Chapter 40 : Same Death

1.1K 33 1
                                    

James's POV

Tiningnan ko si Christine at halatang nagulat siya. Kahit ngayon ko lang siya nakilala ay bakit parang naiiyak ako? Si Christine ay tumalikod dun sa pader at nakatingin lang saakin si Shawn.

"Ano nangyari kay Ate?" nagaalalang tanong ni Shawn.

"Don't mind her" malungkot na sabi ko "Ako na bahala"

Wala na siyang sinabi at nilapitan ko siya. Nakahawak siya sa kanyang ulo at tsaka tumingin saakin. Nabigla lang ako nung niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Bakit maraming namamatay nung nandito ako?" mahinang sabi niya.

Hindi ako sumagot.

"Ano bang meron saatin? Minsan nakikita ko sila Daddy at si King Stephen na nag-uusap at kapag nakikita ko sila bigla nalang sila ngumingiti. Lintik na buhay 'to!" sigaw niya "They are confusing me! Tapos ngayon makikita natin na patay na pala si Miss Elaine? Ano nalang sasabihin nila?" inis na sabi niya at kinamot pa ang kanyang ulo.

"Hindi mo naman kasalanan eh..."

"Pero tayo ang kasama niya...siguradong maraming tanong ang sasalubong saatin"

"Hindi naman natin kasalanan eh" bulong ko at mas hinigpitan ko yung yakap ko "Dahil kung sinisi ka nila ay ako ang makakalaban nila"

Tiningnan niya ako at blanko ang mukha niya. Bakit parang may naramdaman akong kakaiba nung sinabi ko yun...

Binitawan na niya ako at tumayo "Tara na" mahinang sabi niya "Siguro hinihintay na tayo nila"

Tumango ako at nakita ko si Shawn na nakatayo sa labas at sinusubukang buksan yung pintuan ng aking sasakyan at nung makita kami ay biglang tumigil.

"Let's go" sabi ko sa kanya at binuksan ko na yung kotse. Tiningnan niya naman ako ng parang nagtataka siya.

Pumasok na kami sa sasakyan at papunta na kami sa bahay ni Professor Jack. Maya-maya ay nandito na rin kami at tiningnan nila kami at mukhang nag-aalala na sila saamin.

"Christine! San ka pumunta?" nagaalalang tanong ni King Danielle.

"Ano..Dad"

"Ano? What happened?"

Hindi siya nakapagsalita ay mukhang bibigay uli siya dito. I cough so I can get their attention. Buti nakuha ko nga ang atensyon nila.

"Miss Elaine died a while ago" mahinang sabi ko "Hindi namin alam yung nangyari at nakita lang namin na may saksak na siya sa kanyang likod"

"Nasaan kayo nung oras na yon?"

"Tindahan po"

"And why both of you are there?"

"Bumaba po kasi si Miss Elaine..."

'Bumaba nga siya!'

"So bumaba siya...baka alam na niya na nasa peligro na yung buhay niya"

'Edi alam na niya na mamamatay na siya? Baka bumaba siya dahil makikipagkita siya...pero kanino? Wala naman akong alam tungkol sa buhay niya...baka may tumakot kaya sa kanya?'

"Mukhang ganun nga" nabigla ako nung nagsalita ako ng hindi ko namamalayan.

"Anong ibig mo sabihin?"

"B-Baka po may tumakot sa kanya" napapahiyang sabi ko at tumungo ako.

"I think so"

Nabigla lang kami nung biglang may sumigaw sa may kusina. Tumakbo agad si King Danielle at nabigla kaming lahat nung nakita namin ang walang malay na katawan ni Professor Jack.

May espada na nakasaksak sa gitna at tumutulo yung dugo. May mga basag rin na mga baso pero bakit hindi namin narinig?

"Dad!" sigaw ni King Danielle at kinakalog kalog yung katawan ni Professor Jack.

"Call the doctors" makapangyarihan na sabi ng Nanay ni Christine "Call the doctors now!"

