Chasing MRB-Forty

237 9 0
                                    

Napangiwi nalang ako habang tawa ng tawa si Mel dahil sa mga sinabi ko. Tungkol doon sa babaeng humawak kay David. At sinabi ko na rin na ang lahat sa kanya tungkol kay Dad at David.

"Di ako makapaniwalang nagawa mo yun Bes! Hanep ka! Believe din ako sayo" tawa parin ito ng tawa habang sapo sapo ang tiyan niya.

"Tigilan mo nga ako Mel nainis ako eh gusto ko pa ngang dagdagan yun buti nalang pinigilan ako ni David"

Sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya, hindi ko mapigilang di kiligin. Hindi ko kasi nakalimutan ang kanta niya kagabi sa akin. My gosh!. Kinikilig ako lalo na okay na si Papa.

"Oyyyyy! Si David naman ba ang iniisip mo jan" sabay sundot sa tagiliran niya.

"Mel naman eh" nag pout ako habang nakawak sa kamay nito.

"Hahaha namumula ka gaga! Kinikilig ka eh! Sa wakas bes. Natupad na rin ang gusto mong mangyari!" masiglang wika nito.

Napangiti naman ako.."Hindi ko nga akalaing mangyayari ito na pansinin niya ako at ang maganda pa doon gusto niya ako"

"Kyaaaaah! Omg! Omg! Kinikilig talaga ako" para siyang nangigil sa akin. Halos maglupasay na siya sa kilig. Ako naman mahinang tumili dahil nasa hallway kami. Para kaming timang dito buti nalang wala si Sir wala kaming pasok kanina.

"Mel enough na kanina ka pa eh" reklamo ko. Halos mabugbog na katawan ko dahil sa panay palo niya.

"I can't help it imagine ha noon hinahabol mo siya tapos ngayon parang magic lang diba bes? Nagkagusto siya sayo dati pa! Nyay! Masaya ako para sayo bes"

Natawa nalang ako at tumango. "oo na masaya kana halata naman eh" pinasadahan ko siya ng tingin.

"Ay bes si Clarice mukhang galit sayo" natigilan siya at napatingin kung nasaan nakatuon ang mata ni Mel.

She's staring like she wants to kill me and end my life. Hell I care if she want to. Hindi ko siya uurungan. Nagiging palaban na tuloy ako ngayon.

"Hayaan mo na yan" bulong ko kay Mel.

"Pero bes mukhang papunta siya rito"

"I can see that" habang mariing nakatitig sa mukha ng impaktang si Clarice. May kasama pa siyang isang babae na parang nakita niya noon.

"Paano mo nagayuma si David Huh?" panimula nito.

Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi ng higad na 'to. Ganon naba ako ka desperada sa paningin niya. Okay ganon pala ang gusto. Count me in Clarice you like to play then I'll be your couch then.

"Ay wag mo ng itanong yun too late nagayuma ko na siya poor you" tinaasan ko siya ng kilay.

I really enjoy this  one. Buti nalang hindi ako na ereport ng babae kanina kung sino man siya. Salamat sa kanya.

Sarkastiko siyang natawa at bahagyang lumapit sa akin. Hindi ko siya nilubayan ng tingin halos magkasingtangkad lang kami mas matangkad lang siya konti.

"How desperate are you?" natawa ulit siya at bumaling sa kasamahan niya na panay irap sa akin. "Right Mira?" tumango naman agad ang kasama niya.

Tumawa ko habang nakatakip ang kamay ko sa aking bibig. "Atleast nakuha ko si David eh ikaw? Kahit buhok niya hindi mo nakuha? Kawawa ka naman"

Halos namula ang mata niya sa galit. Pati mukha niya kulang nalag pigain dahil sa pulang pula ito.

"So totoo ngang ginayuma mo siya! You bitch!" tumaas ang boses niya.

"Girl ang pagmamahal ay hindi magic na kailan mo gustong maramdaman gugustuhin mo nagpapatawa kaba? Naniniwala ka pala sa gayuma? Mahirap bang tanggapin na ako ang gusto niya at hindi ikaw?"

Gusto niya bang masampulan ng suntok ko. Strike two na talaga itong higad na to kung hindi titgil. Nagtitimpi pa naman ako dahil sa totoo lang inis na inis na ako sa kanya.

"Grabe ang confident mo no? Sigurado kabang gusto ka niya? Mangarap ka ng gising Clea" ungot ng kasama niyang si Mira. Yeah Mira her name.

"Hey Girl watch your mouth! Hindi siya nangarap ikaw lang tong walang alam kaya manahimik ka ano bang pinuputok ng botche niyong dalawa huh? Anong pinaglalaban niyo? Yang pula niyong labi at mukha niyo na kulang nalang budburan ng harina para mapansin kayo ng mga lalaki?  Ha-ha-ha sorry nalang te made in china kayo kami made in USA in short both of you are fake trying hard masyado!" halos hinihingal si Mel dahil sa sinabi nito.

Di ko mapigilang di matawa sa sinabi niya. Ang mukha ng dalawa, ayun galit na galit kulang nalang sampalin nila si Mel dahil sa galit.

"See speechless kayo?" dagdag ni Mel at taas noong nakatingin sa dalawa.

Tawa parin ako ng tawa at panay tampal sa braso ni Mel. Iba ka talaga Mel akala ko nabato na siya sa gilid eh yun pala may pinaghuhugutan ang bruha.

"Natural ang beauty namin bitch inggit ka lang kasi,"ani ni Mira sabay irap.

"huh? Ako maiingit sa labi mong kulang nalang hihiwalay sa mukha mo? Na-ah you're wrong Mira the so called Assum-MIRA" humagalpak ng tawa si Mel sa harapan nila.

"Arghhh! Bakit kaba sumisingit sa eksena sino kaba! " singhal ni Mira.

"Sino ako? Ako yung dyosa sa mundong ito kung hindi mo alam at ikaw naman yung alalay ko"

Humagikhik ako habang nakikinig sa kanilang dalawa na nagbabangayan.

"So tuwang tuwa ka?" tanong ni Clarice.

"ay sorry nakalimutan kita Clarice saka mo na sabihin ang dinaramdam mo ha huhupa din yan" panay tawa ako sa kanya.

Nilagpasan ko siya at hinila si Mel papalayo sa kanila. Akmang babalikan ni Mel si Mira pero pinigilan ko na.

"Wait lang di pa ako tapos Bes! Eh bitiw--araaaaay!" daing nito. Ayun binatukan ko na.

"Tapos na Mel move on na"

Nakisamangot itong tumango at bigla ulit na natawa. Mababaliw talaga ako sa kanya. Kabwisit na babae. Napailing nalang ako at napangiti. She's crazy payag din itong makipagsuntukan. Baliw talaga.

--------
A/N: Iba din ang may bestfriend diba. Sad to say wala akong bestfriend. (╥_╥)

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now