Chapter 45 : Stole

1.2K 33 0
                                    

Christine's POV

"Let's go?" nakangiting sabi ni James at naglakad na ako papalayo sa kanya at hindi siya sinagot.

Nung nakita ko siyang hinahabol ako ay tumakbo na ako. Malalagot talaga saakin yung Nicole na yan! Nabigla lang ako nung may nabangga ako na tao. Muntik na akong sumigaw dahil nasa harapan ko na si James ngayon.

"Why are you running away from me?" tanong niya.

"E-Eh?! Kaya ko naman kasi mag-isa" I lied.

"Sasamahan ka lang naman eh"

"Sige na nga!" inis na sabi ko at lumiwanag yung mukha niya.

"Tara na!"

Hinila niya ako sa loob ng library uli. Tinanggal niya yung painting na nakalagay sa pader at nagulat ako kasi may isang maliit na vent sa likod ng painting. Kailangan tuloy namin gumapang para makapunta sa kung ano man ang nasa loob ng vent.

"Crawl" utos ni James.

"What?"

"Gumapang ka"

"Ikaw muna" sabi ko.

"Ikaw muna, diba gusto mo kunin yung element?"

"Oo pero..."

"Pero?"

"Basta! Ikaw muna" pagpilit ko.

James's POV

Bakit ba ayaw niya mauna? Tiningnan ko yung labas at nakita ko si Nicole na nakangisi saakin.

"Pilitin mo pa" she mouthed.

"Ayaw nga niya eh" I mouthed at nag face palm lang siya.

"Blackmail mo katulad ng ginawa ko sa kanya"

"Baka naman magalit pa 'to saakin"

"Ako bahala"

Tiningnan ko siya na nakatingin na pala saakin "Ikaw muna" sabi ko.

"Please"

"No" Ano bang pwedeng sabihin?.

"Sige na James, ngayon lang"

"May kapalit ba yan?" tanong ko.

Hindi siya nakasagot at tumingin uli siya sa vent. Nagtaka naman ako dahil gumapang na siya sa vent. Tiningnan ko si Nicole at wala na siya sa labas. Mukhang natagalan yata. Sumunod na rin ako sa kanya.

"Bakit mo pala alam na dito nakalagay yung element?" tanong niya.

Hindi ako sumagot at nagtaka naman ako nung bigla siyang tumawa.

"Dahil kay Unknown tsk!" natatawang niyang sabi "Nakalimutan isara ni Unknown yung pintuan ng office ni Principal Kyle at sakto naguusap sila at gusto ko naman na marami akong alam at yun...nandito daw"

"Oy, ano naman magagawa mo kung nahuli kanila?" tanong niya.

"Wala, buti nga hindi ako nahuli eh"

"Ewan ko sayo"

Nakarating na rin kami dun sa dulo ng vent. Nasa isang kwarto kami na sobrang dilim. Buti dala ko yung flashlight ko na nakahanda palagi sa may bulsa ko. Binuksan ko at nakita namin ang isang kwarto na merong maraming pintuan.

"Nasaan kaya yung element dito?" tanong niya.

May nakalagay dun na sign. Fire means DESTRUCTION.

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon