020

416 31 3
                                    

[ h a n b i n ' s ]

Maaga kong umalis ng bahay kasi dadaanan ko si Hayi sa bahay nila ngayon matagal na din kaming di nag kakausap dahil sa nagdaang event, hanggang ngayon parang panaginip parin lahat. Hindi ko talaga inakalang papayag si Jennie na maging partner ko siya kasi hindi naman kami close kagaya noong saamin ni Hayi na halos patayan kami sa pag papractice bago yung event.

Nag doorbell na ko sa pintuan nila Hayi at agad naman akong pinag buksan ng papa niya "Goodmorning Tito" nag bow pa ko as paggalang. "Si Hayi po? Sabay na kami sanang pumasok" sumilip silip pa ko sa loob nila pero wala akong naaninag na Hayi eh, si Haru lang nandoon.  Sa susunod nga na pupunta ko rito dadalhin ko si Hanbyul para may kalaro siya, binubwisit lang ni Kuya Haneul yun sa bahay e. 

"Wala na si Ate, maaga kasi siyang sinundo ng kaibigan niya eh" si Haru na ang sumagot sa tanong ko. "Ah, sabay sila ni Ate Suhyun?" umiling naman siya. "Lalaki kasabay niya kuya, gwapo po" Gwapo? Hindi si Jiwon yun.  Edi sino yun? Wala namang kaibigang lalaki si Hayi bukod sa kapatid ni Suhyun, si Kuya at iKON.  Tangina sino yun? 

"Nak, si Jaewon kasabay niya. Mabuti nga at mag kaibigan na ulit yung dalawang iyon" Tangina totoo ba yung narinig ko mula kay Tito Tablo? Si Jaewon? Ex ni Hayi yun sa pagkakaalam ko. 

"Sige na anak, pumasok ka na.  Mag-iingat ka, saka sabay sana kayo ni Hayi umuwi mamaya sabay sabay sana tayo mag hapunan, matagal ka narin kasing hindi nagagawi rito eh." Ani ni Tito sabay tapik sa balikat ko.  "Sige Tito, mauna na po ako" 

 ───────────

Lunch na at muntik ng mabulunan 'tong masibang katabi ko. Napakasiba Kim Jiwon.

"Bakit ba hindi ka pa kumakain?" Punong puno pa yung bibig amputa daldal ng daldal! Yung mga butil ng palang ng kanin niya na tumitilamsik busog nako e. Napaka dugyot.

"Sino ba kasi hinahanap mo't di ka mapakali?" Tanong ni Jinhwan hyung saakin. "Si Hayi" sagot ko naman habang kumukuha ng sabaw sa ulam ni Jiwon.

"Himala hindi Jennie bukang bibig mo ngayon ah? Kung sabagay dati naman talaga puro Hayi ang bukang bibig mo" si Dong yan habang nag rereview. 

"Bakit pala hindi si Hayi ang partner mo nung performance week, aber?" Tanong ni Yoyo. 

"Kawawa naman si Hayi noona noon kung wala siyang kapartner, buti nalang nandoon si Jaewon hyung" sabat naman ni Chanwoo habang naglalaro sa cellphone niya.

"Speaking of" sabi ni June at nakita kong naglalakad si Hayi kasama si Jaewon.  Totoo nga yung sinabi ni Tito, mukhang close na nga ulit sila. Pero tangina delikado siya diyaan e, isa rin sa kilalang babaero ng campus yun eh.

"Hayi!" Sigaw ko, luh epal to si Jaewon. Hayi pangalan mo? tss.

"Bakit Bin? May kailangan ka?" sabi naman ni Hayi. Bakit parang maga yung mata niya? Pinaiyak ba siya ni Jaewon? 

"Lunch na tayo, sabay kana dito saamin" Hinila ko siya, pero hinila rin siya ni Jaewon, bida talaga amputa.

"Wag ka namang bastos tol, nakita mong may kasabay na diba" maangas niyang sabi at hinawakan niya ng mahigpit si Hayi kaya mas hinigpitan ko rin yung hawak ko.

"A ㅡaray ano ba!? Babalian niyo ba ko?" Sabay naman naming binatawan ni Jaewon yung magkabilang braso niya.

"One tara na, gutom na ko" tangina? pinili niya pang sumama doon kesa saakin? 

"Sabay tayong uuwi mamaya, binilin ka sakin ni Tito" tumango naman siya sabay talikod na nila saakin. Padabog naman akong bumalik sa table namin para tapusin na yung kinakain ko.

"May iba na! May iba na! May iba na!" Nakahiya talaga kasama si Jiwon tangina, ginagaya niya yung scene ni Toni Gonzaga sa starting over again, baliw talaga.

"Hala ka, ipagpapalit ka na nun" takot pa ni Jiwon saakin.

Si Hayi pagpapalit ako? Hinding hindi ata mangyayari yun. Ako yung bestfriend niya eh, bobito talaga nito si Jiwon. 

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now