masokista ko.

"Sa kimi no nawa lang ba talaga yan keks?"
Bibingo ka na talaga sakin, Kim Jiwon.

"Bat nga ba kayo nandito? Gabing-gabi na nambubulabog pa kayo" Bakit ba kasi pinag buksan ni Papa 'to ng pinto tsk.  Imbis na itutulog ko nalang, binulabog pa nila ko. 

"Magbabakasyon tayo!" Hiyaw 
ni Chanwoo at agad naman siyang tinapik ni Yunhyeong sabay nag "shh" mukha talaga silang mag kapatid. Kapatid sa taba.

"Plano kasi naming mag bakasyon ngayong sembreak dahil nung nakaraang sembreak hindi tayo sama sama remember?" Si Jinny 'yan. Oo tanda ko pa nung last year, kanya kanya kami ng trip para ubusin yung araw ng sembreak. Si Junhoe, Donghyuk at si Jiwon nagpaka bulok sa mga bahay nila pero ako sumama ako sa family nila Hanbin sa Batangas. Aish, Hanbin everywhere. Tell me paano ako makakalimot? Tell me. 

"Si Chanwoo na bahala sa fuel at sasakyan" mukha namang nagulat si Bonjing sa sinabi ni Jinny "Diba Chanwoo!?" hayop ka Jinny sapilitan haha. "Ahㅡoo, ipa paalam ko na yung mini-bus kay Daddy. Ilang araw ba 'Jin?" Napakamot sa batok si Chanwoo. 

"Plano sana namin sa Crystal Beach Resort Zambales, wala ng aangal dahil naka book na"  pugak ni Junhoe nang nakapikit.  Wow Junhoe.

"Pwede bang wag nalang sumama?" Natahimik lahat sila sa tanong ko.  Ano bang masama sa tanong ko? "May tatapusin pa kasi akong Anime, naka line up na nga lahat ng panonoorin ko" Oo, alam kong ang babaw ng dahilan ko pero ito yung pinaka safe na sagot. Ayoko lang maging awkward sa bakasyon na 'yun. Kasi kung tutuusin ako lang naman yung may problema eh, ako lang at ang feelings ko. 

"Hindi pwede, bilang ka na kasi dun Hayi" sabi naman ni Jinan. "Bilang na ba ko? Di ba pwedeng mag sama iba para mapunan yung slot ko?" Angil ko naman dahil ayoko talagang sumama.  Magmamatigas na talaga ko. "Ikaw Hanbin, sama mo si Jen para mapunan yung slot ko.  Sayang naman kasi dahil bayad na ni Junhoe 'yun" para kong sinaksak ang sarili ko pagkatapos kong sabihin yun, pero yun naman yung dapat. Kailangan kong maging bato sa paningin niya kahit durog na durog na ko. 

"Bilang na kasi si Jennie..." Ay kasama pala hahahaha ano ba Hayi? Ano ba! "Tㅡtsaka pinaalam na rin kita kay Tito, alam niyang sasama ka" tiningan ko lang ng malamig si Hanbin, napaka manhid mong tao grabe. 

"Nag back out 'yung pinsan ko, if ever may gusto kang isama, sama mo nalang gusto mong isama. Si Jaewon sama mo" si Jinan 'yan.  "Diba Hanbin?" baling naman nito kay Hanbin. Ano namang pake ni Hanbin diba?

"Sama niyo nalang si Haneul, siya nalang kargada ko.  Ge tulog na ko" tinalikuran ko na sila at bumaling ulit ng tingin bago ako humakbang sa pang apat na baitang ng hagdan. "Irasado niyo yung pinto mga kups, ge ingat kayo!" pagtataboy ko sa kanila.

"Hanbin!" tawag ko sa kanya at mukha naman siyang natataeng sumagot ng "Hmm?" .

"Pakisabihan yung kuya mo na kasama siya.  Kung ayaw mo naman ge, text ko nalang" inangat ko pa yung cellphone  ko.  "Sㅡsige makakarating.. "

Mas okay ng si Haneul ang isama ko kaysa kay Jaewon dahil yung awkward ay baka maging mas awkward pa. Tsaka sinasama sama na man na dati namin si Haneul sa mga ganito, nung nag 4th year college siya naging busy na kaya di na namin nakakasama.  Maganda narin yun dahil di ako nag iisa.  

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now