Chapter 23 : Princess Of Magic

1.8K 54 2
                                    

Xavier's POV

"Why would I hurt an innocent person Mr. Dawkins? I am here because of my daughter"

Hindi nakapagsalita si Daddy at nakatingin lang siya kay Mr. Anderson. Tiningnan niya yung isang listahan at parang yun yung listahan ng mga kasali sa laro.

"Your Majesty, what is the name of your daughter?" kalmadong tanong ni Daddy.

"Christine"

Halos nabigla ako nung sinabi niya yun dahil isa lang naman ang kilala kong Christine.

"Christine?" tanong ni Daddy.

"Anderson"

"Your Majesty, do you mean Elizabeth?"

Nakangiting tumango si Mr. Anderson at halos maraming tanong ang nasa isip ko at tiningnan ko si Kevin na nakanganga at hindi rin siya makapaniwala.

"She is the Princess Of Magic" nakangiting sabi ni Mr. Anderson.

"I..I..can't believe this" bulong ni Kevin.

"She is really interesting" bulong ko.

Lumingon saamin si Mr. Anderson at sumeryoso yung mukha niya nung tiningnan kami.

"I need to have a conference with the team Mr. Dawkins"

"Do anything Your Majesty"

"Both of you follow me"

Napalingon ako kay Daddy at biglang kumunot yung noo niya. Sinundan namin si Mr. Anderson at napunta kami sa isang pintuan na parang vault. Hindi ko pa rin maintindihan yung mga nangyayari...sino siya?

Bumukas yung isang maliit na butas at may nagsasalita.

"Code name?"

"K.D.A"

Hindi bumukas yung pintuan at may sinabi pa yung lalaki.

"K.D.A?"

May narinig akong nagbubulungan sa loob at mukhang nagsasagutan pa yung iba.

"King Daniel Anderson" maawtoridad na sabi ni Mr. Anderson.

'King?'

Bumukas agad yung pintuan at tiningnan ko yung lalaking naka tuxedo at may itim siyang hat. Kitang kita mo yung takot sa mga mata niya. Maraming mga TV sa loob at hindi siya nakabukas. May mga iba't ibang mga gamit pa na nandun na hindi ko alam kung ano.

"Your Majesty, hindi ko po al—am...sorry" nauutal na sabi niya.

Ngumiti lang si Mr. Anderson at nag bow yung lalaki. Pumasok kami sa isang room at mukhang conference room ito at puro naka suit yung mga nandito. Gulat na gulat yung mga tao dito at umupo si Mr. Anderson sa dulo.

"Your Majesty?" tanong ng isang lalaki.

"When did you comeback, Your Majesty?"

"Today...I heard that my daughter is one of the representatives of a Kingdom" seryosong sabi niya.

"Daughter?" tanong ng isa.

"Christine Elizabeth also known as the Princess Of Magic"

Naintindihan ko na ang ibig sabihin ni King Anderson at ngayon alam ko na isa na siyang hari pero saang Kingdom siya namumuno? Pero si Christine? Prinsesa?

May kumatok na naman.

"Code name?" tanong uli ng lalaki.

"N.O.N.A.M.E"

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon