Chasing MRB-Seveenteen

400 11 0
                                    

Napahinto ako dahil nakita ko si Mel sa malayuan. Pero ang totoo, nagulat ako dahil kinakausap niya ngayon si David at parang masaya yung pinag-uusapan nila. Nakaramdam ako ng kirot dahil sa nakita ko. Oh ngayon si Mel na naman ang kinausap niya? Bakit ako di man lang niya magawang batiin.

Nakalimutan kong kailangan ko silang lampasan dahil malapit sila sa room ko. Humugot ako ng malalim na hininga at naglakad ng deretso.

Clea don't look around..bulong ng aking isip. Halos nanlamig ang kamay ko habang naglalakad ng deretso. Pero nagulat nalang ako ng biglang may umakbay sa akin.

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. "Sage?"
Shit! Anong ginagawa niya sa building namin.

"Hello there cutie" bati niya habang malapad na nakangiti.

I rolled my eyes to him.. "Anong cutie ka jan gusto mo sapak wag mo akong susubukan Sage ha wag ka ngang mabola"

He chuckled "Ang sarap mong asarin teka may class kaba?" tanong niya pero hindi parin maalis ang ngiti niya.

Oh shit!.

"Teka nga bakit ka nandito sa building namin diba nasa kabilang building yung engineering naliligaw ka ata"

Hindi ko alam kung bakit naging komportable ako sa kanya ngayon. Naglalakad parin kami pero hindi ganoon kabilis. Alam kong palapit ng palapit kami ni Sage sa gawi ni David. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

"Gusto lang kitang makita" he almos whispered. Tumigil ako sa paglalakad at tuminga ng bahagya kasi mas matangkad siya sa akin.

"Huh?"

"I said I want to see you Clea Ortiza" he smiled again. Aaminin ko napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit.

"And why?" pagtataray kung tanong.

"Stop asking me baby saan ba ang room mo ihahatid na kita"

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan. He's acting like a boyfriend. Ihatid talaga? Hindi naman ata ako grade schooler para ihatid niya pa. At kaya ko ang sarili ko.

"Wag na baka may class kapa nandoon lang naman ang room ko" tinuro ko ang di malayuang room pero lumipat ang tingin ko kina Mel na nakatingin din pala sa gawi namin. Lalo na si David na kunot noong nakatitig sa kanya. Umiwas ako ng tingin at bumaling kay Sage na nakatingin ng deretso.

"Room number" tanong niya.

"Sage wag na okay? Kasi kaya ko naman pumunta doon hindi naman ako lumpo ano kaba" mahinahon kong tugon.

Bumaling siya sa akin ng tingin at mataman akong tiningnan. "gusto kong ihatid ka" may diin na sabi niya.

"Fine" tipid kong tugon. Sarap batukan ang isang to. Napaka bossy sa totoo lang. Nilampasan namin sila Mel hindi na ako lumingon sa gawi nila. Kaya ko naman diba? Kaya ko. Kahit masakit, kakayanin ko.

"dito nalang sage"

Pinasadahan niya ng tingin ang room namin. Yung iba, laglag pangang nakatingin sa kasama ko. Tapos yung iba natahimik dahil sa kanya. Naguluhan naman ako kung bakit.

"your room is good saan kaba nakaupo?"

Kumunot ang noo ko.. "Ikaw sage puro ka tanong sa akin ano pang gustong malaman mo kung sino ang teacher ko? Pssh" sarkastiko kong tanong.

He smiled. "Pwedi rin"

Napangiwi ako.. "Umalis kana nga, salamat sa paghatid ah" tumalikod ako pero bigla niya akong hilahin kaya halos napasubsob ako sa dibdib niya. Napasinghap ako sa gulat.

"May dadaan baka mabangga ka" bulong niya. Naitulak ko siya ng kaunti at tumingin sa likuran. Halos lahat ng mata ay nasa amin.

Clea ibang issue na naman ang kakaharapin mo. Napapikit ako at napabuntong hininga. Tumingin ako kay Sage na nakangiti sa harapan ko.

"Sage salamat ulit" mahinahon kong sabi.

"Oh I'm helping you out don't worry Clea nandito lang ako" halos pabulong niyang tugon. He winked and left the room.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya. Anong ibig niyang sabihin? Tinutulungan niya ako? Para saan naman ang tulong na iyon. Hindi ko naman kailangan ng tulong na kahit na sino at bakit nangangailangan ba ako ng tulong? Hindi naman.

"Oy Clea boyfriend mo ba si Sage?"

Namilog ang mata ko sa tanong ng isa kong kaklase. Umiling ako.. "Hindi"

"Boyfriend mo yun in denial ka Clea"

"Obvious naman Clea akala ko ba si David yung alam mo na"

Speaking of which, napasulyap ako saglit sa likod kung saan nakaupo si David. Pero nadismaya siya dahil magkausap parin sila ni Mel. Hanggang dito ba naman ganun sila?.

"Oyyyy! Si Sage pala type mo"

"Bagay kaya kayo siya pa naman yung President ng Engineering department"

"Oo nga gwapo naman yun"

Imbis na pakinggang ko sila, naglakad ako malapit sa upuan nila David at umupo sa unahan nila. Magkatabi kami ni Mel pero nasa upuan siya ni David ngayon. Rinig na rinig ko pa ang pinag-uusapan nila. Parang napakaclose nilang dalawa.

"nakita mo ba yung nasa bulliten kanina our SCC president posted your up coming mini concert next month"

"Yeah I saw it"

"Omg! I'm so excited to see you there"

"Haha hindi ko nga alam na binigyan ako nga ganun ni Pres."

"you deserve it david you won as campus Idol last year at dahil kay Mrs. Sandoval naging Mr. Romantic Ballder ka ang ganda kaya ng boses mo! Haha"

"Thank You Mel I expect you to watch me next month"

"Oh sure! Ikaw pa!"

Mariin akong pumikit dahil sa kirot na naramdaman ko. Anong nangyari sa bestfriend niya? Bakit niya ito ginagawa sa akin. Alam niya namang may gusto ako kay David matagal na. Pero bakit.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agara ko itong sinagot.

Hello

Bebe girl pumunta ka mamaya sa Music room may surprise ako sayo

What surprise?

Kaya nga surprise diba?

Ahh okay

Bebe girl matamlay ka na naman ayuko ng ganyan

Sorry naman

Okay bebe girl may darating jan tanggapin mo

Anong ta--

*tooot tooot tooot

Napatingin ako sa screen na nakakunot noo. Hindi ko maintindihan ang sinabi ng pinsan ko.

"Is Ms. Clea Ortiza is Here?"

Namilog ang mata ko sa nakita. Someone is holding a bouquet of red roses. What the fudge?.

"I'm here" itinaas ko ang aking kamay. Agarang naglakad palapit sa kanya ang lalaki na naka black suit pa.

"Hello Gorgeous pinabibigay niya sayo" ngumiti ang lalaki na mukhang nasa twenty five ang edad.

"Sino?" tanong ko.

"Just read his message" he answered and went outside.

Tiningnan ko ang maliit na papel na nakadikit sa gitna. Napangiti nalang ako habang binabasa yun.

Smile princess

-Love Dada

My heart melted because my dad never fails to suprise me. Akala ko kay Clifford galing sa kanya pala. Napaluha ako dahil sa simpleng mensahe niya. Kahit malayo siya alam kong palagi niya akong binibigyan ng ganito para ipalala na hindi niya ako nakakalimutan.

-------
A/N: Iba parin yung pagmamahal ng isang ama. Diba?.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now