Chapter 33 : Welcome Back

1.3K 39 0
                                    

Christine's POV

'Is this legit?'

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Anak ni Tito Dominique si Carlos? Hawak ko ang isang papal na patunay na sa kanya talaga si Carlos.

           A test for the child Carlos and the Alleged Father Mr. Dominique Esquviel

The Alleged Father is not excluded as the biological father of the tested child. Based on testing results obtained from analysis of the DNA listed, the probability of praternity is 100%. This probability of praternity is calculated by comparing to an untested, unrelated, random individual.

So ibig sabihin nito ay totoong Tatay ni Carlos si Tito Dominique? Base sa mga binasa ko ay totoong anak ni si Carlos pero totoo ba itong test?

Tiningnan ko si Carlos na nakatitig lang kay Shawn habang nakaupo at si Shawn naman ay naglalaro lang sa labas.

Paano nakuhanan si Carlos? May alam ba si Carlos dito? Tiningnan ko si Carlos at nakapaka inosente niyang tinitingnan si Shawn.

Ito kaya yung dahilan kung bakit kakaiba yung tingin ni Tito Dominique kay Carlos? Tatanungin ko nalang si Tito k7ng nagkataon na pumunta uli siya dito.

Nabalitaan ko rin na babalik na sila James at Enrique. Hindi pa rin kasi bumabalik si Tito Jack ngayon at walang nagbabantay kay Shawn pati kay Carlos.

Nararamdaman ko rin na may nagmamasid saamin hanggang ngayon kaya hindi ako basta-basta nagsasalita ng kung ano-anu.

Unknown's POV

Nakaupo ako sa bubong ng kapit bahay nila Christine. Nakita ko rin na may binabasa siya ng kung anong nakalagay sa folder kaya tumalon ako sa mga bubong nga bahay.

Kailangan kong hindi magpakita dahil kapag nagkataon...maraming tanong ang sasalubong saakin. Nung malapit na ako sa kanya ay tsaka niya tinago uli sa folder.

Nasayangan ako dahil hindi ko man nakita kaya ginamit ko yung invisibility cloak ko at pumasok sa loob. Naglalakad si Christine papunta sa kwarto niya at pumasok siya. Pumasok rin ako at nilapag niya sa may cabinet.

Humiga siya sa kama ng ilang mga minuto at tumayo uli siya. Sa hindi magandang pagkakataon ay ni-lock niya ung pintuan at ngayon ay nakulong ako sa kwarto niya.

Lumingon ako sa likod at nabigla ako dahil wala na yung folder. Nagtaka ako dahil wala naman si Christine na dala nung lumabas siya.

Buti ay nakabukas yung bintana ni Christine at pwede ako dun dumaan. Tiningnan ko yung baba at masyadong malalim ang babagsakan ko. Nakita ko ang isang puno at dun ako tumalon.

Bumaksak ako at...

"Arghh!" sigaw ko.

Natangal yung invisibility cloak ko at nasa harapan ako ngayon ni Shawn. Kumunot ang ulo niya nung makita ako at pinagmasdan niya. Ngumiti siya at tinawag pa niya si Christine.

"Ate!" sigaw niya.

"Wha—" napangisi siya nung makita ako "I knew it"

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon