055

438 14 2
                                    

[Hayi's] 

"Mag behave ka sa house ni Tito Jaewon mo ha?" tumango tango lang anak ko habang nilalagay niya sa bag niya yung mga ibat'ibang uri ng dinasour na meron siya.

"What do you want baby? Bibili ka ni mommy ng gift pag uwi" nakita ko namang kuminang kinang yung mata niya.  "Allosaurus and Carnotaurus and Chocolates!!!" Ugh impluwensya talaga ni Jaewon sa anak ko yang ibat'ibang uri ng dinasour na yan! Simula nung natunton niya ako at nalaman niyang may Apollo na ko halos araw araw siyang bumibisita rito at may dala dalang kung ano-anong uri ng dinasour. Hindi na nga lang kasing dalas ng dati yung pag bisita niya ngayon dahil naging busy na siya sa studio simula nung kinuha siya ng aomg label. Mas maganda na rin yun para hindi na lang kami yung nakikita niya palagi, para naman makahanap siya ng karapat dapat sa kanya.  Sobrang take advantage na ang ginawa ko kay Uno, kung tutuusin para na siyang tumayong ama ni Apollo dahil siya nga ang nakasanayan ni Apollo dahil mula 1 years old siya, si Uno na ang kasama
namin palagi. 

"YAAAAAAAAAAAH HANBIN APOLLO KIM!" sigaw ko dahil nagtatakbo siya nung marinig niya yung tunog ng doorbell namin. Habang lumalaki anak ko nagiging pasaway,ㅡparang ama niya.  

"TITO JAEWOON!" parang siyang naka kita ng clown nung nakita niya si Uno. "How's your day little champ?" tanong niya habang buhat buhat niya si Apollo. 

"Uno ibaba mo nga yung anak ko ang laki laki na yan! Na-sspoiled sa pagpapa karga 'yan eh!" nilapit niya yung mukha niya sa tenga ko "Gusto mo lang ikaw kargahin eh, selos ka pa kay Apollo"

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo!" sabay pingot ng tenga niya, bwisit ang hilig niyang mang ganyan palagi.  Feeling niya patay na patay ako sa kanya. 

"Tito you promised me na you will buy a lot of dinasour toys!!" excite na excite na siya. "Yah, Jung Jaewon wag mo i-spoiled yung anak ko please. Pag yan nasanay." Napa irap nalang ako paano naman kasi lahat ng i wish ng anak ko ibibigay niya kaagad. Nasspoiled siya masyado kay Uno.

"Walang issue kahit ma-spoiled pa yan.Our little champ deserves everything" naka ngiting sagot niya habang tinitigan si Apollo. Aish.

"Love kiss mo ko" lumapit naman siya at ngumuso sa harap ko. Pinitik niya ko naman yung nguso nya "Aray puta ㅡnagdudugo!" humalakhak naman ako. "Yan ano kiss kiss ka pa kasi!" pinunasan ko nalang gamit ng daliri ko yung labi niya dahil kasalanan ko naman bat nagdudugo yan. Hahahahaha.  "Pag yung nguso mo pinadugo ko, Lee Hayi" ayan na naman yang tono ng pananalita niya nakakatakot. Nanlalamig ako bigla.  "Joke lang siyempre patola ka hahahahahaha" aish bwisit pinitik pa ko sa noo.  Tumayo naman na siya at binuhat niya na yung bag na puno ng gamit ni Apollo at hinawakan niya naman sa kaliwang kamay niya yung kamay ng anak ko. 

"Alis na kami para makapag ayos ka pa ng gamit mo" tumango naman ako. "Wag mo pakainin ng maraming chocolates yan Jung Jaewon!!" tumawa naman siya at nag "aye aye!".

"Ingat uno, ingat anak! niyakap ko muna si Apollo. Gosh, mamimiss ko kakulitan nito for 2 weeks. "Bye baby, i love you! "

"Iloveyoutoo" Aish, Jung Jaewon!!! 




[note : si Ko Sungjae nga pala yung portrayer ni Apollo, nakita niyo naman na ata sa cover lol.  So yun lang faaaam!]

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now