059

307 10 0
                                    

[ h a y i' s ]

3 years after.

"Mommy, san na po si Daddy?" Apollo asked habang inaayos ko yung mga ibang gamit namin dito sa Condrad Hotel kung san kami mag stay for 2 days.

Simula kasi ng na debut na ang iKON, nagkaroon na sila ibat'ibang concert, event, at guestings. Lagi naman akong nandoon dahil hanggang ngayon ako parin naman yung road manager nila. Nakita ko kung gaano sila lumago, kung gaano sila nagsaya nung nakatanggap ng rookie awards, kung paano sila magturuan kung sino ang mag sasalita ng accepting speech nung nanalo sila ng daesang.

At kung tatanungin niyo kung nagagampanan parin ni Hanbin yung pagiging ama niya kay Apollo? Siyempre, oo, nung una silang nagkita di talaga maipinta yung mukha niya, pare pareho sila ng reaction nila Jiwon. Minsan kagagaling lang nila ng recording or events, imbis na itulog at ipahinga nalang niya, pupuntahan niya parin kami ng anak niya. Kapag kasi kasama ko si Apollo sa trabaho ko, mas lalong hindi nakakapag focus iKON sa gawain nila lalo na yung tatay niya. Ako lang ang ma-sstress sa kanilang walo.

Tumakbo naman ako sa pinto nung narinig ko yung sunod sunod na katok, baka mamaya si Katie to at call time na pala, iiwan ko kasi tong si Apollo kay Papa mamaya kapag bago mag  start yung concert hindi pwedeng isama ko siya sa backstage dahil busy lahat ng taon doon mamaya.

"Katie, hihintayin ko lang—hey, bakit nandito ka pa?"

"Bawal bisitahin mag ina ko?" sumibangot ako habang siya wangat wangat yung ngiti niyang hanggang ilong.

"Daddy!!" binuhat niya naman si Apollo. "How are you big boy?" Nag thumbs up lang si Apollo para sabihing okay lang siya.

"Kim Hanbin, anong oras na? Dapat nasa Arena ka na diba?" ang tigas talaga ng ulo, gusto niya pang mag pahuli eh maya maya lang soundcheck na nila.

"Sabay na tayo" sabi niya habang ginugulo yung mga laruan ng anak niya dito sa kama.  Kala naman niya siya maglilinis tss.

"Sumabay ka na kila Jiwon ihahatid ko pa si Apollo kila papa mamaya diba?"  Humiga naman siya sa lap ko, ang sarap sabunutan sabi kong sumabay na kila Jiwon e!!!

"Sabay nalang tayo, hayaan mo silang ma una doon"

"Hoy sir, para sabihin ko sayo alas dose na ng tanghali at ang soundcheck niyo ho ay 3pm. Nandito ka pa?"

"Nandyan parin naman sa kabilang unit sila Jiwon" Sa totoo lang ang pasaway talaga ng mga 'to, mas makulit pa sila kay Apollo e.

"Ang tigas talaga ng ulo niyo no? Tatawagan ko si Katie para masundo na kayo, wag kayong makulit. Magpahinga na kayo, mag pa kondisyon na kayo bago mag soundcheck okay?"

"Okay fine, paghatid mo kay Apollo sumunod ka na po, Manager-nim" yan ganyan siya pag nang aasar tatawagin niya kong Manager instead of Hayi or Love.

"Oo na, oo na!!!" pinatayo ko na siya at tinulak tulak palabas ng unit namin.

"See you later love" niyakap niya ko't hinalikan sa noo. Tumango nalang ako dahil kailangan ko rin naman na sumunod don maya maya lang.

"See you later bigboy" ginulo naman niya yung buhok ng anak niya at kinindatan 'to. 

————————————

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now