034

390 28 5
                                    

[HAYI'S] 

Alas singko na ng hapon at papalabas na ako ng subdivision para bilhan si Tita ng cake. Di narin ako nag abalang mag suot ng maganda, I mean is yung simpleng pastel pink na shirt, ripped jeans and etong black na converse na ini regalo saakin ni Hanbin last new year, medyo pudpod na nga dahil madalas kong gamit.

"Ma'am okay na po" sabi ni ateng nag design nitong cake. Inabot ko yung bayad at kinuha ko na kaagad.

"Ate Hayi!" sinalubong kaagad ako ni Hanbyul ng makita niya ko sa harap ng gate nila, namiss ko tong batang to. "Kamusta ka na Byul?" yakap na yakap naman siya sa balikat ko. "Okay lang po!" Nakangiti naman niya ng sabi.

"Akin na nga muna 'to baka masira niyong dalawa" epal naman ni Haneul at kinuha yung cake. "Si Tita? " palinga lingang tanong ko. "Si Mama ba talaga hinahanap mo?" Tangina alam ko na yung mga ganitong ngitian ni Haneul, mag aasar na naman to hanggang mamaya.  Fine, okay fine. Bukod kay tita syempre hinahanap ko din si Hanbin. 

"Oh Hayi nandito ka na pala! Byul wag mo ngang pahirapan si ate mo, di na nga natangkad 'yan sinasalakayan mo pa" Ay wao din talaga si Tita, alam ko na kung kanino nag mana si Haneul.  " Happy birthday Tita" sabay yakap ko sa kanya. Para ko narin kasi siyang nanay dahil pagsilang ng nanay ko kay Haru, iniwan na niya kami.  Kaya lahat ng pag aaruga ng isang nanay kay Tita ko 'yun naramdaman. Madalas niya kong ayusan dati nung elementary ako hanggang nung JS Prom ko nung highschool, wala pa kasi si Hanbyul nun kaya wala pa silang babae sa pamilya,  kaya ako ang baby girl na baby girl niya noon. Nakakamiss...

*dingdong

"Ako na Ma, baka sila Hanbin na 'yun" Sila? Kasama niya ba sila Jiwon? Chanwoo? June? Kasi pag mga ganitong lamunan walang inaatrasan 'yang tatlo. 
 

"Good evening po" halos nanuyot yung lalamunan ko nung narinig ko yung boses na 'yun. "Jennie, tama?" Sabi naman ni Tita. "Happy birthday po" Nakangiti namang sabi nito. Nagbeso siya kay Tita. Bakit ganito, parang nakaramdam ako biglang selos?

Nag tama naman ang mga mata namin ni Hanbin at agad akong nag iwas ng tingin. Pwede bang umuwi nalang?

"Haneul! Tara handa na natin yung pagkain sa dining area" Yaya ko kay Haneul nakangisi naman ang bugok. Kamukha niya talaga kapatid niya, mukha silang kambal unggoy.

Sinundan naman kami ni Hanbin ng matalim na tingin, ano problema neto? 

Kasalukuyan akong naglalagay ng mga plato sa mesa, si Haneul boi naman nagsasandok ng mga pagkain. Sila Tita nasa sala may pinag uusapan ata sila.

"Jelly De Belen ka naman diyan te gurl" Tangina pag ako napuno dito kay Haneul ilulublob ko siya dito sa mangkok ng bulalo ng malapnos pagmumukha niya.

Nandito na kaming lahat sa hapag kainan ngayon. Si Tita ang naka upo sa kabisera si Hanbin at Jennie ang nasa kaliwa niya habang si Haneul, Si Byul at Ako sa kanan niya.

"Diyan ang pwesto ni Ate Hayi ko!" tinuro ni Hanbyul yung kinauupuan ni Jen. Diyan naman kasi talaga ako naka upo kapag kumakain kami. "Byul kasi may bisita si Kuya mo okay? Kaya dito na muna ako" pag papakalma ko sa kanya dahil mukhang sasabog si Hanbyul kapag di ako tumabi sa kuya niya. 

Nararamdaman kong sinisipa ako ni Haneul sa ilalim ng lamesa napaka gago talaga.  Gumanti naman ako ng sipaㅡ

"Sino yung sumipa saakin?" Hindi pala si Haneul 'yun, tangina si Hanbin pala.. Lagot.. 

Umakto naman ako ng normal at nag patuloy kumain at nakikita ko sa peripheral vision ko na halos mabuga na ni Haneul yung sabaw ng bulalo sa kapipigil niya sa tawa niya. Napakagago. 

"Nanliligaw na ba 'tong binata ko sayo Jennie?" biglaang tanong ni Tita. Yumuko nalang ako at nag focus sa pagkain ko.  "Actually.." Naka ngiti si Jennie habang naka tingin ito kay Hanbin, well ganoon din naman si Hanbin, nakatingin rin sa kanya. Sweet haha. 

"Actually, kami na po. Sina sagot ko na siya ngayon" nakangiting sabi ni Jen.

Natuyot ang lalamunan ko, naninikip yung dibdib ko, nawalan ako bigla ng ganang kumain, naging seryoso ang gagong Haneul at nakangiti naman si Tita. 

"Congrats anak!" sabay yakap nito kay Hanbin na mukhang di pa maka paniwala sa announcement ng nililigawan niya. Boto talaga si Tita kay Jennie. Nakaka selos naman.

Pinilit kong huwag umalis hanggang di kami na tatapos kumain, nag panggap akong masaya kahit hindi. Ayoko namang masira yung celebration ni Tita ng dahil sa pag iinarte ko. 

Mga past 8PM na kaya nag decide na rin akong mag paalam na uuwi na 'ko. Masyado naman akong masokista kung magtatagal pako dito.

"Thank you Tita uuwi na po ako!" Yakap at bumeso muna ko kay tita bago ako tumungo sa gate nila.

"Hㅡhatid na kita.. " tumakbo si Hanbin dito sa harap ko. Bungol ba siya?  "Hindi na, kaya ko na 'to." Nakangiti kong sabi sabay talikod ko sa kanya, nagsasawa na ako masaktan.

"Ako na maghahatid sa maliit na 'yan, ikaw samahan mo yung girlfriend mo dito at siya ang ihatid mo pauwi dahil baka malayo ang bahay niya dito" Wao talagang diniin pa talaga nitong orangutan na 'to yung word na girlfriend. Bibingo ka na talaga saakin,  Haneul! 

Walang  nag sasalita saamin hanggang makarating kami rito sa tapat ng bahay namin. "Ang sakit pala Haneul" hindi ko na napigilan at tuloy tuloy ng nag bagsakan yung luha kong kanina ko pa pinipigil.  "Alam ko namang dadating talaga sa point na magiging sila. Naghanda naman ako eh,  pero masakit parin pala!" Hagulgol ko. Niyakap naman ako ni Haneul at ipinat niya yung ulo bilang pag comfort. Kahit ang lakas niyang mang asar, kakampi ko parin talaga siya. Thanks Haneul Orangu. Orangutan.

"Alam ko takbo ng utak ng kapatid ko, kilang kilala ko 'yun.  Tahan na, everything will be okay" mas lalo akong nahagulgol. Putangina, nag english pa. 

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now