031

383 27 1
                                    


[ h a y i' s]

Kasalukuyan kong tinutupi yung type A uniform ko dito sa comfort room, ayoko naman talaga kasing sumali sa volleyball na yan kung may choice lang ako bakit hindi diba? Bilang na bilang kasi kaming babae sa classroom namin kaya no choice talaga kung di sumali.

Nag tetext kanina pa si Hanna na mauuna na raw sila sa field, tinagalan ko kasi talaga sa banyo dahil balak kong tumakas ayoko kasing mag laro masama kasi yung pakiramdam ko. Nahihilo ko.

"Lee Hayi san ka pupunta?" taragis naman Donghyuk oh, Lord bakit ba marunong nang gumala ang mga mangga ngayon?

"Hinahanap ka na sa field ikaw na lang yung kulang dun bilis na" utos niya sabay liko sa building namin, may pinapagawa nanaman siguro si tanda sa kanya. Kaya humahaba baba niyan e, naiistress ng sobra.

Naglalakad palang ako nakikita ko na yung mga makakalaban namin. Ang gaganda nila.

Tumingin naman ako sa isa pang bahagi ng field kung saan nandoon yung mga kaklase ko na nagsisimula ng mag warm up, kaya nakisabay narin ako sa kanila.

Maya maya pa ay pinapwesto na kami sa loob ng court. Si Jinny ang captain ball, si Hanna naman ang outside hitter, si Suhyun ang opposite hitter, si Miyeon ang magsisilbing blocker at spiker tapos ako naka assigned sa pagiging libero. Nagawi naman ang paningin ko sa kalaban namin, si Lisa, Rosè, Jisoo at si Sunbin. Teka kulang sila ng isa ha?

"Sorry late ako!" napatingin naman lahat sa gawi kung saan nanggaling yung boses na iyon. Naglalakad si Jennie kasabay si Hanbin at Jiwon, naka jersey narin sila mga ang lalakas pumorma babangko lang naman mamaya! Tse.

Pumwesto narin si Jennie sa loob ng court at nag umpisa narin ang laban.

Naka lamang agad kami ng 4 na puntos sa galing narin ni Jinny sa pagserve at sa galing rin ni Miyeon sa pagiging blocker. Sa grupo ng kabilang magaling nilang nalalaro ang bola pero hindi sila gaanong nakakapuntos.

Si Jennie na ang mag se serve ng bola kaya ang lahat ay alerto na sa pagdating saamin ng bola ㅡ "ARAY KO!" nakagat ko ang labi ko sa sakit ng matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Ang sakit sobra! Naalog yata shit!

Dahil nga sa insidente, humingi muna ng time out si Jinny para makapag pahinga ako. "Ayos ka lang master!?" ipinat kaagad ni Bobby yung ulo ko, tumango naman ako bilang sagot.

Ni wala man lang naging reaksyon si Hanbin nung natamaan ako ng bola kanina. Pag declared ng time out, pumunta siya sa side ng kalaban, kila Jen. Ano pa bang i-eexpect ko?

"Tingnan mo si Ilong mukhang water boy! HAHAHAHAHAHA" humahaglpak sa tuwa 'tong si Jiwon dito sa gilid namin. Ganyan yan kapag nakikita niyang mukhang tanga yung kaibigan niya.

"Back to game na raw! Tara na" aya saakin ni Hanna sabay akbay. "Laban lang, focus lang okay? Fighting!" pang motivate naman ni Jinny bago kami pumasok ulit ng court.



Naipanalo namin ang set 1 , sila sa set 2 bumawi kami sa set 3 at ngayon tie sa set 4. Ako na ang huling mag se-serve, do or die na to kumbaga dahil hindi ko alam kung maipapanalo ba namin 'to o hindi.

Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang i-serve ang bola. Nasalo naman ito ni Jisoo saka ipinasa kay Lisa at biglaang pag spike ni Rose ng bola at agaran namang nasalo ni Jinny.

Pinasa ni Jinny saakin at pinasa ko naman iyon kay Hanna pero nung ipapasa na ni Hanna kay Suhyun Ay napunta sa kabilang grupo.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, naramdaman ko nalang na nasa lapag na ko! Damn ang sakit ng ulo ko tapos may nararamdaman akong tumutulo sa ilong ko.

Dali dali namang lumapit sila Hanna saakin, hinahanap ng mata ko si Hanbin pero wala. Wala nalang talaga ko sa kanya. People change nga talaga.

"MAGSORRY KA NAMAN!" sigaw ni Suhyun at agad ko naman siyang hinawakan sa kamay. Alam niya na agad yun, alam niyang binabawal ko na siya.

Inalalayan naman ako ni Jiwon tumayo tsaka ako binigyan ng panyo para punasan yung dugo na dumadaloy sa ilong ko.

"It's just a game, hindi ko naman sinasadyang na tamaan siya eh" sambit ni Jennie habang naka cross arms. It's just me? Oh talagang may pagka maldita siya?

"Pwede bang mag sorry ka nalang?!, nasaktan mo kasi yung kaibigan ko eh" yes Jinny, nasaktan niya ko, nila rather physically and emotionally.

"Tama na yan! Tama naman si Jen eh, laro lang yan at kasama talaga sa Laro yan" Really Kim Hanbin? Talagang pipiliin mo parin siyang kampihan kesa saamin no? "Tara na Jen." sambit niya pa sabay talikod saamin. Nalalambot na ko.

"THE FUCK KIM HANBIN!? BESTFRIEND MO TONG NASAKTAN TAPOS KAKAMPIHAN MO PA YAN!? TANGINA ANONG LOGIC MERON KA HA!? " sigaw naman ni Hanna, galit na galit siya dahil namumula mula na siya e. Yakap yakap naman siya ni Jinny ngayon. "Hanna tangina tama na oy, ang laki mong nag aamok diyan awat na!" Hahahahayop ka Jinny baliw baliw talaga 'tong mga kaibigan ko.

"Hayaan niyo na muna 'yan si Hanbin, lunod na lunod pa kasi sa tangang pag-ibig yan eh " sabi ni Jiwon habang nilalaro niya yung bola ng volleyball. "Tara kain tayo" yaya naman niya, OMG libre niya? Wow. "Tara kain tayo syempre libreㅡ" "MO!?" sabay sabay naming sigaw dahil once in a lifetime lang manlibre tong si Jiwon.

"Syempre libre ni Havanahanna, O tara na lika ka na!" Naglakad takbo na siya papunta ng gym. Akala ko pa naman libre na.

 asymptote » hanbin ; Where stories live. Discover now