Chasing MRB-Twenty Three

427 12 2
                                    

Hindi mapuknat ang ngiti sa aking labi. Ibang iba ang pakiramdam ko ngayon. Inimbitahan kami kagabi ni Ford for a small party sa bahay nila. Kaunti lang ang naimbitihan kasama na doon si David. Hindi kami masyadong nagpansinan pero madalas nakikita ko siyang palaging nakatitig sa akin.

Halos di ako makatulog kagabi dahil sa kanya. Ayaw daw niya akong hawakan ng ibang lalaki. He's acting like a boyfriend. A possessive boyfriend. Gosh! I can't help but to shout. Kilig na kilig ako sa ginawa niya. Nawala na ang lahat ng galit sa puso ko napalitan iyon ng saya at pag-asa. Hindi ko alam kung bakit agad na nabura ang galit ko at inis sa kanya.

"Bes! Bakit mo ba kasi sinabi kay Max na boyfriend ko si Ford! Waaah nakakahiya!" lintaya niya.

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakasalampak sa arm chair ang ulo at nakasimangot.

"Kinilig ka naman diba? Hayaan mo na yun bagay naman kayong dalawa" ngumiti ako.

Napatayo siya bigla at hinawakan ang mga kamay ko. "Omg!  What about you and David? Oyyy! Nakita ko yun kagabi!" aniya na may panunuyang tingin.

Nagbaba ako ng tingin at napangiti. "Wala yun"

Umupo siya ulit sa aking tabi at niyugyog ako. Halos mahilo ako sa ginawa niya.

"Anong wala bes! Alam kong napansin mo yun diba hindi ka naman ata bulag diba omg! Bagay na bagay pa naman kayo kyaaah" halos mahulog siya sa upuan niya dahil sa kilig.

Piling ko tuloy na nangangamatis na ang mukha ko. I'm blushing I'm sure of that. Gosh!. Sino bang hindi kiligin sa ginawa ni David.

May part sa utak ko na hindi pa nasasagot na tanong. Gusto kong tanungin ang pinsan ko kagabi pero ayaw kong sirain ang araw niya kasi birthday niya. Napatingin ako kay Mel na nakangiti lang sa akin.

"Oh bakit?" she ask.

I heaved a sigh. "You're weird Mel can you tell me why?"

Natuptop ang bibig niya at napilitang ngumiti sa akin. Alam kong hindi rin ako tanga sa galaw niya. Hindi naman siya ganito dati. Gusto niya akong tumigil pero bakit ngayon ang saya saya niyang pinansin ako ni David.

"What's weird bes? I'm not masaya lang talaga ako dahil napansin kana niya diba yun naman ang gusto mo dati pa? Now You caught his attention you should be happy" aniya.

I nodded. "totoo ngang gusto kong pansinin niya ako but I already gave up I decided to stop what for Mel? Diba nga di niya ako gusto pero bakit ngayon namamansin na siya naguguluhan talaga ako"

Pinipigalan kong bumalik ang nararamdaman ko. Ang galit at pagtatampo. Galit sa sarili ko kung bakit nagpakatanga ako. Shit! Gulong gulo talaga ang isipan ko. Ngayon ko lang din napansin. Nagpadala ulit ako sa nararamdaman ko.

Napabuntong hininga siya at mataman akong tiningnan. "I can't answer that Clea maiintindihan mo rin ang lahat" mahinahon niyang tugon.

Naalala ko bigla ang sinabi ni Ford kahapon tungkol kay David. Ganito rin ang sinabi niya. Ano bang gusto nilang intindihin sa akin. Putek naman kasi. Feeling ko talaga may tinatago sila na ako lang ang hindi nakakaalam.

Biglang tumunog ang cellphone ni Mel at agad niya itong sinagot.

"Hello.. Oo.. Nandito.. Sige.. Ibibigay ko sandali lang"

Inabot niya sa akin ang phone niya. Kumunot naman ang noo ko. "Sino 'to?" tanong ko.

"Sagutin mo bes para malaman mo" malapad na nakangiti ang kaibigan niya.

Napabuntong hininga ako at tinaggap ang phone niya.

Hello?

Hello Clea Ortiza

No way! Is this David.  No no! Hindi siya 'to pero alam ko ang boses niya. His sweet voice feels like an angel's voice to my ears.

Ahm..

Sorry kung kay Melody ako tumawag wala kasi akong number mo ayaw kasing ibigay ni Melody kasi baka magalit ka.

Hindi ako makaimik parang nabulunan ako. So he's asking my goddamn number!. Bakit may number siya ni Mel. Ugh! Ewan ko. Bwisit naman itong puso ko. Taksil. Hindi tumitigil sa kakasigaw sa pangalan niya.

Ahm..

Can we talk later Clea Ortiza?

Talk talk talk. My gosh! Anong pag-uusapan naming dalawa?. Oh shit!.

Sure

After your class dadaanan kita jan okay?

Ahm..

He chuckled. Gosh ang puso mo Clea. Ang cute ng tawa niya. Napakagat ako sa ibabang labi para pigilang di mapangiti. Letche! Kinililig ako.

Silent means yes right? Sige kita tayo mamaya ha see you my boo

Nawala ako sa wisyo dahil sa sinabi niya. My Boo..  Napatitig lang ako sa screen at nawala na ang pangalan niya doon. Binababaan ko na pala siya. Nag malfunction ang utak at puso ko.

"Bes anong nangyayari sayo?"

Dahan dahan akong napalingon kay Mel na may pag-alala sa mukha. "My Boo" bulong ko.

Kumunot ang noo niya."Anong My Boo"

"Gosh! Mel tinawag niya ako ng My Boo" napatakip ako sa aking mukha at napapadyak sa paa.

"Oh my! No way Bes! Kyaaaaaah!" biglang tumili si Mel at niyugyog ako. Halos maglupasay siya sa kilig habang ako, ayun tumili din ako. Taksil naman kasi itong puso. Kung hindi ko mailabas ang kilig baka himatayin nalang ako.

I like the way you call me your boo..Gosh! I'm blushing.

--------
A/N: paano ba kayo kiligin? Kasi ako naiihi sa kilig. Hahaha lol!.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now