Pumunta ako sa isang telephone at naghulog ako ng piso. Tinawagan ko agad yung hospital na kung saan namin sinubukan ipagamot si Miss Elaine.

"James speaking, emergency at Dragon's Ave Houses" yun yata yung lugar nitong bahay niya.

Bago pa siya magsalita uli ay pinatayan ko agad ng telepono at tumakbo papunta kay Professor Jack. Wala na siyang malay at nagkaroon ako ng maraming tanong sa aking isip. Si Miss Elaine ay may saksak pati si Professor Jack at bakit sabay silang sinaksak ngayong araw? Si Miss Elaine ay gamit ang kutsilyo at si Professor Jack naman ay espada.

Cyril's POV

Tawang tawa ako sa mukha ng pamilya ni Christine. Mukhang kilala ko itong dalawa na ito at sila yung hari at reyna ng lahat ng mga Kingdom. Akala nila natatakot ako sa kanila? Pwes ako ang tatakot sa kanila.

Pinagmamasdan ko yung lungkot ng mga mata nila at hindi maiwasang maluha sa katatawa. Umiiyak yung magulang ni Christine at nabigla ako nung nakita ako ng maliit na bata at nakatitig saakin mula sa bintana. May pagkabrown yung buhok niya at blue yung dalawa niyang mata.

"What the heck?" bulong ko sa sarili ko.

Nag panic ako nung makita ko siyang papunta saakin. Pero dahil sa panic ay nahulog ako sa puno at nagkaroon ako ng maraming sugat.

"Hahahhahahahahah worth it" tawa ako ng tawa "Buti nga sa kanila!"

Naalala ko yung plano ko sa isang matandang babae at pangalan daw niya ay Elaine sabi ng isang tauhan ko at si yung si Jack daw ay malapit sa pamilya ni Christine kaya siya yung target ko at buti nagtagumpay ako. Isa nalang ang kailangan ko gawin at yun ang kailangan ko magkaroon ng maraming impormasyon tungkol sa pamilya ni Christine.

Pangalan daw ng lalaki at yun ang Tatay ni Christine ay Danielle at yung nanay naman ay Katrina. Yun palang ang nakukuhang impormasyon ko tungkol dito.

FLASHBACK ( JACK )

Pumasok ako sa kwarto ni Jack at nakita kong walang tao. May nilabas akong espada at naglakad ako papunta palabas. Nagulat ako nung makarinig akong mga ingay ng mga paa papunta sa taas. Naghanda ako at nagtago sa may Cabinet.

Hindi ko maiwasan mapangiti sa ginawa ko. Naglakad siya pababa at papunta sa kusina. Dun ako nakakuha ng tyempo na patayin siya.

Sinaksak ko siya at gusto ko pa sana na saksakin sa mismong utak niya pero hindi ako ganun ka kalat kung pumatay. Sa gitna nalang para mas maganda.

Nahulog ko yung ilang mga baso at nakagawa tuloy akong ingay. Buti may bintana at dun ako dumaan para malabas sa bahay.

FLASHBACK ( ELAINE )

Isa ako sa mga nakatakip ang mukha. Sinama ko ang dalawa kong tauhan at nagtagumpay na naman kami dahil pumasok si Elaine.

Sinubukan namin kumuha ng mga impormasyon sa kanya pero wala. Nainis naman ako at napatay ko siya pero hindi ko dapat yun gagawin. Nagulat lang ako nung bumukas uli yung pintuan at nagtago agad kami ng dalawa kong kasama at yung nagbabantay ng tindahan ay pinatay agad namin. Nakita namin sila James pati si Christine at nakita ko ang gulat sa mga mukha nila kaya mas lalo akong napangisi.

'Deserve it'

Alam kong may anak siya pero bakit hindi siya natakot? Bago ako pumunta sa bahay ni Jack ay pumunta ako sa probinsiya kung saan si Elaine nakatira pero nakita ko na walang tao dun.

END OF FLASHBACK

Buti hindi sila humarang sa plano ko.

***

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon