Chapter 32 : Zeister Cranor

1.2K 36 0
                                    

James's POV

Kasama ko parin si Corona ngayon at sabi ni Professor Jack na dito daw muna ako mag stay. Kailangan ko rin mahanap si Professor Jack dahil marami pa akong tanong na hindi nasasagot.

Pumunta ako sa hallway at walang tao. Naglakad lang ako at hinahanap ko yung kwarto kung saan ako matutulog ngayon at sabi ni Professor Jack ay dun rin daw siya matutulog at may inaasikaso pa siya ngayon.

Nandito na rin si Seth at nakatingin lang sa bintana at nagpapahangin. Mainit sa loob ng kwarto kaya kailangan pa namin bukas an yung mga bintana.

Wala kaming pwedeng gawin sa kwarto kundi magbasa ng libro. The language is different kaya wala ka pa rin magagawa kundi titigan lang yung libro o matulog sa loob.

Hindi ako nakatiis kaya lumabas ako ng kwarto. Pupunta ako sa kanan at biglang may nabungo akong lalaki at kumunot yung noo niya.

"Sorry" sabi niya.

Sugatan siya at tuyo yung mga sugat niya. Nagulat ako nung tumayo siya at natumba uli. Mawalan siya ng malay kaya tinulungan ko siya at kailangan ko maghanap ng tao dito.

Walang katao-tao sa hallway dahil gabi na rin ngayon at babalik ako bukas dahil sabado daw yung festival. Buti may tao akong nakita.

Kinalabit ko yung matandang babae at nagulat siya nung makita niya yung mga sugat ng lalaki at sinenyasan niya ako na Sunday ko siya. Tumakbo kami parehas at pumunta sa clinic. Nilapag ko yung lalaking hawak ko at nilagyan niya ng gamot yung mga sugat.

"Buti nakita mo siya" kumunot yung noo niya habang tinitingnan yung lalaki.

"Pwede ko po ba malaman yung pangalan niya?"

"Siya si Zeister Cranor. Matigas ulo niyan at sinabihan ko na wag na siyang lumabas pero hindi pa rin siya sumunod!" inis na sabi niya pero natawa siya "Pero proud na proud kami diyan dahil isa siya sa mga representative ng Kingdom. Ano pala ang pangalan mo hijo?"

"James po"

"Buti may natitira pang taong katulad mo" nakangiting sabi niya.

Ngumiti lang ako at parang nakita ko nga itong lalaki na ito sa kung saan at yun pala sa laro. Nakaupo lang kaming dalawa at nakatitig sa kanya.

"Narinig mo ba yung nangyari kanina sa bayan? May lalaki daw dun na kakaiba yung lakas...may kasama pa daw siyang bata na kakaiba rin yung galing sa pakikipaglaban"

"Kung nakilala ko yung lalaki na nakipaglaban kanina. Ipapakilala ko si Zeister sa lalaking iyon dahil mukhang parehas sila takaw-gulo" tumawa siya "Magkakasundo yung dalawang iyon"

'Ako? Takaw-gulo!?'

"Hindi naman po yata takaw-gulo yung lalaking nasa bayan kanina" mahinang sabi ko "Baka biglang umatake lang yung kalaban sa lalaki. Hindi naman po yata alam ng lalaki na may kalaban na paparating"

"Baka...maraming kaaway yung lalaki?"

'What!?'

"Inggit lang po yata yung mga kalaban sa bida hehe" biro ko.

"Siguro nga"

Gumalaw yung kamay ni Zeister at gulat na napatingin saakin.

"Who are you?" tanong niya.

"Eh?" nagtatakang tanong ko.

"Si James siya hijo"

"Mom? Paano ako nakapunta dito? Anong nangyari saakin?"

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon