Chasing MRB- One

914 30 0
                                    

Napabangon ako ng marinig ko ng marinig ang malakas na katok sa pintuan ng aking kwarto. Halos nakapikit akong nagtungo sa pinto binuksan iyon.

Ang aga aga pa gusto ko pang matulog. Sigaw ng aking isipan. Napakamot ako ng ulo ng makita ko kung sino ang kumatok. Tinalikuran ko siya bumalik sa kama at sumalampak ulit sa pagkakahiga.

"C'mon Clea! Get up enrollment ngayon!" singhal niya. Ibinaon ko ang aking mukha sa malambot na unan at umiling iling.

"nakakatamad Mel" bulong kong tugon. Nakakatamad naman kasi mag enroll. Enrollment for second semester. She's Melody Oliveros my so called sister dahil sa matalik kaming magkaibigan.

Naramdaman kong may umupo sa dulo ng aking kama. "Ayaw mo bang makita si David Vaughn Villiarde or known to be your Mr. Romantic Ballader?"

Napabangon ako ng wala oras at tumayo. Bakit ba nawala sa isip ko yun. Same department kami. Sinulyapan ko si Mel na nakahega sa aking kama and she's grinning like a devil. Pshh.

"Bilisan mo baka mahuli ka sa mga subjects sayang bes kung wala kayong same subjects diba?" she laugh loudly. She's crazy.

I rolled my eyes and went straight to take shower. Okay fifteen minutes will do. Para akong baliw dito nagsasayaw habang naliligo. Kaso nakakabadtrip naman kasi si Mel eh! Ang sarap na sana ng tulog ko tapos napaniginipan ko siya. Kyaaaaah! Gustong gusto ko talaga siya noon pa kaso nga lang dedma pero okay lang magpapansin ako ng husto sa kanya.

Napangiti ako habang iniisip ang mukha niya. Isang taon na rin ang humahabol habol sa kanya pero he keeps on rejecting me like a stranger. Well maybe I'm a stranger para sa kanya but I was still thinking, did he know my name? Grabe naman kung hindi man lang niya alam pangalan ko. Nakakasakit ng damdamin yun. But still I'll try my very best to get his attention. Paki nila eh gusto ko siya.

"Clea ano ba! Ang tagal mo jan tumatae kapa ba grabe ka baka close na iba subjects clea maawa ka sa katawang lupa ko!" sigaw ni Mel.

"Bwisit anong tumatae? Ito na nga eh hintay hintay din pag may time!" sigaw ko. Bwisit. Sorry naman nagmuni-muni pa ako dito.

I wrapped myself with my towel and went out. Nagtungo agad ako sa closet at kumuha ng damit na susuotin. Napapaisip pa ako kung anong susuotin ko kasi gusto ko mapansin niya ako. I don't want to look girly you know I want it to be simple. So I took a maroon shirt and faded jeans. Bahala na basta ito gusto kong sootin.

Matapos ang ilang minuto,  natapos rin ako. Nag half turn ako sa salamin at nagsuklay ng buhok. Sinoot ko ang eye glasses to avoid any radiation and dust. Nakakasira kasi ng nata yun just protecting my precious eyes.

"Hays. Ang tagal mong natapos, kakain kapa Cles bilis bilisan din konti ha mauna na akong bababa doon"  usal niya. Sinulyapan ko siya pero likod lang ang nakita ko dahil lumabas na siya ng tuluyan sa kwarto ko.

I put lipgloss on my lips and put some powder on my face. Simplicity is beauty yan ang sabi nila. Isinukbit ko ang bag ko sa magkabilaang balikat at nilisan ang aking silid.

Bumababa ako at nakita ko si Mel na nakaupo sa sopa. Tinaasan niya ako ng kilay at nakaturo ang hintuturo sa orasan.

"Oo na!" pagmamaktol ko.

Matapos ang limang minuto natapos akong kumain bago kami umalis nag toothbrush ako at nagpabango. Nakakahiya kayang maamoy niya hininga ko. Major turn off yun no.

Sumakay kami sa sasakyan ni Mel. Anyways, Mel's parents gave her an assurance to drive. She already took a driver's licence and I wasn't able to ask permision to my dad. I have no guts. He was so strict.

Nakarating kami sa school ng matiwasay at buong buo.  Natural kasing safe kami, kasi si Mel hindi mabilis magpatakbo. For safety purposes din. Nag park siya at nakita naming maraming nagmamada
ling pumasok sa school para mag enroll.

At kami din nagmamadaling makapasok. I swipe my ID and ran towards accounting office with Mel. At bumungad sa amin ang maraming studyante. Ano paba aasahan namin.

"Oy! Clea kumuha kami ng number para sayo at kay Mel!" napangiti ako ng inabot ni Althea ang numbers para sa amin.

"Thank you thea" sabay naming sabi sa kanya.

"no problem girls buti nalang maaga kami ay nga pala si David nandito kanina" nag smirk siya sa akin.

Lumapit agad ako sa kanya at niyugyog siya. "Talaga?  Nasaan na siya?" atat kong tanong. Feeling ko tuloy nag pormang puso ang mata ko.

"secret pero magkasunod kayo ng number" tumawa si Thea at ako naman napatili dahil sa saya.

"Omg! Omg! Salamat talaga Thea!"

Tumatalon talon ako sa tuwa. Wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin nila basta masaya ako. Enrollment palang swerte na ako! Grabe! Hinalikan ko ang number na hawak ko at niyakap iyon. Baliw na kong baliw. Hahaha.

--------
Your Vote is highly appreciated. If you like this chapter then click VOTE if not then its not a problem. Magpapasalamat pa rin ako dahil binigyan niyo ng oras sa pagbabasa ng story ko. I'm not that good so don't expect too much on this story .*Boosting myself here*

Sorry for some misspelled words and grammatical errors.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now