Chapter 44 : Caught

1.2K 40 1
                                    

Nicole's POV

Mukhang puyat ngayon si Christine ah. Papunta kami sa dining room. Wala pa sila Ethan at kami palang dalawa ni Christine. Ang tahimik ng kapaligiran. Minsan mas nakakabingi pa yung tahimik na kapaligiran kaysa sa maingay na kapaligiran.

Pinaglalaruan ni Christine yung kutsilyo sa harapan niya "Mahal mo ba si Ethan?"

"What do you mean?" nagtatakang tanong ko.

"Mahal mo ba si Ethan?"

"Bakit mo naman tinatanong?"

"Hindi kasi halata eh"

May naalala tuloy ako.

FLASHBACK

"Ethan tara na!" tawag ko sa kanya "Baka magalit si Daddy"

"Bakit naman magagalit si Tito? Kasama mo naman ako ah?"

"Kailangan ko kasi umuwi bago mag gabi"

"Wag kang mag-alala nandito naman ako eh"

"Alam mo naman kasi na strict ang magulang ko"

"Pero may tiwala naman sila saakin" nakangiting sabi niya "I promised that I would never leave you"

END OF FLASHBACK

"Nicole! Wake up!"

"Woy! Anong nangyari sayo?!"

"Lagot kami sa Tatay mo!"

Bumalik na ang isip ko nung sumisigaw na yung tatlo sa harapan ko. Nawalan pala ako ng malay.

"Are you okay?" tanong ni Ethan.

"Oo"

"Anong nangyari sayo?" nagaalalang tanong ni Christine.

"Nawalan ng malay"

Umalis na siya sa harapan ko at mukhang nawalan na siya ng pasensya kausapin ako. Buti naman at para makahinga ako ng maluwag. Naalala ko rin na pinagalitan ni Mommy si Ethan noong bata pa kami dahil muntik na akong mawala.

Siya nga lagi ang nagliligtas saakin sa mga magulang ko. Matagal na kaming magkakilala ni Ethan at dahil dun ay malaki ang tiwala ko sa kanya. Sobrang strikto ng magulang ko at sa isang maling kilos ko ay maraming madadamay.

Natandaan ko rin noon na yung nag-aalaga saakin na pinagtanggol ako. Ako naman talaga yung may kasalanan pero sinalo niya yung kasalanan ko at nawalan siya ng trabaho dahil saakin. Kaya tinulungan ko siya maghanap ng trabaho at ngayon ay isa na siyang tauhan ng mga Lacroix.

Dumating na yung mga pagkain at kumain agad kami. May pupuntahan ngayon si Christine ay kailangan niyang may kasama at gusto ko naman sumama sa kanya.

"How's your night?" tanong ni Tito Danielle saamin.

"Fine po" nakangiting sagot naming tatlo.

"Mabuti naman"

"Ah Dad may pupuntahan pala ako ngayon" sabi naman ni Christine.

"Where?"

"Sa bayan"

"Magpasama ka sa mg——"

"Si Nicole na Dad yung kasama ko"

"Okay, take care"

Hindi ko alam kung bakit nagmamadali si Christine. Sigurado akong may balak 'to gawin kaya hindi niya sinasabi saamin. Tapos na kami kumain at hinila agad niya ako palabas.

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon