Chapter 47 : The War 2

1.1K 36 0
                                    

Christine's POV

The war is beginning. Hindi ko hahayaan wala na akong magawa at ayaw ko rin masamang ang lahat ng mga pinaghirapan ng mga taong tumulong saamin. I grabbed the necklace that my Mom used when she was young at sabi niya ay nakakapagbigay daw ang kwintas na ito ng lakas.

Wala na akong kasama sa kwarto kaya lumabas na ako. There is no people at the hallway. The silence occupied the whole hallway kaya kailangan ko mag-ingat dahil baka biglang may sumulpot sa harapan ko at mapahamak pa ako.

Nakita ko yung ngiti ni Dad nung tumingin ako dun sa bintana. Nasasaktan ako tuwing makita ko siya ganyan. Nung nakita ko yung mga mata niya nung tumingin siya dun sa nakita namin na katawan ni Tito Jack ay sobrang nasaktan ako dahil ngayon ko lang nakita si Dad na gano'n.

Kailangan ko ngayon makahanap ng tao at sana hindi kalaban. Naglalakad ako at minsan pag may naririnig akong naglalakad ay nagtatago agad ako sa kung saan ako pwede makatago. Hindi ko napansin na nasa entrance na pala ako ng bahay at nagtataka naman ako dahil kanina ay may tao dito pero ngayon walang katao-tao.

Danielle's POV

Yung kwintas na binigay sa kanya ni Katrina ay pwede yun mag silbing komunikasyon saaming dalawa. I am the only one that could see her at buti naman ay ligtas siya. Yung totoong location ng war ay sa bandang palasyo at nagsilipat na yung mga tao sa Landia Kingdom dahil medyo malawak naman lugar nila don. Ang pinaka ayaw ko mangyari ay may madamay na tao na hindi naman kasali sa gulo.

Hindi ko pa nakikita si Cyril at pinapatay ko lahat ng mga humaharang sa daan ko. Biglang may nag summon ng fire balls papunta saakin at iniwasan ko agad. Nagsummon akong dark balls at bigla akong tumalon papunta sa ulo ng isang lalaki at nagsummon akong espada gamit ang power ko at sinaksak ko sa ulo ng isa pang lalaki. Pagkatapos ay tumalon na naman ako ng mataas papunta sa isa at sinaksak sa may dibdib.

Nabigla ako nung makita ko yung hindi ko inaasahan na tao na akala ko ay patay na. Nagsummon siya ng isang malaking fire ball at napatay niya agad yung limang lalaki. Lumingon siya saakin at ngumiti. Gusto ko siyang yakapin ngayon pero mukhang wala nang oras para sa mga ganyan na bagay. Sinubukan ko lumapit sa kanya pero maraming nakaharang. Nagsummon akong mga shards at umatake ako. Tumama ang halos lahat ng mga shards na nasummon ko sa may likod ng lalaki.

Kevin's POV

Gusto ko tulungan yung Kingdom pero si Christine ay baka mapahamak. Nakita ko yung isang libro na sinasabi dito na pag gumamit ng masyadong energy yung may hawak isang Element ay pwede mapahamak ang totoong may ari ng Element at hindi ko yun hahayaan mangyari. Ngayon ay magkasama kami ni Xavier siyempre at habang sila ay nakikipaglaban ay nandito kami para mabawi yung Element.

Sinubukan ko pumasok sa loob ng Dark Kingdom pero yung gate na papasok ay nakakandena pero walang tao sa loob at hindi ko naman alam kung saan kami makakapasok. Kumuha ako ng isang stick ng puno at sinubukan ko bukas an yung gate.

"Are you crazy?" tanong ni Xavier "Iniisip mo ba na mabubuksan mo yung gate gamit ang stick na yan?"

"Oo..." mahinang sabi ko at kinuha niya.

"Totoong susi ang kailangan hindi 'to" inis na sabi niya.

"Paano tayo makakapasok?"

"Humanap ng lubid siyempre at umakyat tayo sa mataas na gate na yan" sarkastikong sabi niya.

"Walang lubid na makikita ka dito"

"Baka naman may makita tayo dito"

Linibot namin yung Kingdom at nakalimutan ko na baka nga meron dito dahil nakapagready na naman ng mga gamit yung Kingdom na 'to at sana rin pala nagdala nalang kami ng lubid tsk. Nakakita kaming kabayo at biglang lumiwanag yung paligid ko dahil may nakita akong lubid at nakatali yun sa kabayo.

Tinanggal ko yung lubid at nabigla nalang ako nung bigla akong sinipa ng kabayo at napaupo ako sa sahig. Hinawakan ko yung ulo ko at buti walang bukol man lang. Tumakbo agad kami ni Xavier at hinagis ko yung lubid sa dulo ng pader at nakaakyat na kami.

James's POV

Nagsummon ako ng isang malaking electric ball at ngayon ay nangingisay na yung limang lalaki at hindi ko maiwasan tumawa. Umatake uli ako at sunod-sunod ako nagsummon ng sampung mga electric balls sa iba't ibang mga direksyon at buti nagtagumpay naman ako.

Naalala ko yung pakikitungo ni Xavier at Kevin saakin kanina.

FLASHBACK

"Oh? Xavier saan kayo pupunta?" tanong ko dahil mukhang nagmamadali sila.

"Ah may pupuntahan lang kami at babalik din kami agad" nagkatinginan pa sila.

"Sige basta bumalik kayo agad"

Nagtataka ako dahil nagkatinginan uli sila at palihim silang tumingin saakin at biglang umiwas. Sinundan ko sila sa May pintuan at mukhang may plano sila o balak na gawin.

END OF FLASHBACK

Nagsummon akong limang mga electric arrows at biglang may nagsummon uli ng mga iba't ibang arrow saakin at hindi ko naiwasan yung isa kaya natamaan ako sa may balikat at natumba ako dahil sa sakit.

***

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon