Chasing MRB-Fifteen

432 10 3
                                    

I was thinking last night about my feelings towards him. I wasn't sure if this is love or infatuation. But Mel told me that I am crazily inlove with him. Maybe she was right and I'll stick to it. I am inlove. I admit it maybe I'm inlove with him. Hindi naman ata ako ganito ka affected if hindi ko talaga siya mahal.

But the problem is..

David doesn't love me back and maybe he doesn't like me at all. Pero I want him. I want him to be with me alone. Pero paano naman yun kung...hays.. Wag ko nalang isipin yun.

Kanina nga bumati ako sa kanya tapos ayun dinedma na naman ako ulit. Ano ba talagang problema niya sa akin. Parang kahapon lang ang bait bait niya tapos ngayon balik ulit sa dati?. Ano yun sinapian lang siya ng kabaitan!.

Gulong gulo na talaga ako. Inaamin kong gusto ko siya at gusto ko siya matagal na. Mukhang over decades na ata eh. Hays. Ganon ang feelings ko sa kanya. Pero siya? Hindi ko alam.

I wished we wouldn't remain in seenzone. Forever. Ayuko nun! Letche ayuko nun! Hindi ako papayag na ma seenzone lang ako ni David.

"Clea saan ang lamay?" biglang tanong ni Mel sabay hagod sa likod ko.

Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Bakit sasama ka?" tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa niya lang.

"I'm a good friend of clea or called to be her sister friend so don't you dare" sagot nito na abala sa pagkain ng chips.

"Anyways, Bes kumusta ang puso nagiging violet naba?" Pang-aasar niya.

"Anong akala mo sa puso ko? Puso ng saging?" I rolled my eyes to her. Sumimsim ako sa aking juice at isinubo ang burger.

"Because you have sever illness on your heart friend you keep hurting yourself because of him" Umirap ito at nilantakan ang french fries.

I sighed. "I'm still hoping" I almost whispered.

"Ewan ko sayo Clea I was just concern about you ayukong nagmukha kang tanga ng dahil lang sa kanya you should stop chasing Clea ano bang makukuha mo sa kanya ni hindi ka nga niya pinapansin! Wag ka ngang magpakatanga!" halos pasinghal niyang sabi sa akin.

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Mel. Hindi ako makapagsalita dahil sa mga sinabi niya. Tinamaan ako. Sagad sa buto ang tama sa bawat salita na pinakawalan niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumayo.

"Clea I'm sorry ayaw lang talaga kitang makitang gan----"

I cut her. "Don't talk to me Mel gusto kong mapag-isa"

Isinukbit ko ang aking bag at iniwan siya. Masyadong masakit ang mga sinabi niya sa akin. Ganon naba talaga ako sa mga mata niya?

Wag ka ngang magpakatanga!

Wag ka ngang magpakatanga!

Wag ka ngang magpakatanga!

Paulit ulit na rumerehestro sa isipan ko ang mga katagang iyan. May kirot akong nararamdaman. Masakit lang talaga siya. May naiisip na sana akong plano para pansinin ako ni David kaso parang nagdadalawang isip akong gawin.

Ganon naba talaga ako katanga?. Wala namang mali kung aasa ako sa kanya. Wala namang mawawala sa akin. Umasa lang naman akong pansinin niya. Pinansin niya ako kaso isang araw lang din yun. Ilang araw na akong hindi siya ginugulo pero bakit ganon. Sa tuwing nakikita ko siya parang nanabik ang puso kong lapitan siya.

Paano ko pipigilan na kung alam kong gusto ko siya. Gustong gusto ko siya. Ang malas ko naman! Ang malas malas ko! Bakit hindi niya ako magawang pansinin man lang.

Nagtungo ako sa library para umidlip ng tulog. Sa dulo kasi nito,  ay hindi halos kita ng mga nagbabantay kaya doon ako lageng nakapwesto kung walang tao. Mamaya pa class ko may tatlong oras pa ako para matulog. Babaliwalain ko nalang muna ang sinabi ni Mel. Naiintindihan ko naman siya. Alam ko namang malinis yung intensyon niya kanina pero kasi nasaktan ako sa sinabi niya.

I randomly take a book and sat down. Inihilig ko ang aking ulo sa mesa at binuklat ang libro para pantakip sa mukha ko.

Napabuntong hininga ako at ipinikit ang aking mata. "Its really hard to find someone who loves you back" I murmured. I knew that was the hardest thing. When you fell, you can't easily say that you can easily move one.

Moving on? I haven't started yet. Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Ang totoo kong nararamdman para sa kanya. Love is unpredictable. Hindi mo masasabi kung kailan mararamdaman. Hindi mo namamalayang,  nagustuhan mo na pala siya. Just like me. I fell but he wasn't there to catch me. But I'm still hoping. Umaasa na pansinin niya at magkagusto siya sa akin.

"ang unfair ng mundo" bulong ko sa aking sarili.

"Yeah right Unfair talaga ang mundo"

Napabalikwas ako ng may narinig akong boses sa aking tenga. Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay.

"What are you doing here Kendrick?" pagtataray na tanong ko.

Walang apog na umupo ito sa harapan ko habang malapad na nakangiti. Gwapo naman siya pero mas gwapo pa rin si David.

"So you won't stop?" panimula nito.

I rolled my eyes... "Ito na naman ba ang pag-uusapan natin? Gusto kong matulog Kendrick and suddenly you popped out na parang kabute!" lintaya ko.

He smiled. "I want you to stop Clea" parang nang-uutos sa akin.

Pinukol ko siya ng masamang tingin. "at sino ka para utusan akong tumigil?" tumaas ang kilay ko pero hindi siya nagpatinag.

"just a concern citizen Clea" pa cool na tugon nito. Inimuwestra ang kamay nito sa mesa at mataman siyang tiningnan.

"David doesn't want your style"

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. May kurot akong naramdaman sa aking dibdib. Pero I don't want to assume.

"What do you mean?" tanong ko na may pagtataka.

He smiled and stood up. "David doesn't want your style of pursuing him so you better stop" he said and walk staight outside.

I was left dumbfounded again. And feel my heart is aching. Burning into pain.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now