Chapter 14 : Mage Forest

2.3K 68 8
                                    

Nakaramdam ako ng pagod dahil ilang beses na ako palakad lakad sa School. Lakad dun lakad dito....

'Bored na bored na ako!'

Mga ilang oras nagbihis na ako ng binigay saakin ni Tito. Binigyan niya akong jacket na kulay itim at pantalon na kulay itim at yung sapatos na itim.

'Mrs. Black in ACTION!'

"Good luck Christine" nakangiti na sabi ni Emma.

Ngumiti ako at nakita ko si Enrique na nakasuot rin ng itim. All black siya at may kulay itim pa siya na hood at may espada siya na may kulay blue na aura at nilabas niya.

"Oh eto"

Binigay niya saakin yung espada at tinapat ko kay Enrique yung espada at mas lalong nagkaroon ng aura yung espada at naging seryoso yung mukha niya.

"Alam mo ba gumamit niyan?" tanong niya.

"Alam ko"

"Saan ka naman natuto gumamit niyan?"

"Sa kapatid ng kaklase ko" sabi ko at napatingin siya saakin.

"Pwede ko bang malaman yung pangalan niya?"

"Bakit ko naman sasabihin? Kahit sabihin ko sayo hindi mo naman siya kilala" sabi ko at kumunot ang ulo niya.

'Interesado yung isaaaaaa'

"Just tell me" seryosong sabi niya.

"Bakit ko nga sasabihin? Tell me the reason muna"

"Gusto ko lang malaman...ano bang problema mo?" inis na sabi niya at mas lalong kumunot noo niya.

"Wala akong problema sayo...tinatanong ka lang eh" sabi ko "If you give me a valid damn reason siguro nasabi ko na sayo yung pangalan niya at hindi ako basta-basta nagsasabi ng pangalan ng mga kakilala ko" seryosong sabi ko.

"Kasi..ano.." hindi siya sumagot at hindi ko rin siya sinagot "Tara na nga!"

Inirapan ko siya at tumaas naman kilay niya at nung naglakad na siya papunta sa labas sumunod na rin ako sa kanya nakita ko yung mga kaibigan ko sa labas at nagpaalam na rin ako.

"Ingat!" sabi nila.

Nakita ko si James at nagpalit na siya ng damit niya at naging kulay red ang suot niyang shirt at nakakulay black siyang pants at naka sapatos siya na kulay black at tiningnan niya ako at umalis siya.

'Anong problema niya'

Pumunta saamin si Principal Kyle pati yung matandang babae at lalaki.

"Hija goodluck" sabi ng matandang lalaki at saka ngumiti.

"Sana ikaw na nga" sabi ng matandang babae at saka umiyak.

'Why?'

"Shh...dont cry Mom" bumata ang boses ni Principal Kyle habang pinapatigil niya yung Nanay niya umiyak.

'Nanay niya yun sooo baka yung matandang lalaki yun ang tatay niya?'

"We are very happy na ikaw ang naging chosen one" nakangiting sabi ni Principal Kyle at dumating si King Stephen na parang may hinahanap.

Nagkaroon ng katahimikan at napalingon silang lahat kay King Stephen.

"Christine? Could I please talk to you for a moment?"

"Sure po" sabi ko at nagpaalam na ako sa kanila.

Pumunta kami sa isang walang masyadong tao na lugar at tiningnan niya ako.

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon