Chasing MRB-Thirty Three

227 12 1
                                    

Everything is ready especially his favorite cookies. Nana Helen baked a different kind of cookies, biscuits and scones for David. I asked her to bake a coconut cookies, walnut cookies, chocolate chip biscuit, cinnamon crisp, brownies, wholewheat biscuits, and Cheese-Topped Scones. But still I'm nervous. I was thinking about my conversation with Dad hours ago. Na received ko ang reply ni David magkahalong saya at kaba ang nadarama ko.

"Grace put some extra utensils here!"

Narinig kong sigaw ni papa kay nana grace habang ako, hindi mapakali at panay tingin sa gate. I'm wearing a floral dress above knee and stilettos. Hindi naman ako pweding humarap sa kanya na parang bagong gising diba? Nakakahiya.

"Albert ready naba yung paboritong ulam ni Clea?" I'm sure that's my mom.

"Yeah lahat ready na" sagot ni papa.

Napakagat ako sa labi at panay padyak ko sa paa dahil hindi ako mapakali. Narinig kong may humintong sasakyan sa tapat ng gate. I was about to go when Dad grab my right arm.

"Just let him in" seryoso nitong sabi.

Napabuntong hininga nalang ako at tumango. "Okay Dada"

Biglang bumukas ang gate at pinapasok siya. Naroon sila Nana Linda at Nana Lily nakaabang sa kanya.

"Umupo kana doon anak" Narinig ko ang boses ni mama kaya wala akong pagpipilian kundi umupo nalang. Pero di maalis ang tingin ko sa pinto.

Umupo sa tabi ko si Papa.."He's here" bulong nito.

And there he is! May dala siyang bouquet na red roses habang nasa likod naman si Mama na malapad na nakangiti.

He's gorgeous with his light blue longsleeve and his suave hair. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kanya.

"Good Evening Sir" bati nito kay Papa at bumaling ng tingin sa akin.

"Para sayo pala" inabot niya ang bulaklak at ngumiti.

"Iho upo ka rito pinaghanda namin lahat ng gusto mo" alok ni mama sa kanya. Sinulyapan ko si Papa pero nakatitig ito kay David.

"Thank You Ma'am" ngumiti si David sa kanyang ina at umupo sa tapat ko. Si mama naman panay sulyap sa akin at ngumiti.

"So you are?"

Halos di ako makahinga ng nagsimulang nagtanong si Papa. Pilit akong ngumiti kay David na nakangiti sa papa niya.

"David Vaughn Villiarde its nice to meet you Sir" pakilala nito. Sinulyapan siya nito at bumaling naman agad kay Papa.

"Ikaw pala ang nag-iisang anak ni Carlos?"

"Opo"

"Carlos was my batchmate back then how's
your dad?"

"He's busy with his business Sir at minsan ko lang siyang makakasama He's good I guess"

Tumango tango si papa pero hindi parin naalis ang kaba ko sa dibdib. He's cool like nothing happened.

"Boys can we eat now? Baka gutom na ang prinsesa mo Albert" ani ni Mama at tumingin sa akin.

"Oh sorry about that Princess I carried away okay let's eat!" masiglang tugon ni Papa.

"Eat a lot a David" dagdag ni Dad.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Tahimik lang kaming kumakain. Buti nalang talaga binasag ni mama ang katahimikan.

"David diba same school kayo ni Clea?"

Napasinghap ako at tumingin kay David na relax na relax na kumakain sa harapan ko.  Di ba siya kinakabahan?

"Yes po"

"Great! Iho enjoy mo lang ang pagkain ha kung may gusto ko pang iba sabihin mo lang" Ani ni mama at malapad itong napangiti sa kanya.

"Masaya po akong makasalo ko kayo salamat po" tugon niya rito.

"Kahit araw araw kan------"

"Lets finish our food first" Dad Interupted.

Hindi kami makaimik dahil sa seryosong tuno ng boses niya. Ilang minuto lang ang nakalipas, natapos na rin kaming kumain. Nagkatinginan kami ni David and I mouthed 'Thank You' to him.

"David can we talk?"

Napatingin ako kay Dad na nasa likuran ni David at katabi nito si mama. She mouthed 'don't worry'.  I'm worried Ma kung alam mo lang kung gaano ako kaalala ngayon.

"Sure Sir" Sagot ni David. Nagpaalam silang dalawa sa amin ni Mama.

"Mom baka anong sabihin ni papa sa kanya" pagalala kong sabi kay mama.

"Just trust your dad baby" tugon ni mama.

"Can I stay here?"

"We can stay here and we will wait" tugon nito.

Umupo kami ni mama sa mahabang sopa. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at panay tingin sa labas. Nasa labas kasi sila nag-uusap. Nag-alala ako baka anong gawin niya kay David. I trust Dad but not his ways. My dad is overprotective at alam kong iba yung aura niya kanina. I'm his princess but ugh! Ewan ko nalang.

"Relax sweety" hinawakan ni mama ang kamay ko. Tumango nalang ako bilang tugon.

"Kung may gawin man siya na ikagagalit mo ay kakausapin ko ang dad mo okay?  Don't worry I like that guy baby, you look good together"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Mothers knows best nga diba. Alam kong the best talaga si David para sa akin.

"Thanks mom I'm thankful to have you" niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sa tingin ko tapos na silang nag-usap anak" bulong niya kaya napahiwalay ako sa pagkakayap at tumingin sa likod.

Nakita ko si Papa na malapad ang ngiti at papunta sa gawi namin.

"Nasaan si David Dada?" panimula ko.

"Umuwi na" sagot niya.

"Anong umuwi na?" tanong ko sa kanya. Ni hindi pa nga kami nakakapag-usap ni David. Nagpaganda pa ako para sa kanya pero ganon lang yun lahat?.

"I send him outside" tugon niya na kunot noong nakatingin sa akin.

Bumagsak ang balikat ko at nagbaba ng tingin. "Why dad?" tanong ko.

"He deserve it" may diin na tugon nito.

Dahan dahan kong itinaas ang aking tingin at tumingin sa mata niya. "Deserve what Dad?"

"Stop asking me Clea" parang pasigaw na sabi nito sa kanya.

Mariin akong napapikit at marahas na tumayo. Hinarap ko siya at nilakasan ang loob ko.

"I invited him for our family dinner at hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos Dad bakit dad wala kabang tiwala sa akin Dad? Pinau----"

"I was the one who invited him princess and you need to trust me he's not good for you" mahinahon niyang tugon.

Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko maihakbang ang mga paa. May kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Masakit kasi tanggapin na ayaw niya kay David. Wala namang nagawang masama si David sa akin. Why Dad? Why you do that to David. He's a good guy if you didn't know. And I love him. Masakit ang sinabi niya. Pero Dad ko siya dapat maintindihan niya. Dapat masaya siya para sa akin. David is my happines and now who will be. He doesn't  want to David.

"Albert what i----" I cut my mom.

"I hate you dad!" I almost whispered.

Sinulyapan ko siya at tumakbo ako papunta sa itaas. Pumasok sa kwarto,  dahan dahang napaluhod at humagulhol ng iyak. Ano bang sinasabi niya sa akin. He's not good? Then who! Sino ang karapat dapat sa akin. Hindi naman pweding siya ang magdesisyun para sa akin. Alam ko namang wala akong ibang pagpipilian kundi sundin siya. Alam kong mali ang sinabi ko kanina pero di ko maiwasang di magtampo sa kanya. Sana naman maintindihan niya ako. Mahirap ba yun?.

Marahas kong pinunasan ang aking luha at mariin na napapikit. "I need to talk to David tomorrow" . I really need to.

--------
A/N: Hay buhay. Ang saklap minsan. (╥_╥)

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now