042

393 20 16
                                    


[Hanbin's] 

"Tara na inom na tayo" hila hila ni Jiwon yung kamay ko papalabas ng kwarto. "Tara na ikaw nag aya nito kaninang tanghali" gatong pa ni Junhoe tangina nakapamewang pa. Bading. "Tara na para mabawasan na rin yang kabobohan mo sa katawan" Tiningnan ko ng matalim si Jiwon. Oo alam niya lahat. Gising din pala siya kaninang umaga tapos ayun, napag usapan namin. 

Wala na kong nagawa at lumabas na kami ng Villa, dito kami sa bahay kubo mag iinom bahala silang mag buhatan mamaya kapag nalasing sila.

"So anong rason bakit ka nag ayang uminom?" tanong ni Jinhwan hyung at umiwas naman kaagad ako ng tingin sa kanya. "May problema ka ba?" nanatili akong tahimik. "Hindi ka makatingin saakin" pumunta siya sa way na magkakaharap yung tingin namin. "So meron nga?" Tumango tango nalang ako. Habang sila Jiwon nanonood lang saamin. 

"KASI JINHWAN HYUNG DI NIYA ALAM KUNG SINO BA PIPILIIN NIYA KUNG SI JENNIE BA O SI HAㅡsbbssksks!" Tiningnan ko ng matalim si Jiwon dahil siya lang ang pinagsabihan ko tapos napasa niya na kaagad kay Bonjing. Nako naman talaga. 

"Sabi ko na nga eh" narinig ko bulong ni Kuya Haneul sa gilid. "K-kuya.." napatingin naman siya sa gawi ko. "May gusto ka ba kay Hayi?" hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko na tanong yun.  "Paano pag sinabi kong oo?" nalagok ko ng derederetso yung isang bote ng alak dahil sa sagot niya. Tangina parang nawawalan ng hangin yung dibdib ko. "Ayos lang ba sayo?" tumango nalang ako. 

"Ang tapang mo para sa iba pero duwag ka para sa sarili mo. Baliko mga desisyon mo 'tol" ngumisi ngisi si Kuya "Wag kang mag alala, kapatid lang turing ko kay Hayi. Wag kang duwag sa nararamdaman mo.  Magpakalalaki ka" tumayo na siya at akmang aalis na. "Kausapin niyo nga ng masinsinan yang kapatid ko" sabi niya kila Junhoe.

"Kung pwedeng ipukpok lahat ng bote ng alak sa ulo niyan para matauhan gawin niyo" natawa naman sila. Baka nga kailangan kong pukpukin ng bote ulo ko para makapag desisyon ako.




Nakaapat na case na kami ng alak. Si Jiwon bagsak na. si Jinhwan, Dong at Chanwoo umakyat na. Si Yunhyeong nag kape yata dahil nahihilo daw siya. Si Junhoe mukhang mag aamok na. Ambabaho bwiset.

Nararamdaman ko rin na gewang gewang na ko mag lakad kaya naglakad na ko papunta dun sa bakanteng villa. Doon ako matutulog dahil kapag ganitong mga ganap malamang magsusukahan si Jiwon at Chanwoo, mag aamok at mag hahamon ng away si Junhoe. Nagiging bokinsingero yun kapag nalalasing. 

"Bat bukas yung ilaw?" Hindi siguro pinatay ni Donghyuk dahil galing siya dito kanina e. Pumunta na ko sa kusina para uminom ng tubig. "Ang sakit ng ulo ko shitㅡH-hayi..?" Gulantang din siya kung makita niya  ko tumalikod akmang aalis na siya pero pinigilan ko.




━━━━━━━━━━━━━━━

[Hayi's] 

"Teka lang" aalis na sana ko pero hinigit ni Hanbin yung braso ko.

"Ano? Dito ka ba matutulog? Lipat nalang ako dun sa villa namin. Ge, night" tumalikod na ako pero hindi pa ko nakakalayo nakaramdam ako ng mainit na yakap mula sa likod ko.

"Mahal kita" ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. At amoy na amoy ko rin ang alak sa sistema niya. "Lasing ka lang" tinaggal ko yung pagkakayakap niya saakin at humarap ako sa kanya. Nakita ko namang nakangiti siya at namumungay na yung mata niya."Hindi ako si Jennie, si Hayi ako" sabi ko dahil baka akala niya ako si Jennie kaya siya nagkakaganyan.

Napasinghap naman ako ng lumapit siya at hawakan niya yung magkabilang pisngi ko. "Mahal kita Lee Hayi, sobrang duwag ko" naramdaman ko nalang ang pagdampi at paggalaw ng labi niya sa labi ko. Hindi ko alam at para yatang hindi na sumusunod saakin yung katawan ko. Hindi ko namalayang sumasagot na ako sa mga halik niya.

Napasinghap ako nang buhatin niya ko patungo sa unang kwarto dito sa villa. Parang na hipnostismo niya ang katawan ko dahil kusa nalang akong sumusunod sa mga galaw niya. Hindi na ako sinusunod ng sarili kong katawan. "H-hanbin..." hindi ko alam kung pagpprotesta ba yun o isang ungol. Damn. Nalasing na rin yata ako sa mga halik niya dahil hindi ko narin namalayang wala na kong damit pang itaas at napapangibabawan niya na rin ako.  "S-shit Kim Hanbin".  Mali to, sobrang mali.

 asymptote » hanbin ; Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz