038

383 21 2
                                    

[Hayi's]

"Bonjing gising na! Uy uy uy taba" tinapik tapik ni Jiwon si Chanwoo ng makarating na kami rito sa Zambales. Alas tres ng madaling araw kami umalis sa Manila at inabot lang naman ang biyahe ng five hours. Kaya itong mga kasama ko morlogs kung morlogs.

"Oy boy gising na" tinapik tapik ko naman 'tong si Haneul. "Mahiya ka naman sa balikat ko, nakabuo ka na ng mapa ng Pinas na t-shirt ko sa dami mong tulo laway!"

Habang ginising ko 'tong orangutan sa tabi ko, napansin ko naman sa peripheral vision ko na ginising narin ni Hanbin si Jennie. Bakit ba kasi sa dinami dami namin bakit sila pa yung nakatapat naming upuan dito sa mini bus nila Chanwoo? Halos limang oras kong sinasaktan yung sarili ko.

Nandito na kami sa loob ng Crystal Beach Resort, pinapunta muna kami ng isang staff dito sa parang bahay kubo. Umalis muna si Junhoe at Jinny sila kasi ang mag aayos accommodation namin dito dahil sila yung naka pangalan na nag book ng reservation. Si Jiwon, Chanwoo at Donghyuk naman daw ay mag li-libot. Si Yunhyeong naman pumunta ng palengke kasama si Hanna, Jinhwan at Suhyun. Ang ending, kaming apat nila Hanbin ang naiwan rito sa kubo. Ang awkward.

"Selpihan natin yun mamaya" tinuro ni Haneul yung puno at tinusok tusok tagiliran ko. Bakit ko ba kasi sinama to? Tinanguan ko nalang siya at yumuko, nahihilo na kasi ako.

"Ano ba? Mamaya na nga lang sabi ng nahihilo ako!" Irita kong sagot ng kulit kulitin nanaman niya ko, ang gago ngumiti lang.

"Gerl" ulit niya pa. Inirapan ko nalang ito.

"Kuya ano ba!ㅡ" natigil sa pangungulit si Haneul dahil sa pag tawag ni Hanbin at mukhang pati si Hanbin ay nagulat din sa inakto niya.

"Naiirita na yung tao tigilan mo na" malumanay na sabi niya tapos nag walk out.

"Galit ba siya?" awkward ng tanong Jennie. Pero masisi ko ba siya kung di niya pa gaanong kilala si Hanbin?

"Well, di siya galit. Ganyan lang talaga siya kapag naiirita siya" sabi ko at tumango tango na lamang ito.

Asan na ba sila? Hindi ako maka tagal dito sa kubo na si Jennie ang kasama.

"Bagay kayo" naka ngiti niyang sabi saamin ni Haneul. Baliw ba siya?

[ Hanbin's]

"Uy ano ginagawa mo rito, dun ka sa kubo!" Pugak ni Jiwon ng makita niyang papalapit na ko sa pwesto nila.

"Umalis nga kami 'don para kunwari double date kayo nila Haneul hyung hahahahahahahaha" tinapunan ko naman ng tingin si Donghyuk, baka isunod ko siya sa mga kapwa niyang mangga na hinihiwa at binebenta dito sa resort.

Sa buong buhay ko, hindi ko pa napag sabihan o napagtaasan ng boses si Kuya, pero dahil nga nakikita kong naiirita kanina yung bestfriend ko hindi ko namalayang napag taasan ko na siya kanina. Aish! Bahala na! mag uusap nalang kami pag uwi namin sa bahay. Hindi kami pwedeng mag ka alitan bago umuwi, baka pag untugin kami ni Mama.

"Hoy mga kupal, pumunta na soon at kakain na!" Sigaw ni Hanjang at binato pa ng bato sa mukha si Jiwon. Di pa mag aminan eh tsk.

Almusal palang pero parang bibitayin na kami sa dami ng pagkain. May mga gulay, pritong isda at yung mga typical na ulam sa umaga.

Umupo na ako, syempre sa tabi ni Jen. Sinadukan ko narin siya ng pagkain dahil minsan lang mag paka gentlemen bakit ba?

"Gusto mo? " hawak hawak ni Jen yung lalagyanan ng Hipon.

"Hindi ako kumain niyan/ Hindi siya kumakain niyan" sabay naming sabi ni Hayi sa alok ni Jen na Jiwonㅡeste Hipon.

"Allergic kasi siya diyan baby, hindi siya pwedeng kumain niyan" paliwanag ko sa kanya dahil baka kapag kinain ni Hayi 'yan masugod pa ng wala sa oras. Si Hayi pa naman kapag inalok mo siya minsan nahihiya siyang tanggihan.

"Oh, sorry hindi ko alam" tinanguan ko na lang si Jennie at nagsimula na kong kumain. Nakagutom naman kasi ang limang oras na biyahe.


"T-tubig... " tangina ayan ang siba mo kasi Jiwon.


[Hayi's]

Pagkatapos naming mag breakfast, pinuntahan na namin kung saan kami mag i-stay for 3 days. For 3 fucking days

"Tatlong villa yung kinuha namin, yung isa para sa mga lalaki, isa para sa mga babae at yung natitira ay para sa mga patay lasing sa inuman" paliwanag ni Junhoe saamin habang nakaakbay ito kay Jinny. Ew, ang PDA ang sakit niyo sa mata bolshet.

"Pwede na bang pumasok?" tumango naman si Jinny kaya dumiretso na kaagad ako sa loob ng villa ng girls, sinabi ko kay Suhyun na tabi nalang kami sa kama dahil tatlo lang yung bed dito. Mags-share nalang din si Hanna at Jinny dahil nakakahiya naman daw kay Jennie kung tatabihan nila, baka daw kasi hindi sanay at baka ma awkward.

Hinayaan ko na muna sila magliwaliw sa beach, siguro mamaya nalang ako. Sobrang hilo ko at kailangan ko ng tulog.

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now