Chapter 15 : Unknown Goverment

1.8K 56 1
                                    

Naimulat ko na yung mga mata ko at naramdaman ko na may katabi na ako. Nilingon ko at nakita ko si Carlos na tulog pa rin hanggang ngayon.

Pinabayaan ko siya na matulog muna dahil alam ko na ngayon uli siya nakatulog ng mahimbing. Pumunta na ako sa banyo at naligo at nagbihis na rin ako ng bagong dami at nagtoothbrush na rin ako.

Bumaba ako sa kwarto at nakita ko si Tito Jack na kumakain na rin ng almusal at ngumiti saakin.

"Okay na ba pakiramdam mo? Congratulations"

"Thank you po at okay na yung pakiramdam ko"

"Mabuti naman...papasok ka ba ngayon?" tumango ako at tumaas naman kilay niya "Pwede ka daw muna magpahinga sabi ni Mr. Kyle excused ka daw kung hindi ka naman papasok"

"Papasok po ako ngayon at malapit na rin po kasi yung test namin sa mga powers namin si Coach Jake ay tutok na saamin sobra" sabi ko at ngumiti naman siya.

"Okay kung yan gusto mo" sabi niya.

Ngumiti naman ako at tumayo at niyakap siya at nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Ang swerte ko...dahil kahit wala naman sila Daddy at Mommy dito...nandito ka naman para saakin" sabi ko at parang namula siya at hindi ako sinagot "Pasok na po ako"

Ginamit ko yung board na binigay nila saakin dahil sabi ni Enrique kay Principal Kyle daw yun per sabi ni Principal Kyle saakin na lang daw.

Nagprapractice ako gumamit neto minsan natutumba ako at pag pataas na ako bigla namang tumitigil lagi at nahuhulog ako sa puno at minsan yung board ko ay nagpapanic at para na siyang kaibigan ko dahil lagi ko siyang kasama. Pinangalan ko siyang si Birdy.

Nakapunta na ako sa School at tinago ko si Birdy sa may puno at pumasok na ako at pumunta ako sa looked ko. Kumuha ako ng libro ko at mga notebook ko.

Pumasok ako sa classroom at wala akong nakikitang tao. Sinubukan kong lumingon sa may likod at...

"CONGRATULATIONS!" sigaw nila at nanatili akong gulat.

Nakita ko si Sir Paulo na ang laki ng ngiti ng mukha niya at niyakap niya ako. Ang ingay naman ng paligid at lahat sila nakangiti.

"Galing mo talaga kahit kailan!" sabi ng isang bakla ko na kaklase.

"Hehe"

"Sana maging katulad kita!"

"Buti nga yung buhay mo tahimik eh ako ang gulo gulo" malungkot ko na sabi at hindi naman siya nakapagsalita.

"Christine dito ka na!" pinaupo ako ni Janine sa upuan at may cake at may mga iba't ibang kulay ng tubig.

"Grabe effort bes!" sabi ko at tumawa siya.

"Sumikat kasi yung classroom nung nabalitaan na nagtagumpay ka! Kaya yan may small celebration kaming hinanda"

Kumuha ako ng slice ng cake at kumuha ako ng normal na tubig...

'Yung transparent'

"Anong meron sa ibang tubig?" tanong ko.

"May kulay lang yan pero ganun pa rin yung lasa" sabi ni Jasmine at kumuha ng kulay purple na tubig.

Nacurious naman ako kaya ininom ko yung tubig ko at kumuha ako ng kulay pink na tubig at...

'GULP'

Ganun pa rin yung lasa...at tiningnan ako ni Jasmine at ngumiti siya.

"Sabi ko sayo eh" sabi niya at bumukas yung pintuan...

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon