Chapter 34 : Fake Friendship

1.3K 40 0
                                    

James's POV

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Kakampi na namin yung Landia Kingdom at kailangan ko rin sabihin na magkasundo na rin yung Sapphire Kingdom.

Kinwento ko sa kanya yung nangyari at hindi rin siya makapaniwala. Alam kasi namin na yung dalawang Kingdom na yun ay mahirap pakiusapan. Hindi rin sila pumapayag sa kahit anong mga pakiusap ng ibang Kingdom.

"May nangyari pa bang iba? Magkwento ka naman oh" walang ganang sabi ko.

"Nakita ko si Emma"

"What?"

"Nakita ko si Emma" ulit niya.

"Bakit siya nandun?" nagtatakang tanong ko.

"Bumibisita daw siya dun every month at dun rin nagaaral kapatid niya"

"That explains why"

"How about you? Kwentuhan mo naman ako"

"Professor Jack is there"

"Professor Jack?"

"Yes and I don't know why"

"Sa tingin mo bakit siya nandun?"

"Wala akong maisip na dahilan kung bakit siya pumunta dun, kung meron man ay sana alam ko"

"Sa tingin mo...tungkol ba 'to sa nangyari sa laro?"

"I think so...maybe"

"I think na meron siyang maraming dahilan kung bakit nandun siya...kasi ikaw na nga ang bahala sa Kingdom na yun at siya pa ang nag-utos sayo at nakapagtataka naman na pumunta rin siya dun"

"May point ka...siguro nga" sabi ko.

"Even if he has a deeper reason ay kailangan natin pagkatiwalaan siya dahil isa siya sa mga tumulong sa Kingdom na makatakas sa problemang 'to"

Tumango ako at kumuha ako ng mga makakain sa bag niya dahil punong-puno ng mga iba't ibang pagkain ang laman at kaunti lang yung dala niyang damit. Kukuha sana ako pero biglang inagaw ni Enrique.

"You want?" nakangising sabi niya "Grab it if you can"

Nagrambulan kami sa loob at buti hindi kami sinisita ng bantay sa train.

Jack's POV

FLASHBACK

"Unknown? What are you doing here?" tanong ko.

"I heard that Cyril ordered someone to follow James"

"Why? Is there any reason behind this?"

"No..."

"Sa tingin mo? Bakit kailangan pang may sumunod kay James?"

"To gather up informations?"

Dun ako napaisip. Yun yata ang pwedeng maging dahilan at kailangan ko na pumunta. Kinuha ko ang board ko at sinakyan. Mas mabilis yung board ko kaysa sa mga ibang ordinaryong board na meron sila.

Mga ilang oras ay nakapunta na rin ako sa Sapphire Kingdom. Hindi ako magpapakita sa kanya at yung kailangan ko lang gawin ay pigilan ang sumusunod sa kanya at tanungin kung anong kailangan nila.

Huli na nung nakita ko na nakikipaglaban si James at may kasama siyang bata. Namumukhaan ko yung bata at parang yun yung batang inutusan ko sa may station dahil nasira nga yung station na papunta talaga dito.

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon