Chasing MRB-Twelve

410 14 0
                                    

Maaga akong nagising kaya naligo agad ako. Ang pinakayaw ko talaga yung ma li-late ako. Pero minsan kasi, hindi maiiwasang mahuli ako ng gising. Napagod ako kahapon kay mama. Grabe naman kasi kung makabili ng damit halos bilhin na lahat eh. Minsan lang daw mangyayari yung siya ang bibili ng damit ko kaya ayun hinayaan ko siya tapos ako naman sukat ng sukat. Hays.

Sampung minuto lang ang nakalipas natapos na rin ako. Nakatapis lang ako ng tuwalya habang nakatingin sa malaki kong closet. Pinasadahan ko ito ng tingin. Sa totoo lang hindi ko alam ang susuotin ko pero ito nalang kaya.

I wear nollie lace mock neck black sweater, corset waist vintage skinny jeans and pair of Nike TR7 chrome blush. Maybe this would be better. I comb my hair smoothly and I'll put some powder on my face and lip gloss of course sa lips ko.

Tumingin ako sa salamin. Nagbago nga ang looks ko pero hindi ibig sabihin na nagbabago na ang kagustuhan kong mapansin ni David. Pansamantala muna akong titigil.days will do. Pag-iisipan ko muna kasi kung anong una kong gagawin ko na hindi niya mahalatang nagpapansin ako.

Kinuha ko ang jansport backpack ko at lumabas ng kwarto. Nasa hagdanan palang ako narinig ko na ang tawanan nina Nana linda, lily, grace, helen at ni mama. Ewan ko lang kung anong pinag-usapan nila kaya ganyan sila makatawa. Wagas.

"Magandang buhay sa inyo!" sigaw ko with matching kaway kaway sa dalawa kong kamay.

"Oh ayan na pala ang prinsesa natin" usal ni mama at tumawa na naman.

"Ganda talaga na aming prinsesa!"-Nana Grace

"sinabi mo pa grace siguradong pagkakaguluhan yan sa school"-Nana Lily.

"Hindi lang pagkakaguluhan, pipilahan yan"-Nana Helen

"Hahaha tama kayo!"-Nana linda.

Napasentido nalang ako dahil sa mga sinabi nila. 'Nana' ang tawag ko sa kanila imbis na 'yaya' para kasing pamilya na namin sila.

"Oh nana Linda pakainin niyo muna yang prinsesa natin kasi baka ma late yan" utos ni mama na mukhang kanina lang din nagising may dala dala pa itong laptop. Huminto siya sa harapan ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Be good at school anak may gagawin lang muna si mama ha mauna ka ng kumain"

"okay mom" umupo agad ako sa upuan at sinunggaban ang nakahandang pagkain.

Pagkatapos kung kumain,  nag toothbrush ako at agarang nagpaalam sa kanila. Sumakay ako sa sasakyan at bumati kay Kuya Arnaldo.

Nang nakarating kami, agad akong lumabas sa sasakyan at nagpaalam kay Kuya Arnaldo. Tumingala ako sa langit at nagpakawala ng malalim na hininga.

"smile and be happy clea" bulong ko. Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni mama na gusto niya makita ang dating ako. Hindi naman ata ako nagbago, kagaya parin ako ng dati pero minsan kasi nawawalan ako ng gana dahil kay David. Kaya ngayon, wag ko munang isipin si David. Makakaya mo nga ba?. Bwisit! Oo alam kung hindi. Kairitang isipan naman putek.

Todo ngiti ako habang papasok ng Campus. May nakakasulubong ako na kung makatitig sa akin wagas. Hindi ko naman masasabi kung masama ba ang titig nila kasi parang natural lang. Hayaan mo na sila Clea isipin mong dapat masaya ka ngayong araw. Tama!

"Bes tingnan mo oh? Parang pamilyar yung mukha niya?"

"Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko lang naalala kung saan"

"infairness ang ganda niya huh. Mukha atang transferee"

"Taga saang department kaya siya baka sa HRM department siya girl halos nandoon naman kasi ang magaganda"

Napangiwi ako dahil sa mga sinasabi nila. Taga HRM? Wow ha! Ang dami kayang magaganda sa Department namin. Sarap kutusan yung mga tsimosa kanina. Naduling na ata. Infairness daw maganda ka. Napairap nalang ako dahil sa mga inisip ko. Matagal na akong maganda no.

Paliko na ako papuntang room, pero natigilan ako ng makita ko si David na nakasandal sa pader at nakapulsa. Para akong atakihin sa puso dahil sa kaba. Napangiti ako habang nakatitig sa kanya kahit malayuan, parang may magic yung paningin ko I see it clearly that He's smiling while talking to his phone.

Clea be happy today. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kaklase ko na naman kasi siya tapos si Mel. Alam kung nandoon na yun sa room.

"wag mo siyang pansinin"  paulit-ulit kong bulong sa aking sarili. Nag-iisip pa ako ng paraan kung paano siya kukulitin para mapansin niya ako.

Halos nanayo ang bahalahibo ko habang palapit ako ng palapit sa gawi niya. Nakailang buntong hininga ako at parang nanuyo ang lalamunan ko. Ang lakas talaga ng tama mo kay David!. Oo na takte manahimik ka nga! Kinakabahan ako sayo.

"oh my gosh! Dretso lang ang tingin Clea dretso lang" Hindi ako mapakali ng ilang dangkal nalang ang pagitan namin. Parang nag slow motion ang panging ko ng malampasan ko siya. Success Clea!.

Nang makalayo na ako sa kanya, napahawak ako sa akong dibdib at napabuga ng malalim na hininga.

"Gosh! Parang mahuhulog puso ko kanina ugh! Di ko akalaing ganito ang epekto niya sa akin"

Ano ba itong nararamdaman ko sa kanya. Bakit ganito? Basta makikita ko siya parang bomba ang puso ko kung makatibok. Sobrang lakas.

Hays. Wag ko munang isipin yun. Di ko namamalayang nasa harapan na ako ng pinto at pumasok na ako. Bumungad sa akin ang mga kaklase ko pati si Mel na parang inuusisa ako.

"Kyaaaaah! Omg! Clea ikaw ba yan? Omg! Omg!" halos pabingi ako sa tili niya. Tumango ako at tumawa.

"Wag kang tumili baka akalain nilang nagkakagusto kana sa akin"

"Hoy! Di tayo talo pero bes ang ganda mo? Anong nakain mo't nagtransform ka agad bilang wonder woman? Ang ganda mo na tapos ang sexy pa! Kyaaah!" halos masubsob ako sa upuan dahil sa pagyakap niya. Ang saya-saya niya na makita akong ganito. Baliw talaga.

"Tumigil ka nga! Nakakahiya sa kanila" I whispered to her. Tumingin ako sa mga kaklase na nakatitig lang din sa akin.

"The hell I care dzaaa! Basta ang ganda ganda mo! Grabe! Ang ganda mo talaga!"

Napangiwi nalang ako. "Paulit-ulit lang te?"

Umupo ako at tumabi naman siya kaagad. Bahagya siyang lumapit sa akin na halos ilang dangkal nalang ang pagitan sa aming mukha.

"Siguradong maglalaway si David sayo" bulong niya.

Napaubo ako ng wala sa oras. Putek!. Nabulunan ako ng sarili kong laway. Pero parang may paru-paru sa tiyan ko.

Letche!  Kinikilig ako.

--------
Just click 'star or vote' down there. Hihihi. Thank you. #UMAASA! hahaha!

Sorry for some misspelled words and grammatical errors.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now