Chapter 48 : The War 3

1.1K 36 0
                                    

Xavier's POV

Nakapasok na kami sa loob at kailangan namin hanapin yung Element. Walang tao sa loob ng palasyo at mukhang kami lang yung tao dito. Nakita ko yung isang painting na yung isang tauhan ni Cyril at sinaksak yung espada dun sa isang tao at nasa may gitna pa talaga.

Hindi ko kayang tingnan yung ibang mga painting at naghanap kami ng room kung saan pwedeng itago nila yung Element. Nakuha ang atensyon ko ng isang pintuan na kulay itim at may ginto na door knob. Hindi ko mabuksan kaya wala akong magawa kundi gamitin yung ability ko. Wala akong power since birth pero may ability naman akong kakaiba at yun ang strength. Kahit mabigat na gamit ay pwede ko buhatin at kahit matibay na bagay ay kaya kong sirain.

Sinipa ko yung pintuan at nagulat ako nung makita ko yung stand na sobrang laki at may telang nakatakip sa kung ano man nasa loob. Dahan-dahan kaming lumalapit at tinanggal yung tela at nagulat ako nung wala itong laman. Siguro hindi ito yung lugar kung saan nila tinago yung Element. Aalis na sana kami nung may nakita akong sign na nakatabingi.

TNEMELE KRAD

LLEWKCALB - AHUKAM GNOM OTSUG GNUY GNAL NIKAASAN LIHAD ATIKAM NGOM OTSUG GNUY ATIKIKAM OM IDNIH YA OTID ATNUMPU NAM ONIS GNUK.

Parang may ibig sabihin yung mga letrang ito pero ano? Nabigla lang ako nung nahulog ni Kevin yung sign at biglang bumaliktad. Biglang uminit yung sign nung hinawakan ko at napaso ako kaya kumuha ako ng bagay na pwede kong pag lagyan ng sign. Lumabas kami ng kwarto at nagulat lang kami nung makita namin yung isan sugatan na lalaki at mukhang tauhan siya ni Cyril.

Hindi naman ako makatiis na makitang may taong sugatan kaya sinandal namin siya parehas sa pader at mukhang nabigla siya sa ginawa namin.

"S-Salamat" napahawak siya sugat niya sa kamay.

"Dito ka lang" sabi ko at pumunit ako sa damit ko ng tela at tinali ko sa kanyang kamay para magsilbing bandage "You need to rest"

"Cyril needs me" mapait na ngiti ang binigay niya saamin "I don't want to betray him"

"Bakit ka nandito?" nagtatakang sabi ko.

"Ang g-gagawin ko naman talaga dito ay tingnan kung may tao sa Kingdom at..meron nga"

"K-Kailangan lang namin yung Dark Element" nauutal na sabi ko "Gusto din namin tulungan yung Princess namin" napangiti ako sa sinabi ko.

"Ang gusto k-ko lang sabihin sa inyo na wala diyan yung Element" nagtaka naman kaming dalawa ni Kevin "Hawak ni Cyril yung Element at hindi ninyo makukuha yung Element"

"What does the sign mean?" tanong ni Kevin.

"Anong sign?" tinulungan namin siya tumayo at pumasok uli kami sa kwarto at tinuro namin yung sign "Ibig sabihin niyan ay "KUNG SINO MAN PUMUNTA DITO AY HINDI MO MAKIKITA YUNG GUSTO MONG MAKITA DAHIL NASAAKIN LANG YUNG GUSTO MONG MAKUHA - CYRIL BLACKWELL"

Tiningnan ko naman uli yung sign at kailangan pala baliktarin uli. Nung bumagsak yung sign ay bumalik 'to at nawala sa isip ko na kailangan pala baliktarin uli. Sinikap ng lalaki na tumayo.

"K-Kailangan ko na bumalik"

"Mag-ingat ka" sinserong sabi ni Kevin at binasag namin yung bintana at tumalon kami.

Tumakbo kami hanggang sa may waterfall. Nakita namin yung Kingdom sa 'di kalayuan at bahagyang napangiti ako na may kasamang lungkot. It could be more nicer if wars does'nt exist.

"The Kingdom is in a huge trouble!"

Biglang nagsalita si Kevin at nalaman ko lang nung sinabi ng lalaki sa kanya na kung sobra ang gamit ni Cyril ng kanyang Power at sa pagiging over powered niya at hindi siya marunong mag control ng kanyang kapangyarihan ay pwedeng ikapahamak ng lahat at hindi namin hahayaan mangyari yun.

Kinuha namin yung kabayo na nangangalang 'Artax'. Binilisan nami nung takbo dahil kailangan namin pigilan si Cyril at hindi lang siya yung gusto namin tulungan dahil para din 'to sa lahat. The result could be tie at kahit saang angulo ay masasayang lahat ng mga pinaghirapan ng anim na Kingdoms. Nabigla kami dahil parang hindi na Mage Forest ang nakikita namin sa aming harapan dahil lahat ng mga puno ay nasusunog na at maraming mga duguan. Malapit na sila makarating sa gate ng Mage Kingdom.

Malapit na namin maabutan si Cyril dahil yung mga Hari ng mga Kingdom yung dapat sa dulo. I don't care If I die in the middle of the battleground dahil ang gusto ng lahat ay kapayapaan. Tinulak ko si Cyril sa kanyang kabayo at kitang kita mo sa mukha niya yung gulat nung makita ako. Maglalabas na sana siya ng espada pero biglang humugot rin si Kevin ng espada. Buti hindi nahalata ng mga tauhan ni Cyril dahil na sa may unahan sila.

"What the fuck!" sigaw niya para makuha namin yung atensyon ng lahat.

Nakaramdam ako ng kaba at takot. Nakita namin si Tito Danielle at yung iba pa namin na kasama na nakatingin saamin. Nilabas ko rin yung espada ko at tinutok kay Cyril.

"Kung gusto mo pa mabuhay...ibigay mo saakin yung Element"

"Hindi ako tanga para ibigay ko sayo ang aking Element" pagdidiin niya.

"At yung sinasabi mong 'Element' na hawak mo ay siya mismo yung dahilan sa pagkamatay mo"

Nagkaroon siya ng interest at ngumisi siya "Baliw na yata yung isa sa mga kagrupo mo Danielle!" sigaw niya para marinig ni Danielle "Hindi ako tanga para ipahamak ang sarili ko"

"Hindi rin kami tanga na pumunta dito na walang gagawin! Pumunta kami dito para sabihin sayo na kung ginamit mo yung kapangyarihan mo ay walang mananalo" seryosong sabi ko "Dahil lahat mamamatay! Walang matitira Cyril! Mag-isip ka naman!" inis na sabi ko pero tumawa ang siya.

"Get the both of them" kalmadong sabi niya.

Mahigit sampung mga tauhan at papunta saamin at ginamit ko yung ability ko. Sinuntok ko sila at sinisipa ko at ginamit naman ni Kevin yung super speed niya para hiluhin sila. Kaya kami naging bestfriend dahil magandang combination yung ability namin. Parehas din kasi kami ni Kevin na walang kapangyarihan at ability lang ang meron.

Tinulungan ako ni Kevin na tumakbo at naglakad na rin yung lahat ng mga tauhan ng Xie, Wades at Dark Kingdom at mukhang walang makakapigil sa kanila. Mga ilang minuto ay nakarating na rin kami na kung saan si Tito Daniel at seryosong nakatingin saamin.

"Saan mo nakuha yung mga sinabi mo kanina Mr. Dawkins?"

"Everything what I said earlier is true Mr. Anderson" seryosong sabi ko "Maniwala kayo saamin"

Tiningnan niya kami at bigla siyang tumango. Naniniwala siya saamin at kailangan nalang namin lumaban sa kanila ngayon.

***

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon