026

370 31 6
                                    

[ h a y i ' s] 

"Jung Jaewon tumayo tayo kana diyan at papasok pa ko sa next subject ko" tawag ko kay Jaewon na naka higa pa dun sa isang vacant bed dito sa clinic habang laro laro cellphone ko.

"Oh phone mo" sabi niya habang i- inat inat. Agad ko namang tiningnan yung messenger ko kung may message baㅡ

"TANGINA ONE!!! bakit mo pa nireplayan yung chat ni Hanbin!?" bulyaw ko sa kanya habang siya chill chill lang. Tangina talaga nito. 

"Baka mamaya kung ano isipin nun sakin" saamin rather, baka mamaya isipin niya na magbabalikan kami nitong ulupong na to. Walang wala sa plano kung balikan siya, ayoko namang gawin panakip butas si One.

"Edi isipin niya gusto niyang isipin" sagot naman niya sabay akbay sa balikat ko. Tangina ginawa pa kong patungan ng braso niya, palibhasa ang tangkad e. 

Habang naglalakad kami papuntang Financial Management building biglang kumabog yung puso ko. Kitang kita kong naglalakad si Hanbin patungo sa direksiyon namin. Damn! Galit siya! Damn his piercing eyes, parang anytime makakasapak siya ng babangga sa kanya. 

Sumugod si Hanbin sa way namin sabay hila ng kanang kamay  ko. Eto namang si Jaewon mas hinigpitan yung hawak niya sa kaliwa. Tangina mabalian lang talaga ko rito, isusumbong ko kayo pareho kay papa!

"Bitaw" may tigas at gigil na salita ni Hanbin. Sinenyasan ko si One na bumitaw na nakakahiya sa ibang estudyante rito, gumagawa pa kami ng eksena.

"Ge Hayi una na ko, see you later babygirl" kinindatan niya pa ko bago siya umalis. Nanlaki pareho yung mata ni Hanbin sa ginawa ni One. Yari ka talaga sakin mamaya Jung Jaewon.

Nagpadala naman ako sa hila ni Hanbin hanggang sa tambayan namin dito malapit sa school.  Di ko malaman bakit bigla bigla nalang siyang nanghihila, di ko maintindihan nais niya. Nakakabanas! 

"Anong bang problema mo't bigla ka nalang nang hihila!?" Bulyaw ko sa kanya. Nakakainis na kasi! 

"Kayo na ba ulit nun? Bakit palagi kayong magkasama. Close na close na kayo ha? " hindi ko ba malaman kung nagseselos siya o talagang ayaw niya lang natatapakan yung pride niya.

"Kaibigan ko lang yun! Nagtataka ka bakit close na kami!? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo? Kasi alam mo unti-unti kanang nakakakalimot, simula kasi nung naging close na kayo niyang nililigawan mo nakalimutan mo na lahat!" Sumbat ko sa kanya.

"Ano gusto mo palabasin? Na nung nanging malapit na kami ni Jennie nakalimutan na kita!? Ganon ba!?" Sigaw niya rin pabalik. 


"Bakit hindi ba?! Nung performance week? Sino pinili mong makasama? Ni hindi mo man lang ako sinabihan nun na hindi ako yung partner mo! Nung sabi mong babawi ka? Diba sinamahan mo si Jennie nun sa mall? Nung sabi mong sabay tayo kanina? Isang text lang ni Jennie takbo ka na agad sa kanya diba? Sige nga Hanbin, sabihin mo nga kung sino yung unang lumalayo!" Sigaw ko kasabay ng traydor ko luha.  Sa wakas nailabas ko na yung mga hinanakit ko, sobrang sakit sa puso. Hindi ako makahinga.

"Parang yun lang!? Tangina Hayi ang babaw mo.  Para kang bata!" Napa sabunot siya sa buhok niya. 

"Yun lang!?" Nanginginig na ko, hindi ko na alam sobrang sikip na ng dibdib ko. "Yun lang yun para sayo!? Mababaw na kung mababaw, pasensya na ha? Pinahahalagahan ko kasi lahat. Pasensya sa pagiging mababaw ko" malamig ko utas, nawalan ako bigla ng lakas, tangina Kim Hanbin bakit para wala lang sayo lahat?


"Siguro wag na muna tayong mag usap, baka maging mas madali sayo lahat" nakatitig ako sa mata niya, para  nakikita ko rin na nanggigilid na yung luha niya. 

"Isipin mo nalang na hindi mo ko kilala"

Tumalikod na agad ako at tumakbo paalis pagtapos kong sabihin yun.  Sobrang sikip na ng dibdib ko. Tangina hindi na ko makahinga....

"HAYI!!! " sigaw ni One ang huli kong narinig hanggang sa nagdilim na ang paningin ko.

 asymptote » hanbin ; Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon