Chasing MRB-Twenty One

436 12 0
                                    

Nagmamadali akong lumabas sa room. Gulong gulo ako hindi ko mahagilap ang mga sagot sa mga tanong ng aking isipan. Bakit bigla bigla nalang siyang mamansin? Hindi ako nakumbensi sa sagot niya kanina.

"Wait Clea!"

Narinig ko ang boses ni Mel pero hindi ko siya nagawang lingunin. Isa pa si Mel bakit nakangiti siya sa akin kanina. Diba dapat magalit siya kasi gusto niya akong tumigil?. Ito na tumigil na ako pero bakit ganon? Ganon ang reaksyon niya kanina. Gulong gulo na talaga ako.

"Wait wait Clea please hear me out" aniya. Humarang siya sa aking harapan at huminga ng malalim.

"Sorry nitong nakaraang araw Clea please sorry talaga bes I give you time pero hindi mo naman ako pinapansin" aniya. Malungkot ang boses nito. Naiintindihan ko naman siya alam ko namang hindi niya ako matitiis at ganon din ako.

"Sorry din kung napaka OA ko nung time na yun masakit lang kasing tanggapin pero Mel I decided to stop na" ngumiti ako sa kanya.

Nanatili siyang nakatingin sa akin at di makaimik. "Mel may nasabi ba akong di nagustuhan?"

Umiling iling siya at ngumiti. Alam ko namang napilitan lang siyang ngumiti sa akin.

"Tumigil ka na talaga for real?" tanong niya na parang may halong pag-alala.

"Yes Mel you should be happy I'll try Mel" malapad akong nakangiti sa kanya. Dahan dahan siyang napatango.

"Okay pero mahal mo pa rin siya?" seryoso niyang tanong. She's acting so weird. Hindi naman siya ganito pero bakit parang ang dami niyang tanong. Mukhang di din ito masaya sa sagot niya.

Napakagat ako sa ibabang labi at tumango. "Oo hindi naman ata madaling kalimutan ang nararamdaman diba?" nakakahiyang aminin pero totoo. Mahal ko pa rin siya.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumili at tumalon talon sa harapan ko. "Nyay! May pag-asa pa pala" sigaw niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong pag-asang sinasabi mo jan?"

Malapad siyang ngumiti sa akin at inakbayan ako. "Pag-asa diba jan natin malalaman kung may bagyong paparating?" humalakhak ito.

Napahilot ako sa sentido at napailing. "Bwisit akala ko kung ano!" natawa nalang ako.

Napahinto ako at humarap sa kanya. "Mel may nakalimutan ka ata ngayong araw?"

"Hindi ko nakalimutan? Birthday ni Fordy loves ko hindi yun mangyayari no! Teka teka? May gift ka naba?" atat niyang tanong.

Umiling ako."Wala pa pero may surprise si Zelle sa kanya"

Nalukot ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Who's Zelle?" tanong niya.

Si Zelle lang kasi ang hindi niya nakilalang pinsan ko. Kasi ang tawag ko noon kay Zelle ay Z kaya mukhang nakalimutan din niya ang buong pangalan nito.

"Pinsan ko wag ka ngang OA jan! Pinsan din yun ni Ford" natawa nalang ako dahil sa reaksyon niya.

"Ahhh okay pero may gift kana? Tara bili tayo ng gift?" halos hilain niya ako pababa ng hagdanan.

"No hindi tayo makakabili kasi susurprisahin natin siya ngayon"

Napatigil siya sa paghakbang at nanlaki ang mata.. "Omg! For real? Anong gagawin natin?" halos maglupasay na siya sa kilig. Ewan ko lang nababaliw na ata ang isang 'to.

Sinabi ko sa kanya ang balak ni Zelle. Pagkarating namin sa parking lot nagulat ako dahil ang dami nila. Mga high school friends ni Ford na abala sa mga balloons. Ang daming balloons naman nito.

"Clea girl!" sigaw ni Zelle. She's wearing above the knee red dress and stilettos for heaven sake.

"What the heck?" tinaasan ko siya ng kilay.

Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Yeah yeah I know you girl wait she's Melody Oliveros right?" lumipat ang tingin sa kasama ko.

"Hello there girl I'm Zelle Ortiza Clea's Beautiful cousin slash bitch" humalakhak ito.

Natawa naman ako sa mukha ni Mel. Nalaglag ang panga niya at tumingin sa akin. Kilala niya na si Mel dahil nakita niya ang picture ko with Mel sa aking kwarto at si Mel lang ang hindi siya kilala.

"Hello Zelle ha-ha" napilitan itong tumawa.

"Girls help me naman sa surprises ha? Para makabawi ako sa bugok kong pinsan baka kutungan na naman ako nun kabwisit yung mukhang unggoy na yun buti nalang talaga maganda ako at mabait nakoo!" she giggled. Bahagyang napapadyak ng paa.

Natawa naman ako at si Mel hindi makapaniwalang ganon ang pinsan niya.

"She's crazier than you Mel"

"Yeah I can say that" tumango tango si Mel.

"Clea girl don't be so conservative you know I'm a bitch just let me wear this ha?" nag puppy eyes pa ito sa harapan ko.

"You wear it already and you are not a bitch Z can you just stop saying that word again? Pilayan kita jan" paghahamon ko sa kanya.

"Blah blah blah yes lola! Mano po? Sorry na po lola" humalakhak ito at nagmadaling linapitan ang mga kasama niya.

"Hala? Seryoso? Ganon talaga siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Mel na napailing pa.

"Oo ganon yun sabayan mo yung trip niya ngayon lang yan gumastos kuripot kasi yan" natawa kaming dalawa ni Mel.

"Hoy! Girls patulong naman!" sigaw nito.

Nagmadali kaming nagtungo sa kanya at kinuha ang tig sasampong balloons. Puro pula ang kulay. Ford likes red color so much kaya ito ang kulay na binili ni Zelle.

"Hello sa inyo" bati namin ni Mel sa kasamahan ni Zelle.

"Hello Clea kilala kana namin at hello sa kasama mo" kumindat pa ito kay Mel.

"Mel nalang po" tugon niya with hiya hiya effect pa ang gaga.

"Omit the PO word Mel I'm Maxwel good friend of Clifford" inilahad niya ang kanang kamay kay Mel akmang tatanggapin iyon ni Mel pero pinigilan ko.

"Maxwel to tell you frankly Mel is Clifford girlfriend so back off okay?" tinaasan ko siya ng kilay.

"whoa chill Clea nagpakilala lang" nagtaas ito ng kamay bilang pagsuko. Tumingin ako kay Mel na nakatanga sa harapan ko.

"Omg! May girlfriend na si Bugok? Hala ikaw magdala ng cake ha girl botong boto ako sayo girl kapag niloko ka ng pinsan kong bugok sabihin mo para mahampas ko sa ulo ng walang mangungutong sa akin" panay tawa nito at inabot kay Mel ang cake.

"gosh" bulalas nito habang nakatingin sa malapad na cake na nasa kamay niya.

"Just go with the flow" kumindat ako sa kanya.

"Clea kinakabahan ako" halos pabulong niyang tugon.

"Girlfriend ka naman niya so deal with it" nagbaba ng tingin si Clea at ngumiti. I know kinilig na siya dahil sa sinabi ko.

Napabuntong hininga ako at nagsimulang naglakad kasunod ni Zelle. Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ni David kanina.

Please stop hunting me David.

-------
A/N: Kahit anong gawin mo, basta mahal mo hindi talaga maalis sa isipan mo! Charoot mo te! Hahaha.

Chasing Mr. Romantic BalladerΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα