013

396 30 7
                                    

10:33 pm

Lee Hayi ㅡ is feeling sick. 

Kim Jiwon and 126 other liked this post. 

Like • Comment • Share

Kim Jiwon :  Zero ako sa accounting kanina.  Mag pagaling ka na hehe!!

Suhyun Lee : Get well soon love.  :<

Kim Hanbin : Nasaan ka? 

Lee Hayi
Active Now

10:38 pm

Hanbin : Nasaan ka?

Hanbin : Lee Hayi.


Hanbin : Damn, Lee Hayi sumagot ka. 

Hanbin : Nag aalala na ko.

[ h a y i ' s] 

Pag bukas na pag bukas ko ng messenger ko tadtad ng message ni Hanbin yung inbox ko.  Nag aalala siya? Syempre bestfriend niya ko.

Nagtitipa palang ako ng reply kaso may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Hahampasin ko to si Haru, alam kong si Haru yan dahil madalas mambulahaw sa kwarto ko yun ng ganitong oras. 

Handa ko ng ipalo yung unan sa taong kumakatok kaso pag bwelo ko isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa taong kumatok sa pinto. 

"Hㅡhanbin" hindi siya nagsasalita, mas hinigpitan niya pa yung yakap niya. Nababaliw na ba to?  "Uy, unggoy ano? may problema ka ba?" nanatili parin kami sa ganoong pwesto.  Sana lang di niya naririnig yung tibok ng puso ko, kasi ako rinig na rinig ko. Sobrang bilis, sobrang lakas.  "Pinag-alala mo ko" bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin.  Halatang nag aalala nga siya, tinatapik niya yung dibdib niya eh.

"Sabi kasi ni Kuya Haneul sakin kanina nakita ka niyang naglalakad tapos sobrang putla mo." nag aalala niyang sabi. Nakita pala ko ni Haneul kanina? Baka sa sobrang hilo ko kanina hindi ko na siya napansin.


"I'm sorry" ayan nanaman siya, niyakap na naman niya ko. "Sorry kasi mas naka focus ako sa ibang bagay to the point na hindi ko na namamalayan na napapabayaan ko na yung taong laging nandiyan para sakin, napapabayaan ka kita" gusto kong mag salita pero walang lumalabas sa bibig ko. "I can't lose you, i cant lose my own bestfriend, Im sorry, Babawi ako promise. " pagtapos niyang sabihin yun dumapi yung labi niya sa noo ko.  Palagi naman niyang ginagawa to kahit nung mga bata pa kami para lang maramdaman kong safe ako dahil nandyan siya, pero iba na talaga yung nararamdaman ko kapag ganito kinikilos niya. Mahal ko siya bilang siya, hindi bilang bestfriend ko.

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now