Chapter 49 : The War 4

1.3K 33 0
                                    

Christine's POV

Hindi pala ito yung lugar kung saan sila naglalaban. Nalaman ko lang nung nakita ko si Luke na naglalakad sa bahay mag-isa.

FLASHBACK

Nagulat ako nung may tumawag saakin sa may likuran ko at niyakap ako.

"Ate!" nakangiting tawag niya.

"Oh? Luke nasaan yung mga tao sa bahay?"

"Nasa gate ng Kingdom?" hindi siguradong sagot niya.

Hinalikan ko siya sa noo dahil hindi ko alam na baka mamaya na pala yung oras ko. Napangiwi ako kung ano man ang lumabas sa isip ko.

"Luke, kahit anumang mangyari...wag na wag kang lalabas ng bahay ha? Kung may narinig kang bumukas yung pintuan magtago ka"

"Bakit Ate?"

"Basta sundin mo lang ang mga sinasabi ko sayo"

Ngumiti siya at hinalikan ko siya sa noo uli at umalis na ako.

END OF FLASHBACK

Nadaanan ko rin kanina si Carlos, Shawn pati si Seth. Naglalaro silang tatlo at nagtago ako para hindi nila ako makita at magtanong saakin. Pumunta na ako sa may gate at mapait akong ngumiti dahil sa mga nakikita ko. Maraming mga katawan ang mga nasa lupa at maraming mga dugo ang nasa lupa at nagmumukha nang dagat.

Mabibilang ako ng tatlo at kailangan ko na tumakbo at lumaban as the Princess of Magic.

"1"

"2"

"3"

Tumakbo na ako ng sobrang bilis at sa limang segundo ay nakapatay ako ng anim. Kahit hindi ko na gamitin yung kapangyarihan ko basta kailangan ko unahan sila gamit ang espada ko. Sa 'di kalayuan nakita ko si Kevin na nakatulala at nakatitig saakin. Tumakbo siya agad papunta saakin at hinila ako sa hindi masyadong matao na lugar.

"Christine! Makinig ka saakin"

"Ano?"

"Gamitin mo yung Power mo"

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Pwede kong ikamatay ang sinasabi mo Kevin!"

"Makinig ka saakin! Lahat ng mga bagay ay posible mangyari! Believe in yourself at magagawa mo ang kahit anong bagay!"

Tumakbo na siya palayo saakin at natulala ako. Nabalik ako sa reyalidad nung muntik na may sumaksak saakin sa likod at buti na iwasan ko. Sinaksak ko siya sa likod. Nakatatak sa utak ko yung sinabi ni Kevin na kailangan ko maniwala sa sarili ko. May sinasabi silang 'Try Until You Die' at mukhang kailangan ko sundin yung sinasabi nilang.

Nagsummon ako ng sunod-sunod na Dark Balls at bahagyang nakaramdam ako ng panghihina ng katawan ko pero kailangan ko parin lumaban. Tumalon ako sa ere at nagsummon ako ng sunod-sunod na Dark Balls uli at nakaramdam ako ng sakit sa puso ko. Nakita ko si James na papunta saakin at binuhat ako. Nagsummon siya ng electric balls papunta sa kaliwa at kitang kita ko kung gaano siya kalakas at kung tutuusin ay mas malakas talaga siya saakin.

"Okay ka lang?" nagaalalang tanong niya.

"Oo, bitawan mo ako"

"May masakit ba sayo?" hindi pa rin niya ako binibitawan.

"Wala" pagsisinungaling ko at binaba niya ako.

May susugod saamin sa harap at nagsummon ako ng Dark Ball at nabigla ako nung nagsummon rin si James ng kanyang Power at biglang sumabog.

"Ito ba yung ibig sabihin ni Kevin? Shit" mahinang sabi niya.

"Anong ibig mo sabihin?"

"Cyril does not know how to control his power at ngayon na hawak niya yung Dark Element at hindi pa siya marunong kumontrol ay mukhang sasabog yung buong Kingdom"

"May paraan pa ba?" tanong ko at napatitig siya saakin.

"Ano..." tumungo siya at nabigla ako nung niyakap niya ako "Mahal na mahal kita..." bulong niya at mas nagulat ako.

"Y-Yun ang paraan?" nauutal na tanong ko at lumunok ako ng mga ilang beses.

"No...you need to defeat Cyril"

"Nanghihina ako James...paano ko matatalo si Cyril?"

"Maniwala ka sa sarili mo" nakangiting sabi niya "The real power is inside us"

Bahagyang napangiti ako sa kanya at yumakap ako. Nabigla rin siya sa ginawa ko at nagulat ako sa susunod niyang ginawa.

Hinalikan niya ako...

"Good luck" nakangiting sabi niya at namula ako ng sobra dahil siya ang unang humalik na lalaki saakin "I love you"

Umalis na siya at napangiti ako sa hindi ko malaman na dahilan. Dahil dun ay nagsummon ako ng sunod-sunod na Dark Balls at napatumba ko yung mahigit sampung mga tao. Nabigla lang ako nung makita ko si Cyril na nakatayo sa kanyang kabayo at diretsong nakatingin saakin. Hindi ko maiwasan mapangisi dahil nakita ko yung takot sa mga mga niya nung pinapanood ako.

"Kahit anong gawin mo Cyril" nilakasan ko yung boses ko "Hinding hindi mo ako matatalo"

"Siguraduhin mo lang"

Kaunti nalang yung mga buhay at tumakbo agad ako para sundan si Cyril kung saan man siya pupunta. May humabol saakin na mga tauhan niya at nagsummon ako ng shield na gawa sa power ko para hindi nila ako mahabol. Napansin ko na humahabol din si Dad pati si James sa likod ko at mas bumilis pa yung takbo ko. Nakarating ako dun sa bayan ng Mage Kingdom at siguradong nagtatago dito si Cyril.

Nagsummon ako ng sunod-sunod na malalaking Dark Balls baka sakaling magpakita si Cyril pero wala. Nagsummon uli ako at biglang may nagsummon ng mga Dark Balls rin papunta saakin. Iniwasan ko lahat at nakita ko si Cyril na tumatakbo papunta sa may malaking bahay. Pumasok siya at pumasok rin ako. Nakita ko na siya ng diretso at nakangisi saakin. Tiningnan ko yung mga mga niya at biglang may tumulo na luha sa kanyang mga mata.

"Hinintay ko yung oras na 'to at hindi ko aakalain na dumating na"

***

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon