Epilogue

4.9K 84 11
                                    

Christine's POV

Mga ilang buwan na ang nakaraan nung natapos yung laban. Medyo maganda na ang pakiramdam ko ngayon.

FLASHBACK

Liwanag lang ang nakikita ko. Akala ko katapusan ko na at nagkwekwentuhan yung mga Anghel at nagplaplano sila kung ano ang gagawin nila saakin. Biglang naramdaman ko na may humawak sa noo ko at yun pala hindi pa ako patay.

"Gising na siya"

"Buti gumising na siya"

"Ate Christine!"

Yan ang mga unang narinig ko at nakumpirma ko na hindi pa ako patay. Dinilat ko na yung mga mata ko at nandito si Shawn, Dad at Mom pati si Tito Jack.

"Nasaan ako?" tanong ko.

"Nasa hospital siyempre" nagulat naman ako nung katabi ko pala si Nicole.

Hinawakan ko yung noo ko at buti buo pa ako. Tatayo sana ako at pinigilan ako ni Dad at nakalimutan ko may nakasaksak pala saakin na kung ano.

"Magpahinga ka muna"

Tumango ako "Ilang araw na ako dito?" tanong ko kay Tito Jack.

"Itanong mo saamin na kung ilang buwan ka na nagpapahinga dito" sumagot na naman si Nicole at parang ako pa talaga ang may kasalanan tsk.

"Ilan?"

"Anim"

"Anim?!"

"Too good to be true noh?"

"Bakit ba ikaw kausap ko?!" inis na sabi ko.

"Sorry na!"

END OF FLASHBACK

Si Nicole agad yung unang kumulit saakin. Ngayon ang kaarawan ni Tito Jack at nasa normal akong mundo. Hindi ko nga alam kung ano na ang nangyari sa iba.

"O kay James?" yan na naman siya.

Nandito si Nicole at may katext siya sa kanyang cellphone. Sa anim na buwan na yun ay ngayon ko lang nalaman na fake yung relationship nila Nicole at Ethan pero ngayon ay sila na talaga.

"Bumaba ka na Christine!" tawag saakin ni Dad.

"Yes Dad"

Nagmadali na kaming dalawa ni Nicole dahil gusto niyang sumama saamin. Wala yung magulang ni Nicole dahil nasa ibang bansa sila at may inaasikasong business. Sumakay na kaming dalawa sa sasakyan at papunta na kami sa bahay ni Tito Jack.



Malapit na kami at mukhang nagbago ang ihip ng hangin. Tiningnan ko si Dad at nahuli kong nakatingin saakin.

"Epekto yan ng Element sayo" nakangiting sabi ni Dad "Masasanay ka rin"

Maya-maya nandito na kami at walang pinagbago ang bahay niya. Nasa gitna pa rin ng gubat at may mga nawalang puno sa likod. Nakakatawang isipin na ako ang may kasalanan niyon at napunta ako sa isang Kingdom.

Pumasok na kami at parang itong taon na ito ang pinaka maraming handa na meron siya. Nagulat ako nung makita ko sila James, Emma, Principal Kyle at iba pa.

"Upo kayo?" patanong na sabi ni Luke.

Lumawak yung ngiti ni James nung makita ako. Napatingin tuloy yung iba sa kanya at pasimpleng hindi ngumiti at tumingin kay King Stephen.

"In the age of eighteen diba kailangan na ni Christine maging Princess of Magic?" nakangiting tanong ni King Stephen kay Dad.

"Ah yes" nakangiti rin na sagot ni Dad "She will be the Princess but she needs a Prince first to be a Princess"

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon