Chapter 11 : The Training Battle

3.3K 87 3
                                    

"Sino ka?" tiningnan ko ang kapaligiran.

Nakatali ako sa upuan at pati ang mga kamay ko. Tiningnan ko yung kwarto kung nasaan ako kulay itim ang mga dingding at may mga iba't ibang painting ng mga tao at kasama na dun ang mukha ni King Stephen at ang mukha ni Queen Elaine Landia.

"Est-il l'homme dont je parle?" may sumulpot na lalaki na naka itim at may nagsasalita sa may pintuan na isa pang lalaki.

Translation : Is he the man I'm talking about?

"Oui c'est lui" nakangising sagot ng lalaki.

Translation : Yes it's him

Pumasok sa kwarto yung isang lalaki na nagsalita sa may pintuan at siya yung nakita ko na nakahat sa bahay ni Christine.

"Bonjour,"

French? "Who are you?" kalmadong tanong ko.

"Mr. Unknown," pormal na tugon nito

"Nice to meet you," nakangising sabi ko at tinitigan niya ako.

"We are waiting for this day to come and finally the day has come,"nakangiting sabi nito at tinanggal ang mga tali sa upuan at sa kamay ko.

May kinuha siya sa kabilang kwarto at may nagbabantay sa may pintuan at nakatingin lang sila saakin at walang ginagawang masama.

"Wear it and we will go somewhere."naging seryoso yung mukha niya habang pumunta naman ako sa may kwarto para mag bihis. Binigyan niya ako ng black suit at itim na hat katulad sa suot niya at wala akong magawa kundi suotin ito.

Init naman!

Lumabas na ako ng kwarto may dalawang lalaki na naghihintay na saakin at pinasunod nila ako sa labas at sumunod naman ako nakita ko uli si Mr.Unknown na may dalang itim na kotse na sasakyan namin papunta sa lugar na tinutukoy niya.

Sumakay na yung isang lalaki at ako naman at susunod naman yung isa pang lalaki at nasa gitna ako nila at si Mr. Unknown ang nagmaneho ng kotse.

Mga ilang oras ay nakarating narin kami sa tinutukoy na lugar nila gabi na nung makapunta kami sa lugar na iyon. Madilim at makipot ang daan papasok kaya naglakad nalang kami papunta sa pintuan. Naghihintay na yung lalaki na pinaguusapan nung dalawa. Pangalan daw niya ay si Chief Matthew naririnig ko na siya yung pinuno nila o yung namumuno sa kanila. Masungit at makapangyarihan daw siya at boses palang niya nakakatakot na.

Pumasok kami sa bahay at ang lawak ng bahay at may maraming mga kwarto naglakad kami sa hallway at may malaking chandelier sa gitna at may isang pahaba na table at may mga upuan.

Nakaupo yung isang lalaki sa dulo at umupo si Mr. Unknown sa kabilang dulo at may iba pang tao na nakaupo dun lahat rin sila naka itim at may isang babae lang na hindi naka itim at malapit siya sa lalaki na nasa dulo.

Nakuha ko ang lahat ng atensyon nila at umupo ako malapit kay Mr.Unknown. Maraming pagkain ang nasa lamesa at hindi sila kumakain halos nakatitig lang sila saakin.

"Bonjour.."sabi saakin ng lalaki na nakaupo sa dulo.

"Bonjour?" gaya ko sa sinabi niya.

"Let me introduce myself.."pormal na tugon niya "My name is Chief Matthew"

Bakit ba nila ako pinapunta dito?

Hindi ko siya sinagot at ngumiti lang siya. He drank his coffee.

"Let's make a deal." all of them looked at me. "Sumama ka saamin at magiging ligtas yung kasama mong babae o hindi ka sasama saamin manganganib ang buhay ng kasama mong babae."

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon