Chapter 17 : Dark Kingdom

2.1K 61 4
                                    

Gumising na ako at nakaramdam ako ng matinding sakit sa may bandang likuran ko at tumayo nalang ako. Ang aga ko ngayon nagising at hinanda ko na yung bag ko.

Naligo ako at nagtoothbrush. Bumaba ako at nakita ko na wala si Tito Jack pati si Carlos sa baba pero may nakita akong papel na nakadikit.

Good Morning! Pag gising ka na may nakahanda na diyan na pagkain at pumunta lang kami ni Carlos sa may kakilala niya. Eat Well :)

From : Tito Jack

'Umalis na naman sila.'

Kumain na ako at yung ulam ko ngayon ay hotdog pati pritong itlog. Pagkatapos ko kumain umalis na ako at pumunta na ako sa School.

Binabati ako ng mga nasa paligid ko at ngumingiti ako bilang sagot ko sa kanila. Pumunta na ako sa classroom at nakita ko si Professor Paulo na papunta saakin.

"Good morning Miss Elizabeth" bati niya "All the representatives are in the training room"

"May klase po ba?"

"All the representatives are excused in all classes...pero may training pa rin kayo"

"Okay salamat po"

Pumunta na ako sa training room at nakita ko na si James,Enrique pati si John na naguusap dun sa may upuan at tumingin sila saakin.

"Good Morning" bati nila.

"Saan na si ano...sino nga ba yon?"

"Wala pa si Jewel" sabi ni Enrique.

Pumasok na si Coach Jake at kasama si Jewel. Seryosong seryoso ngayon ang mukha ni Coach Jake at alam kong napansin rin yun nila.

"Good Morning" bati namin.

"Let's start" tumayo kaming lahat "Alam na ba ninyo kung ano ang laban na to?" tumango sila pero ako nakatingin lang sa kaniya "This game is about eliminating members of that group and to eliminate the group you should kill" tumango kami.

"Teamwork is needed by this game and also trust dahil pag nagkahiwalay hiwalay na kayo kailangan ninyo ng tiwala sa inyong sarili pati na rin sa inyong mga kakampi" tumango uli kami.

"Malawak yung lugar at mahihirapan kayo hanapin ang bawat isa" biglang nakaramdam ako ng kaba "There is two options and it is either that you fight for you life or you surrender your life to them" tinuloy niya "There is a big chance that everyone would die but I know all of you dont want that to happen" tumango kami.

"Alam ko na kaya niyo ito at bilang Coach niyo ayaw kong may mawala sa inyo at alam ko naman palaban kayong lahat" ngumiti siya "You should eliminate all the representatives of each Kingdom and that is how you win the game" seryoso niyang sabi.

"Bago matapos yung laro pumunta kayo sa may umiilaw na parte ng lugar dahil yun na yung exit sa laro na ito at kailangan rin ninyo pumunta dun bago maubos yung oras dahil pag naubos yung oras sasabog na ang lahat at madadamay kayong lahat kaya kailangan ninyo bilisan at makikita niyo kung sino na yung mga natanggal na sa laro dahil may makikita kayo sa pinaka taas na lugar na mga mukha niyong lahat at yun nalang ang mag sisilbing guide niyo kung sino pa ang mga nabubuhay sa inyo" tumango kami.

The Fallen Kingdom: Kingdom Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon