Chapter 10 : Teleported part 3

3.2K 78 0
                                    

Christine's POV

May puti akong nakikita sa taas at namalayan kong nakatulog pala ako at nasa kwarto ako at naka bukas yung mga
bintana at sa sobrang bukas ng bintana nakakasilaw na!

Beep!

Tumunog yung phone ko at nagmessage saakin si Nicole.

From : Nicole ❤️❤️❤️

Busy ka ba ngayon?
Pwede ka ba pumunta sa malapit na Starbucks malapit dun sa may South Coast Mall?
Makipagkita na rin tayo kay Caleb kasama yung iba pa sama mo na rin si James.
Mga 3:00 PM

For : Nicole ❤️❤️❤️

Sige punta nalang kami diyan.

Naligo na ako at nagtoothbrush pagkababa nakita ko na sila Mommy at Daddy pati na rin si James na naghihintay saakin.

"Good morning baby" masayang bati ni mommy at tiningnan ko yung lamesa at may bacon, hotdog at fried egg na niluto ni Mommy.

"Mommy pwede po bang umalis kami mamaya magkikita kami nila Nicole dun sa South Coast Mall pati na rin nila Caleb" nilingon niya si Daddy at tumango naman si Daddy."Sasama ko na rin si James para magpakilala ko na rin siya sa mga kaibigan ko"

"Sure baby" ngiting sagot ni Mommy

Umupo na ako sa sofa at binuksan yung TV at umupo sa tabi ko si James at nakikinuod rin at kumuha pa siyang mga pagkain.

"Gutom ka pa rin?" nakangising tanong ko at lumingon uli sa TV.

"Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa buhay mo dito?"

'Ano namang gusto nito malaman?"

"Bakit naman?"

"Wala gusto ko lang malaman kung ano ang pakiramdam na nakatira ka sa normal na mundo yung walang magic"

"Siyempre normal lang yung pakiramdam mo pag nasanay ka na sa mundo na to katulad sa Kingdom nung una kong punta dun hindi ako sanay natakot pa nga ako eh dahil nakakakita akong iba't ibang imposibleng gawin ng normal na tao at hindi ako sanay dun dahil sa Kingdom ninyo yung imposible ay nagagawa ninyong posible" ngumiti lang siya at nanood uli kami ng TV

2:00 PM

Pagkagising ko nakahiga na ako sa sofa at hindi ko namalayan nakatulog pala ako! Hinanap ko si James at nakita ko na nakabihis siya ng white shirt at may black jacket at naka black rin siyang pants.

"Bakit ka nakaporma ng ganyan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Diba nga aalis tayo ngayon? Pupunta tayo dun sa...kung saan tayo pinapapunta ng kaibigan mo?"

Tumakbo agad ako sa kwarto ko at naghanap ng damit para suotin ko at nakahanap rin ako ng isang Simple Beige Colored dress with no sleeves.

Nagbihis agad ako at bumaba at nakita ko rin si James na naghihintay na rin at tumingin sila saakin at ngumiti.

"Akala ko hindi ka na lalabas sa kwarto mo" bulong ni James saakin at nahuli kong nakatingin saakin sila Mommy at Daddy na nakangiti.

'Ano na naman sasabihin nila..."

"Christine gamitin mo nalang sasakyan mo" nakangiting sabi ni Daddy saakin at binigay na yung susi ng Audi R8 naniregalo saakin noon nila nung nag birthday ako.

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon