Chapter 18 : Luke

1.7K 61 2
                                    

Christine's POV

Hindi ngayon pumasok si Tito Jack at nagpapahinga siya ngayon sa bahay at si Carlos namin ay nagpapahinga rin at maghahanda na ako ng pagkain para sa umaga. Nagluto ako ng pritong itlog at bacon para saamin at sinamahan ko na ng gatas ni Carlos.

Gumising na si Tito Jack at sinalubong ako ng ngiti niya. Tumayo siya at kumuha siyang pagkain at nilagay sa plato niya at nabigla ako.

"Okay na po ba kayo?" nagaalalang tanong ko at sumubo siya ng kanin.

"Okay na ako...nagugutom na ako eh..."

Tumaas ang kilay ko at kumakain lang siya at si Carlos ay natutulog pa rin. Mukhang magaling agad yung mga sugat ni Tito Jack dahil malakas na naman siya uli at parang walang nagyari. Hindi ko maiwasan tumingin sa malalim niyang sugat na nagdudugo pa rin pero patuloy lang na kumakain si Tito Jack.

"Ano po palang nangyari?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya at tumigil siya kumain "Hindi ko alam nangyari eh" uminom siya ng tubig "Naalala ko lang na...may humampas ng ulo ko..."

Iba ang nararamdaman ko ngayon...takot at kaba dahil hindi ko alam yung mangyayari saamin. Hindi ko pa alam ang gagawin ko ngayon...ang dami ko ng problema ngayon.

'Nonstop problems'

"Kailangan ko na po pumasok" paalam ko "Sabihin ko nalang po kay Principal Kyle yung nangyari po sa inyo"

"Salamat"

Ngumiti ako at lumakad na ako papunta sa School. May nararamdaman akong may nagmamasid saakin pero hindi ko nalang pinapansin.

Naramdaman kong may sumusunod saakin at lumingon ako sa kanan at sa kaliwa ko pero wala akong nakita. Kung meron man na umatake saakin ngayon kailangan ko siyang labanan. Hindi dapat ako kabahan dahil pwede ko naman ipagtanggol ang sarili ko.

Sinimulan ko uli ang paglalakad ko at biglang may kumalabit saakin at nabigla ako at nagtaka kung bakit nandito siya at sinasabayan ako maglakad at ginagaya pa kung paano ako maglakad.

"Ano bang kailangan mo?" inis na tanong ko.

Hindi siya sumagot at naglakad lang siya.

"Hoy! Sagutin mo ako"

"Gusto ko lang"

"May gusto ka ba saakin?"

"In your dreams"

"In your dreams mo mukha mo! Ano nga ang ginagawa mo dito?" inis na tanong ko "Wag na wag mo isipin na gusto kita dahil sa panaginip lang yan mangyayari"

"Okay"

"Bakit ka nga nandito?"

"Interesado ka ba?"

"Bakit nga?!"

"Binabantayan kita"

"Kaya ko naman sarili ko"

"Basta babantayan kita"

"Ano ba ang role mo sa buhay ko?" inis na tanong ko.

"Personal Bodyguard mo"

Inis akong tumakbo pero nabigla lang ako na nasa harapan ko siya at nabangga ko siya sa harapan. Ngumisi naman siya ng nakakainis at pinipigilan ko ang sarili kong suntukin ko siya.

"I don't need your help"

"Vraiment? Mais vous en aurez besoin" nakangisi niyang sabi.
Translation: Really? But you will need it

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon