040

362 25 10
                                    


[Hayi's]

Tumakbo ako papalayo sa villa na iyon. Akala ko wala na, pero may mas sasakit pa pala.  Ang sakit, ang sakit sakit. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano siya ka saya sa ginagawa nila. Kung paano siya tumugon sa mga halik, sa mga haplos.  Ano ba kasing laban ko? Kung tutuusin, talong talo na ko  kung laban lang 'to. Ako naman palagi ang talo, nakakapagod ng makipaglaban. Nakakapanghina. Kahit ipikit ko ang mga mata ko, iyon at iyon parin ang mga imaheng nagrerehistro sa utak ko. Pang ilang beses ko na bang sasabihing ayoko na? Hindi na ko nadala.

Dinala ako ng mga paa ko dito sa dalampasigan, malayo sa mga nagsasaya kong kaibigan.  "Ayoko na, nakakapagod na" bulong ko sa sarili ko. Niyakap ko ang tuhod ko dahil sa lamig, namamanhid na ko. Wala na kong maramdaman.

"H-hayi, sㅡsorry..." pang ilang sorry na ba to?

"No, you don't have to be sorry. Girlfriend mo naman siya at boyfriend ka naman niya and I think normal naman siguro yun" sambit ko at mapait akong ngumiti.  Okay lang nga ba talaga ko? Okay ba talaga saakin na nakita ko yun? 


"LEE HAYI MAGING TOTOO KA NAMAN SA SARILI MO!" rinig kong sigaw niya, tumayo ako at hinarap  siya, nagbabadya ng tumulo yung mga luhang ang kanina ko pa kinikimkim. "Kasi ako tangina nababaliw na ko. Hayi nababaliw na ko kaiisip!" hikbi na lamang ang naging sagot ko sa mga tanong niya. Wala na kong lakas, wala na. 

"Nababaliw kaiisip ng ano? Kasi ako Hanbin araw araw mo kong pinapatay sa sakit" nanginginig na ako "Halos araw araw mong pinapa mukha saakin na hanggang dito nalang ako, hanggang dito nalang yung parte ko sa buhay mo!" nanghihina kong sigaw. Hindi na ako makahinga.  "Diba dapat masaya ka? Dapat sinusuportahan mo ako dahil Bestfriends tayo!" sigaw niya pabalik nakikita ko narin ang frustration at pagka lito sa mata niya.

"Oo dapat masaya ko para sayo! Pero hindi eh, sakit yung nararamdaman ko Hanbin, sobrang sakit na makita kayong masaya. Ang hirap hirap magpanggap sa araw araw na masaya ko para sayo kasi ang totoo hindi, hindi ako masaya! Mahal kita bilang ikaw, hindi bilang kaibigan! Hanbin manhid ka ba!? O talagang hanggang doon nalang yung tinggin mo saakin?

"Mahal kita!" umiiyak niyang sagot sa tanong ko.

"Bilang kaibigan, oo alam ko Hanbin.  hanggang doon nalang yun,  oo tanggap ko" ngumiti ako ng pilit.

"Akala mo ba madali lang saakin 'to!? Ang hirap hirap ibaling yung pagmamahal ko sa iba Hayi, ang hirap.  Na kahit anong baling ko, kahit anong pigil ko sayo parin to bumabalik. Natatakot ako na baka hindi mo ko gusto, natatakot ako na mawala kung anong meron tayo.  Natatakot akong mag baka sakali dahil baka kapag tumaya ako, mawala ka na ng tuluyan saakin" Hindi ko kayang makita siyang umiiyak, siya ang kahinaan ko. Si Hanbin ang kahinaan at lakas ko.

Naramdaman ko ang higpit at init ng, yakap mula sa kanya. Miss na miss na kita, Hanbin. Nararamdaman ko ang hikbi niya sa balikat ko. Baby, stop crying.

"Lee Hayi, ikaw ang tahanan at mundo ko"

The next thing I knew, his lips touched mine. Gusto ko na munang kalimutan ang lahat, bahala na ang bukas. Bahala na kung masaktan, bahala na.

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now