Chapter 50 : LAST CHAPTER

2.4K 36 0
                                    

Christine's POV

Naramdaman ko yung sakit ng puso ko. Tiningnan ko si Cyril at nakangisi saakin. Nagsummon ako ng limang malalaking Dark Balls papunta sa kanya at iniwasan niya lahat.

"Accept your defeat" nakangising sabi niya "Christine Elizabeth" pagdidiin niya.

Nagsummon ako ng Dark Balls uli papunta sa kanya at iniwasan niya. Lumapit ako sa kanya at nagsummon ako ng mga shards papunta sa kanya. Natamaan ko siya sa may balikat at nagsummon siya ng Dark Balls. Nagsummon rin ako at nilakasan ko ng impact yung pag summon ko at sumabog ng sobrang lakas.




Nagkaroon ng usok kaya hindi ko masyadong makita yung harap ko. Nagsummon ako uli at nakarinig ako ng sigaw sa likod ko at mukhang nasa likod si Cyril. Lumingon ako sa likod ko pero nagsummon na siya at natamaan yung balikat ko pati yung kamay ko. Natumba ako at nakita ko siya nakatayo sa aking harapan.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit ng katawan. Ginamit ko ang lahat ng lakas ko para tumayo at nagawa ko naman. Nagsummon ako ng bow gamit ang power ko at pati arrows. Kakaiba yung arrow na nasummon ko dahil gawa ito sa shadow at dun ako nagtaka.

Natamaan ko si Cyril ng dalawang beses at hindi rin ako makapaniwala dahil nakakatayo pa rin siya. Matibay siya at napapangiti ako. Yung inosenteng Cyril ay naging palaban na Cyril. Tumawa ako sa mga naiisip ko tungkol sa kanya.

Aatake sana siya pero inunahan ko na siya. Umatake ako ng umatake hanggang sa hingalin siya kakaiwas. Naging mahirap yung buhay ko sa mundong ito pero hindi ko maiwasan ngumiti dahil dito ako nagkaroon ng maraming kakilala at mga alaala na hindi ko makakalimutan.

Tumakbo uli siya at nagsimula na akong makaramdam ng sobrang pagod. Sinikap ko pa rin tumayo at sundan siya at pumunta siya sa pinakamataas na cliff. Hindi ko alam kung bakit niya inisip na dito kami maglaban dahil sa isang tulak ko sa kanya ay mahuhulog siya sa bangin.

"I picked a perfect spot right?" nakangising tanong niya.

"Haha..." mahinang tawa ko "Do you even want to defeat me? Or gusto mo nalang makipaglaro ng taya-tayaan?" sarkastikong tanong ko at yung ngisi niya napalitan ng inis.

"Ano ba ang pinunta natin dito?"

"Paumanhin Kamahalan" sarkastikong sabi ko "Akala ko kasi gusto mo maglaro nalang tayo dito dahil puro takbo ang nasa isip mo"

Nagsummon siya ng espada at kakaibang espada ang meron siya. May aura ng itim ang pumapalibot dito at aatake na sana siya pero agad kong naisipan na magsummon rin nang espada. Nabigla ako dahil yung espada ko ay may aura din na itim pero may dark purple itong kasama.

"Ito pala ang gusto mong laro Cyril" nakangising sabi ko "Take the lead"

Inis siyang umatake at dinepensahan ko. Mukhang hindi siya marunong gumamit ng espada dahil mali yung pagkahawak niya nito dahil pwede ko nang saksakin agad siya sa mismong gitna ng katawan niya. Tumalon siya saakin para mapunta siya sa likod ko. Umalis agad ako sa puwesto ko at tinutok ko sa kanya yung espada.

James's POV

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Nung tinutok ni Christine yung espada kay Cyril ay biglang naglabas nang parang sunod-sunod na aura at naging konektado yung aura ng espada ni Cyril at Christine at mukhang ito yung epekto ng Element sa kanilang dalawa. Ito yung ibig ko sabihin kay Christine dahil kailangan niya magtiwala sa kanyang sarili para maging mas malakas yung aura na meron siya dahil kung nakuha ng aura ni Cyril yung aura niya ay pwede niyang ikamatay.

Palaban yung aura nilang dalawa at nakukuha ni Cyril yung aura ni Christine at nakaramdam ako ng kaba. Mga ilang segundo ay lumaban uli si Christine at kinukuha uli yung aura na nakuha ni Cyril. Kitang kita ko sa mukha ni Christine yung pagod pero kailangan niya makaya 'to dahil sa buhay ng maraming tao.

'Konting tiis nalang Christine...'

Pero rumarami na yung aura na nakukuha ni Cyril kay Christine. Kailangan mo lumaban Christine!

"I want to tell you that..." pagputol ni Cyril sa sasabihin niya "——every person has an end"

Nung pagka sabi niya nun ay biglang lumalaban si Christine at mukhang nainis siya sa sinabi ni Cyril. Pinutol ni Christine yung aura at tinutok lahat ng aura sa puso ni Cyril. Lumaki yung mata ni Cyril nung biglang lumabas na yung aura ng espada ni Christine. Hindi agad nakakilos si Cyril at natumba siya sa lupa at maya-maya.

'BOOM'

Isang malakas na sabog ang narinig namin at nagtago agad ako sa likod ng puno. Mga ilang segundo ay hinanap ko si Christine at nakita ko na parehas silang nakahiga sa lupa ni Cyril at hindi gumagalaw. Pumunta agad ako kay Christine at nawalan siya ng malay. Dahan-dahan akong lumalapit kay Cyril para tingnan kung may malay siya. Nakita kong gumalaw yung daliri ni Cyril pero nawalan na ring malay.

Binuhat ko si Christine at papunta ako sa bahay niya. Habang tumatakbo ako ay nakita kong tapos na ang lahat at panalo yung Mage, Landia at Sapphire Kingdom. Napangiti ako at tiningnan si Christine.

'I love you'

*THE END*

***
This is the last chapter of this story.
Sana nagustuhan niyo at salamat sa mga bumasa ng unang storya na ginawa ko 🤩

Sana nagustuhan niyo at salamat sa mga bumasa ng unang storya na ginawa ko 🤩

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon