043

350 21 14
                                    


[Hayi's] 

Naalimpungatan ako at nakita ko naman si Hanbin, mahimbing na natutulog sa tabi ko. Eto yung pangarap ko balang araw yung siya yung makikita ko pag gising at bago matulog. Naiiyak ako dahil pakiramdam ko na hindi mangyayari yun sa buhay ko, dahil alam kong wala lang siya sa sarili nung ginawa namin yun kagabi. Siguro nadala lang siya sa init ng nararamdaman niya at ako tong si tanga, pumayag. 

Hinaplos haplos ko yung buhok niya at tinitigan yung mukha niya dahil pakiramdam ko pagkatapos nito hindi ko na ulit makikita ng ganito kalapit si Hanbin. "Mahal na mahal kita" at yung mata ko yata parang may unlimited na supply ng luha. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya ng mahigpit. This will be the last time, alam kong hindi na to mauulit pa. "Mahal na mahal kita" yun at yun lang ang lumalabas sa labi ko. "I'm sorry" kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. Tiningan ko uli siya, ang himbing niyang matulog. Mamimiss ko to. At wala akong pinagsisihihan sa ginawa namin kagabi. Naramdaman ko kagabi na buong buo ako. At walang kong pagsisi dahil sa lalaking mahal na mahal ko ibinigay ang pinaka iingatan ko. 

"Aray shit!" Napangiwi ako sa sakit pero pinilit ko paring makatayo at pinulot isa isa ang mga damit ko.

Hindi ko na hihintaying gumising pa si Hanbin at maabutan ako dito. Baka hindi ko kayanin. Baka sumbatan niya ko, baka masira ko ang relasyon nila ni Jennie.  Kaya kahit sobrang sakit ay pinilit kong maglakad papuntang villa namin para kuhanin ang mga gamit ko. Mauuna na ko sa kanila, mukhang wala na kong maihaharap pa kay Hanbin at pati narin sa mga kaibigan ko. 

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kama ko para kuhanin ang mga gamit dahil tulog na tulog pa silang lahat. 

Pagka labas ko ng  resort ay agad ko namang dinial ang number ni Papa. Naghihintay din kasi ako ng Jeep na papuntang terminal.

"Pa"

"Oh hayi anak napatawag ka?"

"Pa pwedeng favor?" napakagat ako sa labi ko sa desisyon na gagawin ko.

"Anong pabor ba yan? "

"Book me a flight pa, one way ticket pa Korea."

"Ano namang pumasok sa isip mo at naisip mo yan?"

"Gusto kong ituloy yung dream course ko. Sana payagan niyo ako. Uuwi na rin ako diyan.  Usap tayo pagdating ko."

"Sige mag iingat ka."

Napa buntong hininga na lang ako at sumakay na sa jeep. 

━━━━━━━━━━━━


[Hanbin's]

Nagising akong mag isa nalang sa kama. Nasaan kaya yun? Mag uusap kami, malinaw na lahat sakin kung sino talaga ang mahal ko. Ipapaliwanag ko sa kanya na aayusin ko na muna yung saamin ni Jennie para maging maayos na lahat. Ayoko namang husgahan siya ng iba dahil sa pa dalos dalos kong desisyon. 

Nag damit na ako at naghilamos dahil baka nag aalmusal na rin sila sa kabilang villa. Napag usapan kasi kagabi na mag aalmusal lahat sa villa ng mga namin.


Nakita ko kaagad sila Hanjang at Jinny na nag aayos ng agahan habang ang mga kalalakihan ay prenteng nagkakape sa sala. May bangas pa si Chanwoo sa mukha. 

"Anong nangyari diyan?" agad na tanong ko ng makita ko si Chanwoo.  Nagtawanan naman sila lahat. "Tangina kasi kapag inom, inom lang hindi yung manununtok sa gabi" paghihimutok niya at bungisngis na bungisngis naman si Junhoe. Buti nalang di ako tumabi sa kanila. 

"Si Hayi nakita niyo?" actually kanina ko pang gustong tanungin yan, Suhyun.

"Oo nga pala, si Hayi asan?" nagtatakang tanong din ni Jinny habang naghahanda ng mga plato.

"Kagabi katabi namin siya pero kung naalimpungatan ako wala na siya sa tabi ni Suhyun" Alam ko, Hanna. Pag gising ko rin kanina wala na siya sa tabi ko.  Dang, Lee Hayi nasaan ka ba? 

"Baka naman naglakad lakad lang diyan sa beach. Mga OA naman kayo mag isip" pugak naman ni Junhoe na ikinakalma ko.

"Hanapin ko muna sa labas. Una na kayong kumain, sabay nalang kami" saad ko at lumabas na.

Bakit iba ang kutob ko?

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now