Chasing MRB-Eight

403 8 0
                                    

Di maalis ang ngiti ko habang papasok sa gate ng school. Dala ko ang t-shirt na may pirma ni Ed Sheeran. Nalaman ko rin yun kay Tita Celeste na Tita ni David. Sabi niya si Ed daw yung hinahangaan niya sa lahat. Pero hindi ko naman naririnig na kumanta siya sa school ng mga kanta ni Ed. Pero okay lang yun sana makita ko siya dito.

Pinagtitinginan ako ng ibang studyante ngayon. Alam ko naman kung bakit. Dahil kay David. Desperada daw kasi akong mapansin ni David at makapal daw mukha ko dahil hindi daw ako tumutigil. Sinabihan na din akong baliw pero hindi ko nalang pinansin. Sanay naman na ako.

Napangiti ako ng makita ko ang bulto ng katawan ni David na naglalakad papunta atang room. Kapag siniswerte ka nga naman Clea!.

Tumakbo ako papunta sa kanya. May iba pang bumati sa kanya at nagpacute. Kadiri pa cute talaga? Hindi naman cute. Ako lang cute no!. bulong ng isipan ko. Oo ako lang kaya.

Humarang ako sa harapan ni David at ngumisi. "Magandang buhay David!" masiglang masigla ko siyang binati. Habang ang mga kamay ko hawak ang T-shirt na nasa likuran ko.

Kumunot ang noo niya at naglakad ulit. "Hep hep hep!" tinapat ko ang kanang kamay ko sa bandang dibdib niya.

"Wait lang naman hear me out kahit ngayong araw lang please" I pleaded. Huminga siya ng malalim at matiim akong tiningnan.

"Tadaaaa!" Pinakita ko sa kanya ang T-shirt na may pirma ni Ed. Pero hindi nagbabago ang reaksyon ng mukha niya. Nakatingin lang ito sa t-shirt na hawak ko.

"Alam kong si fan ka ni E.S kaya ito may pirma niya.." pinakita ko sa kanya ang pirma na nasa bandang ibaba ng shirt.

"Para sayo talaga yan! Sige na tanggapin mo na please" I pleaded again. Alam kong may mga mapanuring matang nakatingin sa amin dahil nasa gitna kami ng hallway.

"David para sayo talaga yan kaya tanggapin mo na" itinapat ko ito sa may bandanf leeg niya.

Bigla nalang siyang umiwas sa akin at naglakad palayo. Dahan dahan kong ibinibaba ang aking kamay at lumingon sa kanya. Papaliko na siya papuntang second floor.

Napabuntong hininga nalang ako. Gusto kong umiyak eh pero wala namang luhang lalabas sa mga mata ko. Ewan ko pero ngayon lang ata ako tinablan ng hiya dahil sa ginagawa ko.

"Ano ba yan ang desperada talaga"

"Hahaha kawawa siya yan kasi ang OA naman kasi kulang nalang gayumahin niya si David"

"Bagay lang yan sa kanya Rejected! Poor Clea"

Nilagay ko ang shirt sa bag ko at tumakbo papunta sa hagdanan. Hiyang hiya talaga ako. Pagkadating ko sa room nakita ko si David na kausap ang ibang kabarkada niya. Nakatingin silang lahat sa akin pero umiwas ako.  Nakita ko si Althea na nakatitig din sa akin. Ngumiti ako sa kanya at nilagpasan si David.

"Good morning Althea pwedi bang dito muna ako uupo?" tanong ko sa kanya.

"pero katabi ko si Jasmin Clea tanungin mo si Jasmin pag-ay nandito na pala siya oh" tinuro niya si Jasmine na kakarating lang.

Todo ngiti ito sa kanila at huminto sa gilid niya. "Clea bakit dito ka ata nakaupo?" tanong niya na nakakunot ang noo.

"Ahm pwedi palit muna tayo?"

Tumingin siya sa unahan namin at alam kong si David ang tinitingnan niya. Si Jasmine boyish din yan at ayaw na ayaw niya kay David kasi feeling daw kasi.

"Hindi pwedi doon ka nakaupo at ayaw ko siyang katabi" halos pabulong niyang tugon.

"Okay" I defeated. I think I have no choice but to sit on the back. Ayuko siyang makatabi sa ngayon dahil nakakawala siya ng gana.

"Clea Good Morning!" Bati ni Axel na todo ngiti sa kanya.

"Hello Axel" ngumiti ako at umupo sa tabi niya.

"Oh bakit ata dito ka uupo may tampuhan ba kayo ni David" bulong niya at sinundot niya ang tagiliran ko.

"Tigilan mo nga ako Axel masasapak talaga kita wala pa naman ako sa mood" nakasimangot akong sumalampak sa arm chair.

"ahh ganon ako yung pagbubuntungan mo?" lumipat siya ng upuan at sumalampak sa arm chair halos magkakatapat na ang mukha namin.

"Absent ba yung katabi mo?"

"ewan ko hindi pa kasi dumarating" sagot niya.

"Sana hindi na siya dumating" bulong ko.

"grabe ang sama mo Clea ah wag ganyan dapat hilingin mong darating siya kasi crush ko pa naman yun kaso crush niya si david" nalungkot ang mukha ni Axel at napabuntong hininga.

Napapaisip ako. Kung siya ang papaupuin ko sa tabi ni David mas lalo akong masasaktan kaya ako nalang. Tumayo ako bumulong kay Axel.

"Doon nalang ako sa uupuan ko para kung darating siya may moment kayo" ngumiti ako sa kanya pero bigla nalang siyang tumawa kaya ayan tuloy napalingon silang lahat sa amin.

"That's why I like you!"

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Pinandilatan ko siya pero tumawa lang ito sa kanya. Napailing nalang ako dahil alam ko namang gusto niya ako bilang kaibigan at si Fiona talaga ang gusto niya.

Nagtungo ako sa totoo kong upuan at bigla nalang tumayo si David para makadaan ako. Halos di ako makahinga habang nakaupo sa tabi niya. Relax lang Clea hindi niya tinanggap ang T-shirt kanina remember?. Tsk.

Pero hindi parin ako mawawalan ng pag-asa.

Chasing Mr. Romantic BalladerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant