Chasing MRB-Nine

403 7 0
                                    

Nababagot akong naghihintay kay Mel dito sa library. Sabi niya kasi gagawin namin yung sinasabing activity ni Mrs. Gonzalez kanina. Dapat nga masaya ako kasi tatlong subjects kaklse ko si David pero bakit ganito parang nakakawala ng gana.

Sino bang hindi mawawalan ng gana Clea sa nakita mo kanina..sa tingin ko hindi ma maitsura mukha ko ngayon. Nakakainis naman kasi!

Ugh!

Nakita ko siyang kasama si Clarice kanina ang muse ng school nila. Syempre mukhang nasa kanya na ang lahat. Maganda at sexy tapos ako? Payat tapos mukha pang si dora may bangs. Hays.

Maganda ka kaya..napailing nalang ako dahil sa iniisip ko. Dapat proud nga ako dahil may ganito akong mukha. Kung panget ako eh di panget din si mama at papa diba?. Pero kasi nakakainggit sila, para niyang boyfriend kanina si David.

"Clea?"

Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa mukha ni Kendrick kasamahan ni David.

"Ha?"

He chuckled at umupo sa harapan ko."Nag-iisa kalang ata?" tanong nito.

Ano daw? Teka nga close ba kami? Ang alam ko lang kaibigan siya ni David tapos si Kenneth lang naman ang kaibigan niya sa kasamahan niya. Paano ko sila nakilala? Diba nga sabi ko stalker ako ni David kaya inalam ko lahat pati pangalan ng kasamahan niya. At bakit niya ako kilala? Dahil ako lang naman ata ang habol ng habol kay David. Tsk.

"Mukha ka kasing tulala kanina kaya nilapitan kita sorry kong naisturbo kita" he smiled. Napailing ako at ngumiti sa kanya.

"No worries Kendrick hinihintay ko lang si Mel may gagawin kasi kami ngayon"

"Oh? Okay at sorry din kung masyado akong feeling close I know we're not close but I just want to remind you, that David doesn't like you" seryoso nitong sabi.

Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. "What are you trying to say kendrick?" medyo naiinis ako sa sinabi niya.

"He doesn't like you so stop chasing Clea I'm just a concern citizen here"

"Ano bang alam mo ha?" medyo tumaas ang boses ko dahil sa inis ko.  Bakit niya ba ito sinasabi sa akin.

He shrugged his shoulders.. "Its your choice then, anyways sorry for disturbing you I'll go ahead" tumayo ito at hindi na siya nilingon pa.

Nanghihina ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Totoo ba talagang ayaw niya sa akin? Kaya na hindi niya ako pinapansin dahil ayaw niya sa akin. Hindi niya tinatanggap ang lahat ng binigay ko dahil ayaw niya sa akin? Ganon ba talaga yun. Bakit ata ang unfair naman ata?  Bakit yung iba pinapansin niya? Ibig bang sabihin nun may gusto siya sa kanila. Impossible naman atang magkagusto siya sa lahat ng babae sa campus maliban sa akin.

Gulong gulo ang isipan ko. Tumayo ako at lumabas sa library. Kailangan ko ng ibigay itong libro sa kanya. Nagbabakasali parin akong pansinin niya ako. Wala akong paki sa sinabi ni Kendrick kanina basta hindi ako mawawalan ng pag-asa.

Hindi naman si David ang nagsabi sayo mismo. Tama! Kaya hindi ako maniniwala sa sinabi niya. Stop over thinking clea.

Hinanap ko si David sa hallway kasi minsan dito sila nakatambay kasama ang iba niyang kasama. Pumunta ako sa stadium baka nandoon sila nag papractice. May court kasi sa stadium minsan dito ginaganap ang final game at sa unahan niyo ay isang napakamalaking stage. Pero wala rin siya. Baka nasa oval yun kasi minsan doon siya natutulog malapit sa malaking puno.

Palapit ako ng palapit sa oval at hindi nga ako nagkakamali naroon siya nakahiga sa ilalim ng puno. Medyo tago ito kaya hindi siya masyadong makikita. Pero ako? Mas malawak ata paningin ko eh kasi umabot talaga sa kinarorounan niya.

Tahimik akong umupo sa tabi niya at tinitigan ang mukha niya. Baka tulog siya? O baka umidlip lang siya?

Hayss David bakit ba hindi mo 'ko nagawang pansinin ulit ano bang nagawa kong kasalanan sayo.. Bulong ng isipan niya.

Nabato siya sa kinatatayuan ng biglang tumayo ito at nakatingin sa kanya ang dalawang kulay brown na mata. Napalunok siya pero nagawa niya paring ngumiti.

"Hello" todo ngiti siya sa harapan nito.

Ang gwapo david sana akin ka nalang..letseng isipan wag mo nga akong pakabahin lalo.

"David may ibibigay pala ako sayo" wala na akong pakialam kung anong reaksyon niya sa ginagawa ko.

He doesn't like you Clea..pumikit ako ng mariin dahil sa naiisip kong iyon.

Inabot ko sa kanya ang libro pero nakatingin lang ito sa libro. Wala siyang ibang narinig kundi ang kabog ng puso niya. Parang may pinasabog na bomba sa loob nito.

"David kahit ito lang tanggapin mo please" I pleaded with sincerity.

Wala parin akong nakuhang reaksyon sa kanya sa halip ay tumayo siya at pinagpag ang sarili. Tumingin siya saglit sa akin.

Agad akong tumayo at inabot ulit ang libro niya. "Please David diba paboritong libro mo 'to? Pinabili ko pa yan para sayo" hinarang ko ito sa may bandang dibdib biya.

"David" I whispered. Gusto ko na talagang maiyak. Hindi ko alam kung bakit.

"No thanks" agad itong nawala sa harapan niya at nilampasan siya.

Mariin siyang pumikit at humarap sa nakatalikod na katawan ni David. Binato niya ang libro sa likod nito at humigit ng malalim na hininga.

"bakit ba ganyan ka sa akin! Bakit yung iba pinapansin mo bakit ako hindi! Hindi ka naman ganyan dati ah! Ano bang nagawa kong kasalanan sayo! Napaka unfair mo! Gusto ko lang naman na mapansin mo! Dahil..dahil.. Gusto kita!" she shouted .Yumuko siya at naramdaman niyang dahan dahang lumabas ang kanyang luha. Marahas niya itong pinunasan at tumingin ulit kay David na nakaharap na pala sa kanya.

"You like me?" tanong nito sa kanya.

"Diba halata? Manhid ka rin eh! Lahat nalang binigay ko ni reject mo na alam mo bang ilang beses na akong nasaktan dahil doon bakit kung iba ang magpapansin sayo papansinin mo bakit ako hindi" halos pabulong kong tanong sa kanya.

"You want the truth?" tanong nito. Wala man lang ka emo emosyon ang mukha nito.

"Hindi mo ako gusto diba?" deretsahan kong tanong pabalik sa kanya. Wala akong paki kung umiyak ako sa harapan niya.

"you got it clea" he smiled and left me dumbfounded.

Lumuhod ako at humagulhol ng iyak. Ang sakit pala malaman ang katotohanang hindi ka gusto ng taong gusto mo. Tumingin ako sa librong iniwan niya at dahan dahan akong tumayo at kinuha iyon.

Totoo ngang hindi niya ako gusto. Natawa nalang ako ng pagak at hinayang tumulo ang mga luha ko.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now